bc

Royals In Disguise (Tagalog)

book_age16+
504
FOLLOW
2.3K
READ
fated
prince
lighthearted
city
royal
disappearance
gorgeous
passionate
crown prince
like
intro-logo
Blurb

Marami ang nangangarap maging Princesa. Ngunit kabaligtaran para kay Winona. Hiling nya... Sana'y ordinaryong tao na lang sya at hindi isang princesa. Mahirap tumakas sa palasyong kinagisnan nya pero mas Mahirap tumakas sa kanyang amang hari dahil alam ng Princesa ang kapangyarihan ng kanyang ama. Ngunit wala ng hihirap pa sa pagtakas sa tadhana. Kahit anong gawin pagtakas ni Winona, hindi sya makalayo ng tuluyan, dahil nasa puso nya ang kanyang tinatakasan. Iyon ang kanyang tadhana

chap-preview
Free preview
Chapter 1 PALACIO DE MONTEBEL ENDROIT
"'2 buwan na lang ikakasal ka na kay Prince Alexander of Archamps'" wika ni Anita, yaya at personal assistant ni Princess Winona. Mula pagkasilang kay Winona ay si Anita na ang naging yaya nito hanggang sa nagdalaga. Maalaga si Anita kaya napamahal sya sa princesa at kaya parang ina na ang turing ng Princesa sa kanya. 'Nanay Anita tatakas ako, ayokong makasal sa lalaking hindi ko mahal kahit pa sya ay isang Principe". Pabulong na wika ni Winona sa kanyang yaya na mas gusto nyang tawaging Nanay. '"Naku anak, paano mo magagawa yun ay batay sarado ang palasyo sa bilin ng hari. At tiyak malalagot ako sa Mahal na hari kapag ika' y nawala. Tutol na sagot ni Anita. " Nanay Anita, alam kong mangyayaring ipapakasal ako sa hindi ko gusto kaya matagal ko ng pinaghandaan ang bagay na ito. Tatakas ako" Determinadong wika ng Princesa... "Pero kailangan ko ang tulong nyo" pakiusap nito sa yaya "Paano kita matutulungan, Diyos kong bata ka.. Ano ba naman ang magagawa ko, kapag nahuli tayo, patay ako, Nag-aalalang wika ni Anita " Mag resign ka bilang yaya ko at babayaran kita katumbas ng 10 taong pagtatrabaho mo sa kin bilang yaya" wika ng princesa "Ano??? Laking gulat ni Anita sa winika ng Pincesa. " Nanay Anita, kailangang mauna kang umalis dito sa palasyo bago ako tumakas upang hindi ka maparusahan sa pagkawala ko.. "Mahal na mahal kita Nanay Anita at hindi ko matatanggap kung mapapahamak ka ng dahil sa akin" Kada buwan, P180, 000 ang sahod ni Anita sa palasyo biglang yaya at personal assistant ni Princess Winona. Sa loob ng isang taon ay kumikita sya ng halos 2 milyon, kaya mabilis nyang naipaayos ang bahay nila sa Pilipinas. Matandang dalaga si Anita at tanging mga magulang at pamangkin ang kanyang uuwian sa Pilipinas kung sakaling matutuloy syang magresign. "20 million Pesos Nanay Anita, hindi ka magtrabaho, uuwi ka lang sa Pilipinas. At another 10 million Pesos, ipagpagawa mo ako ng kwarto sa bahay mo. After two years, pupunta ako sa Pilipinas, makikituloy ako sa inyo" wika ni Winona "Napakalaking halaga noon anak, hindi ko matatanggap, isa pa, maaari kang tumuloy sa bahay namin kahit hindi ka magbigay ng anumang halaga" Tutol ni Anita sa princesa. "I insist, Nanay Anita. Besides mas kampante ako na sa inyo tumuloy dahil may tiwala ako sa inyo at alam nyo ang buhay ko at ang dahilan ng pagtakas ko. After two years pa naman ako uuwi ng Pilipinas, by that time I'm sure sumuko na paghahanap ang aking ama and maybe si Prince Alexander ay may asawa ng iba". Pahayag ng Princesa na tila buong buo na ang planong pagtakas. "Kapag umuwi na ako ng Pilipinas, paano ka? Sino ang tutulong sayo sa pagtakas mo" tanong ni Anita sa princesa. "wag kang mag-alala nanay Anita, nakahanda na ang lahat. Sa katapusan ng buwan ay may mga bisitang korean sa palasyo. Mag didisguise ako na isang koreana. Habang abala sila Papa sa mga bisita, saka ako tatakas. Magbibihis akong parang koreana para hindi ako harangin ng mga guardia sa labas. Korean passport ang gagamitin ko paglabas ng bansa upang makatakas ako, SONG MEI LIN, yan ang magiging pangalan ko mula sa pagtakas ko sa palasyo, pahayag ng Princesa sa labis na nag-aalalang yaya nya. Niyakap ni Anita ang kanyang alaga "Hay naku anak, sana'y maging matagumpay ang pagtakas mo, pero saan ka pala pupunta pagkalabas mo ng MonteBel Endroit? Tanong nito sa princesa " Sa Sydney, Australia Nanay Anita, hindi aakalain ni Papa na makakarating ako doon dahil sobrang layo nito sa MonteBel Endroit. Mag-aaral ako ng Masters in Business Administration habang nasa Australia at kapag umuwi na ako ng Pilipinas ay magnenegosyo tayo" tugon ni Winona na talagang plantsado na ang plano sa pagtakas. "babalitaan mo ako agad anak, ako'y talagang kinakabahan sa plano mo, pero susuportahan kita... Nauunawaan ko ang kalagayan mo. Mahirap ngang ikasal sa hindi mo minamahal".. Muling niyakap ni Anita ang alaga. Anita's Resignation Ipinatawag ng Mahal na Hari si Anita ng mabasa ang Resignation Letter na mismong si Winona ang nag-abot sa ama. Lingid sa kaalaman ng hari ay mismong si Winona pa ang gumawa ng Resignation Letter ni Anita. "Hindi na ba magbabago ang isip mo Anita? Baka gusto mong manatili muna sa palasyo hanggang matapos ang kasal ni Princess Winona. Alam kong ma halaga sayo anak ko, at sa importanteng araw ng kasal nya, tiyak na malulungkot ang anak ko kung wala ka, wika ni King Amadeus na pilit kinukumbinsi si Anita na wag munang umalis. "Paumanhin po Mahal na Hari, subalit kailangan po ako ng pamilya ko, isa pa ay manganganak si Liberty, at kailangan ng yaya. Napatawa ng lihim si Princess Winona, dahil alam nyang si Liberty ay ang alaga baka ng mga magulang ni Anita sa probinsya. Dahil likas na mabait ang Mahal na Hari ay pinayagan din nya si Anita. 24 years na nga naman itong naninilbihan sa palasyo at bihirang bihira syang umuwi ng Pilipinas. Bukod sa kanyang final pay ay binigyan pa sya ng Mahal na Hari ng bonus na katumbas ng 1/2 taon sahod nito. Sagot din ng palasyo ang plane ticket na pauwi ng Pilipinas. Nagyakap si Princess Winona at yaya Anita, nang makabalik sila sa silid ng Princesa matapos kausapin ng Mahal na Hari. "Successful tayo Nanay Anita, pero muntik na akong mapahagalpak ng tawa sayo ng banggitin mo si Liberty" nakangiting wika ng Princesa. "Ako nga'y natatawa din, pinigil ko lang" Wika ni Anita, at nagtawanan ng malakas ang dalawa. Niyakap syang muli ng Princesa "Nanay Anita mamimiss kita, araw araw kasama kita dito sa palasyo. Magbabago ang lahat kapag umuwi ka na, biglang lungkot wika ng Princesa. " Mamiss din kita anak, alam mo naman 24 years kitang inalagaan, ngayon lang tayo magkakahiwalay. Sana'y walang maging problema sa pagtakas mo. Aasahan ko na magkikita tayong muli sa Pilipinas".malungkot na pahayag ni Anita "Wag ka ng malungkot Nanay Anita, hindi lang tayo basta magkikita sa Pilipinas. Magkakasama pa tayo. Muling Niyakap nito ang kanyang yaya sabay abot ng isang bag na naglalaman ng malaking halagang ipinangako nya dito. Chapter 2 PILIPINAS " Tita Anita, kanina pa tumutunog ang telepono mo, sigaw ng pamangkin " Akin na dali, si Princess Winona tiyak yan" excited na kinuha nag telepono sa pamangkin "Nanay Anita, kumusta na po? Masayang bati ni Winona sa kanyang yaya " Princess Winona anak, Naku miss na miss na kita. Mabuti naman ako dito. Masaya ang sama-sama kaming lahat, ikaw kumusta ka? Bukas na ang alis mo dyan sa Palasyo di ba? "Song Mei Lin, Nanay Anita, nakalimutan nyo na agad ang bago kong pangalan. Wag nyo na po akong tatawaging Princess Winona at baka po pati may makarinig sa inyo dyan, lalo na't alam na galing kayo dito. Paalala ng Princesa sa kanyang yaya. " SONG MEI LIN pasensya na anak...nakalimot ako. Wag kang mag-alala. Ligtas dito sa amin. Malayo kahit sa mga mga kapitbahay. Nagiisa lang itong bahay nmin dito sa dulo ng Subdivision kaya walang ibang makakarinig, pahayag ni Anita sa princesa. " Maganda po pala dyan sa lugar ninyo, tahimik" "sinabi mo pa, si Liberty lang ang maingay dito kapag gutom na" ungaaa ng ungaaaa" sabay ng nagtawanan ng malakas ang dalawa. "Pero anak, hindi ka na ba mapipigilan? Balita ko'y napakagwapo ni Prince Alexander of Archamps. Baka pag nakita mo'y mabighani ka at biglang magbago ang isip mo, pangungulit ni Anita kay Winona " Nanay Anita, hindi mahalaga sa akin kung gwapo o pangit ang mapapangasawa ko, ang mahalaga ay mahal ko" mabilis na tugon ni Winona "sabagay, tama ka dyan anak, cge magiingat ka pagtakas mo bukas ha, ako'y balitaan mo agad kong nakaalis ka na dyan" "Magpapalit po ako ng number pagkarating ko sa Australia, tatawagan kita agad Nanay Anita. Tiyak na tatawagan ako nga mga tauhan ni Papa sa Palasyo kaya kailangan magpalit ako ng number, cge po, tatawagan ko N lng po kayo ulit". Paalam ni Winona sa kanyang yaya. Chapter 3 Ready To Go Pagkababa ng celfon ay inilabas nya isang backpack na gagamitin nya pagtakas. Kaunti lang ang dadalhin nyang gamit upang hindi sya mahirapang kumilos. Bahala na syang bumili ng mga bagong damit pagdating sa Australia. Tatlong pirasong t-shirt lang ang iginayak nya sa backpack, isang notebook, ilang alahas at 1 ballpen na may diamanté, regalo ito na Mahal na Hari sa kanya noong 18th birthday nya. Mahilig syang magsulat, kaya mahilig din sya sa ballpen at ang regalong ito ng Amang nyang Hari ang talagang nagustuhan nya. Gawa pa ito sa bansang Switzerland napapalibutan ito ng mga batong diamanté at sa dulo nito at May initials na PWME na ang ibig sabihin ay Princess Winona of MonteBel ENDROIT. at may korteng korona din sa dulo ng ballpen na puro diamanté. Nagkakahalaga ng 7 milyon ang ballpen kaya labis nya itong iniingatan. Maigi na lamang at refillable ang ink nito kaya ni re refill na lang nya kapag kakaunti na ang ink. Matapos igayak ang backpack at nagtungo sya sa walk-in closet nya. Kinuha ng itinatagong kulot na wig at mga gamit sa paggawa ng prosthetics. Matagal ng pinag-aralan ni Winona ang paggawa ng prosthetics, dahil alam nyang darating ang araw na ka kailanganin nyang tumakas. Gagayahin nya ng mukha ng isang sikat ng myembro ng Black Pink na si Lisa. Gustong gusto nya ang mukha ng Koreanang singer na ito bagaman kung ikukumpara ay higit syang maganda dito Almond shape ng mata ni Princess Winona, at brown ang kanyang mata, napakakinis ng kanyang kutis at talagang flawless. Kapag sya'y ngumingiti at lalong lumalabas ang kanyang taglay na ganda. Hindi kailangan gumamit ng makeup si Princess Winona dahil likas na syang maganda. Kahit pa may special na okasyon na palasyo ay hindi sya naglalagay ng makeup sa mukha. Sa pagtakas nya, kailangan nyang mag makeup upang hindi sya makilala. Gagamit din sya ng kulot wig taliwas sa kanyang straight na buhok at face prosthetics upang mabago ang kanyang mukha. Kailangan maging malayong malayo ang hitsura nya sa mukha ni Princess Winona na kilalang kilala sa buong kaharian. Handa na ang lahat. Muli nyang Dinampot ang telepono at may tinawagan "Wanda, bukas na ang flight ko, 7pm ang baba ng eroplano sa Sydney Airport, wika ni Winona sa tinawagan. Si Wanda ay isang Australiana na kaibigan ni Winona. Nakilala nya ito sa America noong nag-aral sya Harvard University ng short course na Strategic Business Management "Don't worry bestie, before 7 ay nasa Airport na ako" tugon ni Wanda "Bestie, remind ko lang, Please don't call me Winona. Mabuti ng Bestie ang itawag mo sa kin or better use my new name SONG MEI LIN. I'll send you my picture kapag nakabihis at nakadisguise na ako bukas at tiyak hindi mo ako makikilala" paalala ni Winona ka kaibigan. Naging very close sila ni Wanda nong nasa America pa sila. Napakabait ni Wanda, masayahin ito at mahilig magpatawa kaya gustong gusto syang kasama ni Winona. "Sure bestie, sa bagong bahay kita itutuloy. Nakabili ako ng bahay, sa Elizabeth Bay, I'm sure magugustuhan mo dun. Mas mabuti na solo ka lang sa bahay para hindi malaman nila Mama at Papa na itinatago kita." excited na wika ni Wanda "Thank you Bestie, the best ka talaga, I'll see you tomorrow". Masayang tugon ni Winona. Chapter 4 Palacio de Archamps "Alexander, bukas ay pupunta tayo sa palasyong ng MonteBel Endroit. May mga bisita syang Korean diplomats at nais nya akong ipakilala, ihanda mo ang sarili mo, at makikilala mo na rin ng personal ang anak ni King Amadeus na si Princesa Winona" wika ni King Harold sa anak na si Prince Alexander. "Mabait si Princess Winona at napakaganda. Bukod pa dun ay matalino ito kaya ng makapagtapos sya sa Harvard ay sya na ang pinamamahala ng kanyang Amang Hari sa mga negosyo nila sa Europa at America. Bagay na bagay kayo ni Princess Winona sa isa't isa. Hindi sumasagot si Prince Alexander, patuloy syang sinisipat isa-isa ang mga pictures kuha sa kanyang camera. Ngunit bukas ang sarili nya upang makilala ang dalaga. Hindi. Naman masama kung makikipagkilala sya dito. Kahit tutol sya sa ama na ipakasal sya kay Princess Winona ay hindi nya sinasarhan ang puso nya sa pagkakataon baka maibigan nya din ito. Kilalang kilala si Princess Winona biglang mabait at matulungin sa mahihirap. Bagay na hinahangaan nya sa dalaga. Hindi pa man nya ito nakikilala ng personal ay maraming magagandang bagay naririnig nya tungkol dito, bukod sa napakagandang mukha at may angkin talino si Princess Winona, kaya ng nagtapos sya ng Kolehiyo sa Harvard University ay nakatanggap sya ng honor biglang Magna c*m Laude kursong Entrepreneural Management. Kapag kayo'y nakasal na, both of our families will gain more power and influence at siguradong lalong uunlad ang ating mga negosyo. Pagmamayari ni King Harold ang pinakamalaki minahan ng langis sa Europa, bukod pa dito at Pagmamayari nila ang gawaan ng sikat ng kotseng Ferrari,NA minana na ka yang ama kay Don Piero Ferrari at gawaan ng relong Bulova na may iba't branch sa buong Europa at maging sa America. Minana naman ito ng kanyang ina kay Don Joseph Bulova Pagmamayari naman ni King Amadeus ang pinakasikat na malalaking hotel sa Europa, at may branch din ito sa Dubai, America, Canada at Japan. Plano din nitong magkaroon ng hotel sa Korea kaya nagimbita si King Amadeus ng mga Korean diplomats upang mapagplanuhang mabuti ang Bagay na ito. "Pareho kayong solong anak ni Princess Winona, kaya kapag kayo ay kasal na, bilisan nyo ang paggawa ng anak. Gusto Kong magkaroon ng maraming apo, upang may pamanahan ako ng aking mga kayamanan kung akoy mamatay na." seryosong wika ni King Harold sa anak. " Sasama ako sa iyo Pa, gusto Kong ma kilala ng personal si Princess Winona of MonteBel Endroit" tugon ni Prince Alexander na ikinatuwa ng hari. "Mukha seryoso ang inyong usapan kanina pa" bungad ni Queen Leandra sa mag-ama ng pumasok sya sa loob matapos bisitahin ang mga alagang orchids sa likod ng palasyo. "Ako'y natutuwa at sasama sa ating si Alexander sa Palacio de MonteBel Endroit bukas, gusto din nyang makilala ng personal ang dalaga" tugon ng hari sa bagong dating na asawa. "Wow, in that case, hindi tayo magkakaproblema na ipakasal sila, tiyak na magustuhan ni Alexander si Winona kapag na kilala nya ito, siguradong din naman na magugustuhan nya ang ating anak" nakangiti wika ni Queen Leandra sabay lapit sa anak. "Sigurado yan, dahil sa akin nagmana ng kakisigan ang ating anak" pagmamayabang ng wika ni King Harold "Maraming babae ang nangangarap mapangasawa ang isang Prince Alexander, napakaswerte ni Princess Winona kung tutuusin" dagdag naman ng Mahal na Reyna "Ma, Pa, gusto ko lang makilala si Princess Winona, pero tutol pa din ako sa pagpapakasal sa kanya . Gusto, ko'y ikakasal ako sa taong mahal ko at mahal din ako, huwag mating madaliin ang kasal, mas mabuti kung magkakakilala muna naming lubos ang isa't isa" pahayag ng Principe sa mga magulang na sobrang excited na matuloy ang kasal ng anak nil sa Princesa Chapter 5 The Scape from the Palace Matapos ang almusal nagpaalam na si Winona sa amang hari at sa ina na si Queen Isabel na kunyaring magpapahinga para makapag beauty rest. Nais lang nyang makapag-ayos na ng kanyang disguise dahil ngayon ang takdang araw ng pagtakas nya sa palasyo. " Alauna darating ang mga bisita, ang taga make up ay darating namn ng 11 o'clock, kaya bumaba ka ng alas once" wika ni Queen Isabel sa anak bago ito umakyat ng hagdan "Ma, alam nyong hindi ako nag mimake-up kailanman . Ayoko. Ako na ang bahala sa sarili ko". "ikaw ang bahala, cguro naman sa araw ng kasal mo kay Prince Alexander ay papaya ka ng magmakeup" naiinis na wika ng ina "walang kasal na magaganap" bulong ni Winona sa sarili at tumalikod na ito sa kanyang ina. Mabilis na inilock ni Winona ang pinto ng kanyang kwarto at dumerecho ito sa kanyang walk-in closet upang mag-ayos ng sarili. Ginawa na nya kagabi ang ilalagay na prosthetics sa mukha. Kaya make-up, wig at damit na lang ang kanyang iintindihin ngayon. Chapter 6 SONG MEI LIN Hindi makilala ni Princess Winona ang ang nakikita sa salamin matapos nyang maayos ng sarili. Talagang hinding hindi na sya makikilala ng mga taga palasyo kapag syay lumabas. Sinuot na nya ang kulot wig na kulay brown. Mahaba ang wig at naglagay sya ng kaunting bangs. Taliwas sa totoo nyang buhok na itim at straight na straight. Dahil sa prosthetics, nagmukha na talaga syang Koreana, masaya sya dahil nagaya nya ang mukha ni Lisa ng BlackPink. Ang suot naman nya at isang colorful oversized t-shirt at black pants. Nag rubber shoes lang sya upang comfortable ang pagkilos nya. Pinicturan nya ang sarili at nisend sa best friend nyang si Wanda at sa yaya nya na si Nanay Anita. Pagkatapos magpicture ay nioff na ang telepono at humanda na upang lumabas ng kanyang kwarto. Nakasukbit sa likod nya ang backpack at sa harap ay nagsabit sya sa leeg nya ng camera, para magmukha syang turista na namamasyal lang. Lalabas na sana sya, ng biglang kumatok si Queen Isabel sa pinto ng kanyang kwarto "Winona, anak I'm going down for the hair and makeup. Andito na ng taga make-up natin" "I'm ok mom, matutulog pa ako, I'll go down before 1pm at bihis na ako, I'll be fine with no makeup at all" sagot nito sa ina habang kumakabog ang dibdib sa nerbyos. Mabuti at hindi sya lumabas agad. Sana naabutan sya nito sa hagdanan. Inayos ni Winona ang kama nya na tila may matutulog, tinakluban nya ng kumot ang tatlong pirasong unan na namistulang may taong nakahiga at lumabas na sya ng kwarto. Nagmamadali syang bumaba ng hagdan ng marinig ng papunta sa kusina ang hakbang ng ina. "Please prepare snacks for us and bring them to the garden" Doon ako magpapaayos para presko" wika ni Queen Isabel sa katulong na nasa kusina at mabilis nitong binalikan ang makeup artist nya. "Let's go to the garden, mas presko dun, doon mo na ako ayusan" wika nito sa baklang taga makeup. "Yes madam" at binitbit nito ang isang maletang punong puno ng mga pampa ganda. Laking tuwa ni Winona ng marinig yun, at mas malaki ang chance na makatakas sya, walang tao sa receiving area ng palasyo.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.2K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.4K
bc

His Obsession

read
104.3K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.3K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.5K
bc

The naive Secretary

read
69.7K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook