Chapter 12
Habang naglalakad ay nakatingin ako sa papel na hawak ko dahil binabasa ko kung ano ang mga in-order ng nasa table 25. Sa hindi inaasahang pangyayari ay bigla na lang akong natalisod sa isang bagay. Parang nag-slow motion ang lahat sa paningin ko. Dahan-dahan ang pagkahulog ng makapal na papel at ng ballpen na hawak ko sa sahig. Dahan-dahan din ang pagkabagsak ko sa sahig kaya ang lakas ng impact. Unang tumama ang dibdib ko. Hindi ko naitukod ang mga kamay ko kaya tumama rin ang noo ko sa sahig.
Hindi kaagad ako nakabawi dahil pakiramdam ko ay nahilo ako. Hindi kaagad ako nakatayo dahil nararamdaman ko ang pag-ikot ng paligid kapag sinusubukan kong bumangon.
“Oh, my gosh!” tili ng isang boses. “Tulungan mo siyang bumangon, Kendrick! Mukhang hindi niya kayang bumangon kaya buhatin mo na lang siya,” sunod-sunod na utos nito. Hindi ko na masyado marinig ang sinasabi niya ngunit alam ko na si Dysea ang nagsasalita. “A-Anong nangyari sa… ‘yo, Jan?” Pati ang pagsasalita niya ay nag-slow motion na rin. O dahil sa hilo ‘to?
“Where should I bring her?” tanong ng lalaki na siyang bumuhat sa ‘kin. Si Kendrick pala ‘to.
Tsaka ko na iintindihin ang hiya ko kapag bumalik na sa normal ang paningin ko. Sa ngayon ay nahihilo pa ako kaya hindi ko pa nararamdaman ang hiya.
“Aldous!” tawag ni Dysea. “Si Jan!” Naghihisterya na si Dysea.
“Jan? Bakit? Anong nangyari?” natataranta ang boses na tanong ni Aldous.
Naramdaman ko ang pag-ayos ni Kendrick sa pagbuhat sa akin. “We don’t know too. Nakita na lang namin siya na nakabulagta sa sahig. Mukhang nahihilo siya dahil papikit-pikit siya kanina at nakahawak sa ulo niya. Tumama rin yata sa sahig ang ulo niya,” sagot ni Kendrick kay Aldous.
“Hindi ba siya nakakapagsalita? Itanong na—”
“Uunahin niyo pa ba muna ang pagtsitsismisan niyo kaysa sa paggagamot dito kay Jan?!” sigaw ni Dysea. Natahimik naman ang dalawang lalaki. “Dalhin na lang natin siya sa hospital, Rick! Baka may namuong dugo sa ulo niya! Oh, gosh!”
Nahihilo pa rin ako ngunit kaya ko namang tiisin ang nararamdaman ko. “P-Pakibaba na ako, please,” bulong ko. Naramdaman ko ang paghigpit ng mga kamay ni Kendrick sa pagkakahawak sa akin kaya alam kong hindi siya papayag. “Kaya ko na tumayo kaya h-hindi mo na ako kailangang buhatin. Ibaba mo na ako.” Tinamaan na ako ng hiya.
“Pero nahihilo ka pa, Jan! Let Kendrick carry you for a while until we arrive at the nearest hospital!” pagtutol ni Dysea sa sinabi ko.
“A-Ayos na ako, Dysea. Hindi ko na kailangang dalhin sa hospital. Pakibaba na lang ako, Kendrick,” pakiusap ko.
“Let her, Rick,” saad ni Aldous.
Bumuntonghininga si Kendrick at dahan-dahan akong ibinaba. Pinapasok ako ni Aldous sa loob ng counter at pinaupo sa isang upuan. Sumunod naman si Dysea at Kendrick sa akin. Ang ibang stuffs ay parang kuryoso at nag-aalala rin sa nangyari sa ‘kin.
Sumandal ako sa upuan. “Nakuha ba ‘yong p-papel at ballpen ko, Dysea?” tanong ko kay Dysea.
Tumango siya at itinuro ang bulsa na nasa tagiliran niya. “Nakuha ko, pero hindi ko muna ibibigay sa ‘yo. You should be resting for now. Ano ba ang nararamdaman mo? Nahihilo ka ba? Nasusuka ka? Ano? Nakakapag-alala ‘yong posisyon na nadatnan namin kanina! Halatang natumba ka nang paharap! Tumama ba ang ulo mo?”
Hinawakan siya ni Kendrick sa balikat. “Dagat ko, hinay-hinay lang sa pagtatanong dahil baka mas lalong makasama sa kaniya kung papagurin natin ang utak niya sa pagsagot sa mga tanong mo. Don’t overthink things,” masuyo na saad ni Kendrick.
Napapikit ako dahil biglaang nandilim ang paningin ko. Nahihilo ako pero kaya ko naman. Hangga’t kaya ko pa ay hindi ako magpapadala sa hospital. Dagdag gastusin na naman ‘yon.
“You know how much I hate it when someone got hit on their head, Rick! I had a phobia because of what happened to you before!” sagot naman ni Dysea. “Kaibigan ko si Jan kaya hindi mo ako masisisi kung ganito ako mag-react ngayon. Bihira lang ako makatagpo ng tao na gusto kong kaibiganin pagkatapos ng mga nangyari kaya as much as possible ay gusto ko na mapabuti siya.”
“Hush, Dagat,” pag-alu ni Kendrick kay Dysea. “Hindi na mangyayari ‘yong nangyari noon, okay? Triple na ang pag-iingat na ginagawa ko kaya huwag ka na masyadong mag-isip ng kung anu-ano. And about to this friend of yours… okay, fine. Naiintindihan ko naman na gusto mo siyang tulungan pero hindi naman makatutulong sa sitwasyon kung magpa-panic at maghi-histerical ka.”
“S-Sorry. I just can’t help it.”
Nagdilat ako ng mga mata at nakita ko na nakatitig sa akin si Aldous habang si Kendrick at Dysea naman ay nag-uusap. Lumapit sa akin si Aldous. Nag-squat siya sa gilid ng upuan na inuupuan ko.
“Anong nangyari, Jan? Bakit ka natumba kanina? Nag-alala kami sa ‘yo. Ayaw mo ba talagang dalhin ka namin sa hospital?” nag-aalala ang tono na saad niya.
Kahit nahihilo ay nagawa ko pa ring magbiro. “Kumpleto naman kayo ng facilities and areas, ‘di ba? Baka may clinic din kayo rito.”
Dahan-dahang kumurba ang labi niya at saka siya napatawa. “Baliw! Wala kaming clinic dito. Kung meron lang, edi sana ay dinala ka na namin kaagad doon.”
Tumawa ako nang mahina. “Nagbibiro lang ako.”
Napataas ang kilay niya. “Marunong ka na mag-joke ngayon, ah? Improvement ‘yan!” natatawang asar niya. “Mukhang positive pala ang effect ng pagkakatumba mo. Dapat pala ay palagi kang natutumba.”
“Hoy!” protesta ko.
Tumawa na naman siya. “I was just joking!” depensya niya. Bumalik na sa pagiging seryoso ang mukha niya. “But seriously, hindi ka na ba talaga magpapadala sa hospital? You don’t have to worry about the bills if that’s what stopping you from going.”
Umiling ako. “Hindi na talaga, Al. Ayos na ako. Magtatrabaho na nga ako ulit.”
“Magpahinga ka muna! Mamaya ka na bumalik sa trabaho,” pagpigil niya.
Ngayon ko lang napansin na nasa amin na pala ang panigin ni Kendrick at Dysea. May kung ano sa ngisi ni Kendrick na siyang nakapagpatawa kay Aldous. Hindi ko naman alam kung ano ‘yon.
Tiningnan ako ni Dysea at saka niya itinaas-baba ang kaniyang dalawang kilay. Hindi ko alam kung ano ang ipinahihiwatig niya kaya hindi ko rin alam kung ano ang sasabihin o itutugon ko. Tumawa na lang ako. Tumawa rin naman siya.
Sana ganito na lang ako palagi. Palaging nakangiti at nakatawa.