Chapter 40 Tahimik kami ni Aldous habang naglalakad kami palabas sa bahay nina Dysea. Hanggang sa makalabas kami sa kulay kahoy na naglalakihang mga pinto ay wala pa ring kumikibo sa ‘min. Balak ko na hayaan na lang na balutin kami ng katahimikan hanggang sa makarating kami sa garahe ng bahay nina Dysea. Nandoon ang mga sasakyan kaya ‘yon ang daan na tinatahak namin ngayon. Ngunit binasag ni Aldous ang nakabibinging katahimikan sa pagitan namin. “Jan,” pagtawag niya sa pangalan ko pagkatapos ay saka siya tumigil sa paglalakad kaya napatigil din ako. Magkaharap kami ngayon ngunit ilang dipa pa rin ang layo namin sa isa’t isa. “I want to apologize for the way I acted earlier, and for the way I spoke to you. Ayaw ko lang talaga na makaramdam ka ng guilt kung sakali na magsasampa ka ng kaso

