CHAPTER 13

1197 Words
Chapter 13 “Kaya ko naman na magtrabaho, Dysea. Sinasahuran ako rito kaya hindi puwedeng manatili lang ako na nakaupo at hindi kumikilos,” pangungumbinse ko kay Dysea. Hindi niya ako pinapayagang tumayo nang dahil sa nangyari kanina. Nasa tabi niya si Kendrick at nagsasalit-salitan ng baling sa amin dahil sa pagbabatuhan namin ng mga salita. Napapabaling naman sa amin si Aldous sa tuwing naririnig niya na tumataas na ang boses ni Dysea. “Kasasabi ko lang kanina, ‘di ba? Huwag mo na masyadong isipin ‘yong sasahurin mo dahil ako na ang bahala roon! If I need to give you my salary just for you to have your peace of mind, I would! Just—please… magpahinga ka na lang muna ngayon. Bukas ka na lang bumawi, okay?” alma pa rin niya. Hindi talaga siya pumapayag na magtrabaho ako pagkatapos ng nangyari kanina. “Just listen to her,” sabat ni Kendrick. Hindi pa rin nagbabago ang pakikitungo ni Kendrick sa akin. Kung tingnan pa rin niya ako ay parang may ginawa akong masama sa kaniya. Sa paraan naman ng pakikipag-usap niya ay medyo nagbago na. Ayaw niya na sigurong magalit na naman si Dysea sa kaniya. “Kaya mo na bang magtrabaho, Jan? Tell us the truth. Mas magkakaroon ng problema kung hindi mo naman pala kayang magtrabaho pero ipinilit mo pa rin dahil ayaw mong sumahod ka nang wala kang ginagawa,” pakikisali ni Aldous. Nakasandal ang magkabilang siko niya sa ibabaw ng counter habang pinagmamasdan ako. Nakatayo si Dysea sa tabi ko at nakaupo naman si Kendrick sa likuran ni Dysea upang awatin ito sa tuwing tumataas na ang boses nito. Kanina pa talaga kami nagbabatuhan ng salita ni Dysea kaya pakiramdam ko ay hindi talaga siya magpapatalo. Pero hindi rin ako magpapatalo. Wala nang libre sa panahon ngayon kaya kailangan kong suklian ng serbisyo ang ipapasahod ng may-ari ng club sa ‘kin. Tumango ako kay Aldous. “Kaya ko na talaga. Titigil naman ako kung hindi na,” determinado na saad ko. Bumaling ako kay Dysea. Ngumiti ako sa kaniya. “Alam ko na nag-aalala ka lang sa ‘kin, Dysea. Naiintindihan ko rin na gusto mo lang na makasigurado na maayos talaga ako, pero ayos naman na ako kaya hindi mo na ako kailangang alalahanin.” Gamit ang kanang palad niya ay hinawakan niya ang noo niya. “Okay,” pagsuko niya. Mas nginitian ko naman siya. “Huwag mo lang masyadong pagurin ang sarili mo. Magpatulong ka kay John o sa kahit kanino kapag magdadala ka ng orders. Kapag naramdaman mong nahihilo ka, magpahinga ka muna at huwag mong puwerasahin ang sarili mo.” Para namang hinaplos ang puso ko nang dahil sa mga sinabi niya. Bukod kay Papa at sa kapatid ko ay wala nang ibang tao na nagpakita sa ‘kin ng ganitong klase ng pag-aalala. Palagi kasing pananakit at pang-iinsulto ang natatanggap ko sa mga tao. Mismong ang sariling ina ko nga ay hindi ako inaalagaan. “Tatandaan ko ang lahat ng mga sinabi mo, Dysea. Salamat sa pag-aalala mo,” madamdamin na ani ko. Nangilid ang luha sa mga mata ko kaya umiwas ako ng tingin kay Dysea. Nagtama ang paningin namin ni Aldous kaya binigyan ko siya ng ngiti. Sana lang ay hindi niya napansin na namamasa ang mga mata ko. “How about me, Dagat ko? Hindi ka ba mag-aalala sa ‘kin?” biglang pagsasalita ni Kendrick. Hindi ko na pinansin ang dalawa. Tumayo ako sa pagkakaupo ko sa upuan at kinuha ang papel at ballpen na nakapatong sa counter. Inilagay ni Dysea ang mga ito rito dahil pinipilit kong abutin kanina. Ang akala niya naman ay hindi ko makukuha. Hindi naman na talaga ako nahihilo kaya makakatayo na ako. “Hindi mo man lang ba sasabihin sa amin kung anong nangyari kanina?” pagtatanong ni Aldous. Balak ko na sanang maglakad palabas sa counter ngunit napatigil ako dahil nagsalita si Aldous. Bumaling ako sa kaniya. Walang bakas ng pagbibiro sa mukha niya ngayon. Inialis ko ang paningin ko sa kaniya. Bumaling ako sa harapan at pinagmasdan ang mga tao na abala sa kanilang mga ginagawa. Ang ibang customer ay nanonood sa mga babae na sumasayaw sa stage na tanging manipis na bra at panty lang ang suot. Ang ibang customer naman ay abala sa pakikipag-usap sa mga babaeng nasa table nila. “Jan,” untag sa akin ni Aldous. “You shouldn’t always keep quiet about everything. May mga bagay na kailangan mong sabihin sa ibang tao para hindi sila maging clueless. Kailangan mong sabihin sa ‘kin kung ano ang nangyari para malaman ni Mamang ‘to. Ipinagkatiwala ka sa akin ni Mamang kaya kailangan kitang bantayan. You need to cooperate.” Napakagat ako sa labi ko at saka napailing. “H-Hindi ko rin alam kung ano ang nangyari. Basta na lang kong natalisod habang naglalakad ako. Sa tingin ko ay may mali rin naman ako dahil hindi ako tumitingin sa dinaraanan ko. Alam ko na may pagkakamali rin ako kaya hindi ko na masyadong inaalala ang nangyari.” “That wasn’t an accident!” madiing saad niya. “Hindi ka naman matatalisod sa mga upuan at sa mga wire. Ang mga wire ay nasa tabi lang at hindi pakalat-kalat habang ang mga upuan ay nakaayos. Hindi rin puwedeng aksidente lang na nakaharang ang mga paa ng customer dahil may lugar naman kung saan nila puwedeng ilagay ang mga paa nila,” dagdag ni Aldous. Bumuga siya ng hangin kaya ako napabaling sa kaniya. Umayos siya sa pagkakatayo at saka ako tiningnan. “Hindi talaga puwedeng aksidente lang ‘yon, Jan.” Nangunot ang noo ko. “Iniisip mo ba na sinadya ang pagpatid sa ‘kin?” gulantang na tanong ko. “Sino naman ang gagawa ng gano’n sa ‘kin? Customer?” Umiling siya. “Hindi ko rin alam. Puwedeng customer o puwede ring… katrabaho natin. Just think of other possibilities, Jan. Hindi naman puwedeng basta ka na lang natalisod.” Hindi ko makita ang posibilidad na sinasabi ni Aldous. Maaari kayang isa sa mga customer ang may galit sa ‘kin kaya niya nagawa sa ‘kin ‘yon? O may galit kaya sa ‘kin ang isa sa mga katrabaho ko kaya niya nagawa sa ‘kin ‘yon? Wala akong maisip na rason para magalit sila sa ‘kin. “Forget about that. Baka ma-stress ka lang kung iisipin mo pa. Mag-ingat ka na lang sa susunod para hindi ka na madisgrasya ulit,” pagputol ni Aldous sa mga iniisip ko. “Jan, akala ko ba ay babalik ka na sa pagtatrabaho?” Napabaling ako kay Dysea. Nakatayo na siya at parang handa na sa pag-alis dito sa loob ng counter. Si Kendrick na nasa tabi niya ay pinanonood ako na parang isang lawin. Nahiya naman ako. Sinabi ko nga na babalik na ako sa pagtatrabaho pero nandito pa rin ako at nakikipag-usap kay Aldous. Naglakad na ako papunta sa pinto at nauna na lumabas. Hindi ko na hinintay sina Dysea at basta na lang ako humalo sa mga customer. Marami-rami pa rin ang customer ngayon at alam kong dadami pa sila mamaya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD