CHAPTER 8 Third Person POV Tahimik ang ospital sa kalagitnaan ng gabi. Tanging ang humuhuning mga makina sa recovery room ni Zarah Radoc ang pumupuno sa katahimikan. Sa labas ng silid, si Yell ay nakatayo, nakasandal sa malamig na dingding ng ospital habang pinagmamasdan ang monitor ng kanyang telepono. Bagaman halos wala siyang maramdamang pagod sa katawan, ramdam na ramdam niya ang bigat sa kanyang kalooban. Ang bawat oras na lumilipas na hindi nagigising si Zarah ay parang isang dagok ng pagkatalo para sa kanya. Maya-maya’y bumukas ang pinto ng kwarto, at si Tin Radoc ay lumabas. Madilim ang ilalim ng kanyang mga mata, at halatang ilang araw na itong walang maayos na tulog. Nang magtama ang kanilang mga mata, napansin ni Yell ang lungkot at galit na nananatiling nakatago sa likod ng

