Kinabukasan, maagang nagpunta si Lyka sa opisina ni Aiden. Ramdam niya ang kaba habang hinihintay siyang papasukin ng sekretarya. Nang makapasok na siya, nakita niyang nakaupo si Aiden sa mesa, seryosong nakatingin sa mga dokumento. “Aiden…” mahinang tawag ni Lyka. Napatingin si Aiden sa kanya, bahagyang nagulat pero hindi nagsalita agad. Kita pa rin ang distansyang inilalagay niya sa pagitan nila tuwing napag-uusapan ang ama niya. “Pwede ba kitang makausap sandali?” Tahimik lang si Aiden pero tumango. Inilapag niya ang hawak na papel at sinenyasang umupo si Lyka. Huminga nang malalim ang dalaga. “Aiden… kinausap ako ni Papa kagabi. Sinabi niya sa’kin ang totoo tungkol sa nangyari sa tatay mo noon. Inaamin niya… siya ang may kasalanan kung bakit nakulong ang tatay mo. Alam niya na wal

