KAGAGALING ko lamang sa pagtulog at malungkot na mukha ni Piyang ang nabungaran ko kaagad. Sunod ay si Favio na nakatayo sa pintuan. Nakapamulsa at blangko ang mukha. Natatandaan ko'ng mabilis akong dinala ni Favio sa malapit na ospital nang makitang niyang dinudugo ako. Sa biyahe ay nawalan ako ng malay kaya naman wala akong alam sa mga sunod na nangyari. Bumaba ang tingin ko sa aking tiyan at hinaplos ito. Pinakiramdaman ko ang pulso niyon. Napapikit ako bago muling nagmulat para tanungin si Piyang. “Anong sabi ng doktor, Piyang? Kamusta na daw ang baby ko?” Ngumiti ako at pinilit na bumangon sa kabila ng panghihina ng aking buong katawan. Masakit ang ibabang parte ng katawan ko. Partikular sa p********e ko. Parang may ipinasok roon na kung anong bagay at tinaggal. Namamanhid din an

