Mag-uumpisa na ang kaso laban kay Don Leonardo. Tahimik ang loob ng hearing room, ngunit ramdam ang bigat ng sitwasyon. Nasa unahan ang matandang de Vera, nakasuot ng maayos na barong, ngunit halata ang pagod at bigat sa mukha. Naroon si Lyka, tahimik ngunit matatag. Gusto niyang ipaglaban ang kanyang ama at ang hustisyang matagal nilang hinihintay. Sa labas naman, wala si Aiden. Alam niyang mahal niya si Lyka, ngunit hindi niya kayang makita nang harapan ang taong sumira sa kanyang pamilya. Napabuntong-hininga siya habang nakaupo sa loob ng kanyang opisina, hawak ang ballpen at nakatitig sa mesa. Masyadong masalimuot ang naging buhay niya simula nang mahalin niya si Lyka. Paulit-ulit niyang tinatanong ang sarili—mapipigilan ba talaga ng isang tao ang puso? Sa huli, tinuon na lang niya

