RESCUE SCENE – POV ni Aiden Malakas ang ulan habang papalapit ang convoy ni Aiden sa lumang bodega sa tabing-dagat. Naka-gear ang lahat ng tauhan, handa kung sakaling may bakbakan. “Gov, nandito na tayo,” sabi ni Noel habang bumababa sila. Tahimik si Aiden, mahigpit ang hawak sa baril. Sa bawat hakbang, iniisip lang niya si Lyka. Pagpasok nila, may dalawang tauhan ni Ashanti na agad sumugod , mabilis silang napahiga ng mga bodyguard ni Aiden. “Hanapin si Lyka!” sigaw ni Aiden. Sa pinakaloob ng bodega, narinig niya ang mahinang iyak. “Aiden!” Agad siyang napatakbo , naroon si Lyka, nakatali pa rin sa upuan. Nanginginig, basa ng luha. “Lyka…” halos mapatid ang boses niya habang tinatanggal ang tali. “Pasensya na… pasensya na at natagalan ako.” Yakap agad si Lyka sa kanya, mahigpit

