“DAHAN dahan at baka madulas ka." Paulit ulit na paalala ni Piyang sa akin. Pauwi na kami. Sinadya naming iwan ang sasakyan sa clinic para maalalayan niya ako sa paglalakad. Daig pa niya ang lalaki sa pag-aalala. Sobrang panic kapag nababangga ako ng mga nakasalubong naming tao. “Piyang, buntis ako. Hindi ako lumpo. Nakakaladkad ako.” Natatawang saad ko sa kanya. “Mas malala ka pa kay Dylux, mag-alala." “Sorry, excited lang ako." Napanguso ito. “Pakiramdam ko kasi ako ang buntis at kailangan ingatan ang sarili. Aware ka naman siguro na gusto ko ng magka-anak. Maswerte ka at nauna ka. Maswerte ka dahil may kaibigan kang mag-aalaga sayo. Hmp! Basta ako ang first ninang nito ah." Maagang deklara na nito. “Hindi naman ako kasal," pakli ko. Buntis ako pero wala akong karapatan sa sariling

