Chapter 39 Nakaupo lang naman ako habang ikinukuwento ko sa kanila ang nangyari sa pagitan namin ni Angela ngunit para pa rin akong hinabol ng kabayo sa hingal na naramdaman ko. Napasandal na lang ako sa sandalan ng kahoy na upuan pagkatapos kong magkuwento. Mabibigat ang paghinga na ginagawa ko. “Here,” saad ni Dysea. Iniabot niya sa ‘kin ang isang baso ng malamig na tubig. Puno ‘yon kaya kinailangan ko pa na hawakan ang baso gamit ang dalawang kamay ko. “Marami kang ikinuwento kaya kailangan mo ng maraming tubig.” Inilagay ko ang labi ng baso sa aking labi at saka ako sunod-sunod na lumagok ng tubig na malamig galing sa babasaging baso na iniabot ni Dysea. Tahimik naman ang iba naming kasama sa hapag. Wala akong ideya kung ano ang mga iniisip nila ngayon dahil hindi ko sila magawang t

