Chapter 37 Nagdadalawang-isip ako kung didilat ako o hindi. Boses pa lang niya ay para na namang may mga nagtatakbuhang mga kabayo sa dibdib ko. Nagsimulang bumilis ang t***k ng puso ko. “What happened to your face, Jan?” pagtatanong ulit ni Dysea, hindi sinagot ang sinabi ni Onyx. “You don’t have to be afraid about something. Huwag mo na itulad ‘to sa nangyari sa pagitan ninyo ni Angela.” “Who’s Angela? And what happened between them?” Tuluyan na talagang inihinto ni Dysea ang kaniyang ginagawa na pagpupunas sa ‘kin kanina. Naramdaman ko ang pagkawala ng mabigat na braso ni Dysea sa espasyo ng kama na kinahihigaan ko. “Bakit ba tanong ka nang tanong, Onyx? Ano bang kinalaman mo rito?” iritableng pagtatanong naman ni Dysea. Hindi pa rin ako nagmumulat ng mga mata kaya hindi ko alam ku

