Chapter 36 “Told yah,” nakataas ang dalawang kilay na saad ni Dysea kay Aldous na nasa likod ng bar counter. “Jan won’t Indian me,” tila proud pa na dagdag ni Dysea. Napakunot ang noo ko. “Anong ibig sabihin no’n, Dysea?” naguguluhan na tanong ko. Nakakaintindi naman ako ng Ingles dahil Ingles ang lengguwahe na madalas gamitin noon ng aking ama ngunit may mga terminolohiya lang talaga minsan ang ibang tao na hindi ko maintindihan. Inilahad ni Dysea ang mataas na upuan na nasa harapan namin. “Come, we should sit first,” pag-aaya niya. Sinunod ko naman kaagad ang sinabi niya. Nang makaupo na rin siya ay humarap siya sa ‘kin. “Ang sabi kasi ni Aldous kanina, baka tumakas ka na raw kasi halata naman daw na hindi ka umiinom. I confidently said to him na you won’t ditch me. He just laughed.”

