bc

DEVON DEMONIC

book_age18+
0
FOLLOW
1K
READ
second chance
sweet
vampire
rejected
like
intro-logo
Blurb

Paano kung isang araw ay magkagusto ka sa isang tao? Ano nga ba ang dapat mong gawin upang mas mapalapit ka sa taong iyon. Makakaya mo kayang makihalubilo sa mundo niya? Kung alam mong walang kasiguraduhan ang pag-ibig mo sa kanya. Lalunat magkaibang mundo ang pinagmulan niyo' paano mo nga ba masasabi sa kanya ang tunay mong nararamdaman kung sa tingin mo ay malabo ka rin niyang magustuhan at mapansin. dahil na rin sa kakaiba ka at sa tingin mo ay hindi siya na babagay para sa iyo at sa tingin mo walang lugar ang mga katulad mo sa mundong ginagalawan niya. Ako si Devon Arish Demonic ang bampirang palihim na nag mamahal sa isang tao. Halina't inyong tuklasin ang sekreto niya na unting unting mabubunyag ng lalaking labis niyang iniibig.

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1
MATAPOS na ang unang pakikipag sagupaan sa mga kampon ni Menorca at sa ibang mga Clan, na nag taksil sa mundo ng mga Bampira kung saan nag hari ang dilim na pinamumunuan ni Menorca. na ngayon ay napaslang ng mag kakapatid na mga Demonic. Kabilang na roon ang Anak ng mga Dark na sina Lenard at Akuma na pumanig na rin sa kampo ng mga Demonic upang talunin ang ibang mga nagtaksil sa buong Vamwolf, gayon natapos narin ang gulo sa pagitan ng mga Dark hill at ng iba pang mga Clan at Datu. Dahil sa tulong ng iba pang mga nilalang ay nagwakas na rin ang dilim, ngayon taimtim nang na mumuhay ang mga Bampira at mga Lobo at iba pang mga nilalang sa mundo ng Vamwolf Castle panatag na rin ang lahat dahil natalo na ang masamang si Menorca. Kaya't malaya na rin na namumuhay ang lahat. Mula sa malaking bintana nakatanaw roon si Devon habang pinag mamasdan ang mapayapang kapaligiran. "Devon," Lumingon siya sa tumawag ng kanyang pangalan. "Kuya. " "Sigurado kana ba na doon ka muna mamamalagi sa mundo ng mga tao? " Bumuntong hininga siya bago siya tumango. Babalik siya sa mundo ng mga tao upang doon na lang muling manirahan lalunat naroon sa Baryo Masinop ang alala ng kanilang mga Magulang. "Oo alam mo naman na hindi ko pu-pwedeng iwan ang iniwan nila Ama at lolo roon. " "Sabagay, basta kung naroon kana ingatan mo ang sarili mo at ingatan mo ang pagkatao mo lalunat ibang mundo na ang kinabibilangan mo. Walang sinuman ang dapat na may makaalam sa pagkatao mo. " "I know kuya. " "Pina aalalahanan lang kita. Gayon panatag na ang lahat. At hindi ka normal na tao lang Devon. Ayokong mapahamak ka," "Opo. Lagi ko naman tinatandaan yan, " Naka ngiti niyang sabi bago nito ginulo ang kanyang buhok. "Susunod rin kami roon kailangan lang namin na mas makasiguro talaga kung wala na nga ang mga kampon ni Menorca, dito saka kami susunod sa mundo ng mga tao. " Sabi pa nito saka pumaling sa malakawak na kapaligiran na napaka aliwalas pagmasdan. Sabay silang napalingon ng may kumalabog mula sa likuran nila. Kunot noo na napailing na lamang ang kapatid niya. "Tch. Labas na, may nalalaman pa kayong patago tago d'yan. " Ismid niyang sabi mula sa pinag tataguan lumabas ang mga kapatid nila na sina Jack, Yuan at Rafael. "Bakit parang naka simangot kayo? " Tanong ng Kuya Colf niya sa mga bagong dating. "Tch. Kasi iiwan na kami ni Devon. " Parang batang maktol ni Jack. "Iiwan? My god Kuya, sa mundo lang yun ng mga tao wag kang OA d'yan. " Irita niyang ani ngumuso naman ang huli. "Pinag papansin mo ang tukmol na ito sis. Eh, sadyang abnormal lang talaga ito. " "Sinong abnormal ako? " Galit na sabi ni Jack sa kapatid na si Yuan. "Oy. Mamaya magkapikunan pa kayo lumayas kayo rito wag dito sa palasyo ko. " Seryoso na sabi ng kuya Colf. Ang pinaka panganay sa kanila ang tinuriang matandang masungit. Akmang sasagot pa sana si Jack ng biglang.. "Hey! Hey! " Biglang sulpot naman din ni Clark mula kung saan habang may mga dahon dahon pa ito sa ulo. "Saan ka galing? " "Sa Crosstin bakit? " "Bat may mga dahon ka sa ulo? Wag mong sabihin na pumunta kananaman sa ibang Dimension? " Tanong ni Yuan ang pang apat sa kanilang magkakapatid. Ang pinakamagaling sa larangan ng pagluluto kahit hindi naman nakain. "Malamang, ano paba aasahan mo d'yan mag teteleport na nga lang mali-mali pa. " Walang buhay na sabi naman ni Rafael ang pangalawa sa kanilang mag kakapatid tulad ng sa kapatid nilang si Colf ay maypagka suplado rin at tahimik kung minsan, pero labis na mapagmahal. Napakamot na lamang si Clark dahil sa sinabi ng kapatid niyang si Rafael habang siya' ay napapailing na lamang dahil totoo lang naman ang sinasabi ng mga kapatid niya tungkol rito sa tuwing mag teteleport kasi ito sa ibang dimension na pupunta bibihira lang tumama ang direksyon na nais nitong puntahan. Kaya kung minsan hindi na nito ginagamit ang teleportation nito dahil nga mas sira pa ang teleportation nito kumpara sa kanila. "Tuloy kana ba Dev? " Agad na tanong nito kaya't tumango siya. "Sama ako? Puwede ba? " "Hoy! Anong sasama ka d'yan baka gusto mo ngayon palang ipatapon na kita sa Death zone? " "Ito naman hindi na mabiro. " "Siya sige na Dev, ihanda mo na ang mga gamit mo abisuhan kana lang namin mamaya kung susunod sila Sabrina sayo mamaya. " "Salamat mga kuya, kung wala kayo hindi natin matatalo si Menorca. " Pasasalamat niya sa kanyang mga kapatid. Lumapit ang kuya Colf niya gayon rin ang apat bago siya niyapos ng mga ito. Damn. "A-aw! " "s**t! Wag niyo' nga akong ipitin ! " "Simyepre naman lahat gagawin namin para sa Vamwolf ito na lang ang alaala nila ama na iniwan saatin na kailangan natin pangalagaan at pagingatan." "f**k! Kuya na iipit ako! sabi!" Pagrereklamo ni Yuan at si Jack mariing naman siyang natawa ng mas lalo pang humigpit ang yakap ng mga ito sa kanya kaya't ang suma ipit na ipit na sina Jack at Yuan Dahil sa ginawa ng kuya Colf at ng kuya Rafael niya gayon rin ang pinsan niyang si Clark na nakisali na rin. "Damn." Kaya bago paman magwala ang kuya Jack at kuya Yuan niya isang kisap mata lamang mabilis na siyang nakawala sa mga bisig ng mga ito gusto niyang humalagapak ng tawa dahil sa mga pinag gagawa ng mga kapatid niya. " f**k! yung ilong ko mga hayop kayo!! "

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Unscentable

read
2.0M
bc

He's an Alpha: She doesn't Care

read
767.0K
bc

Claimed by the Biker Giant

read
1.9M
bc

Holiday Hockey Tale: The Icebreaker's Impasse

read
994.0K
bc

A Warrior's Second Chance

read
368.1K
bc

Not just, the Beta

read
353.0K
bc

The Broken Wolf

read
1.2M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook