Chapter 2

564 Words
NAPAINAT siya ng katawan matapos huminto ang sasakyan sa tapat ng D.D University. Matapos ang isang linggong pag-iisip, napagpasyahan niyang pumasok sa paaralang ito—na pagmamay-ari mismo ng yumaong niyang Lolo at ipinamana na sa kanilang magkakapatid bago ito pumanaw. Hindi niya talaga ninanais na pumasok at makihalubilo sa mga tao, pero wala na rin siyang ibang mapagpipilian. Lalo na’t siya rin mismo ang nagrekomenda sa sarili na pasukin ang mundo ng mga tao at mamuhay bilang isang normal na mag-aaral. Dito niya na rin ninais manirahan, kaya dapat lang niyang libangin ang sarili upang kahit papaano ay mas mabantayan niya ang tinitirhan at mga pag-aari ng kanyang Lolo at Ama. "Narito na po tayo, Miss Devon." Pumaling siya kay Sandro na walang emosyon ang mukha bago siya tumango. Saka siya tumingala sa malaking gusali. Lumang tingnan ito, pero hindi naman kakaayawan ng lahat. Lalo na’t malinis ang kapaligiran at napakaaliwalas sa loob. Animoy kahit wala na ang kanyang Lolo upang bantayan ang pinatayo nitong Unibersidad, naroon pa rin ang ganda at kaayusan ng paaralan. Talagang alagaang-alaga ito. "Balikan mo ako pagkatapos ng klase." "Sige po." Matapos noon, mabilis na siyang lumabas mula sa sasakyan. Tila walang nakapansin sa paglabas niya sa isang magarang sasakyan, lalo na’t abala ang lahat sa kanilang mga ginagawa. Ito na ang unang araw na papasok siya sa paaralan. Nang makapasok siya sa loob, sumalubong sa kanya ang malakas na hangin na tumatama sa kanyang mukha. Ninamnam niya ang lamig no’n, ngunit hindi rin nakaligtas sa kanya ang iilang mga mapanuring tingin at bulungan. Subalit wala na siyang pakialam doon. Basta’t pumasok siya sa school, hindi para pakialaman kung ano man ang ginagawa o sinasabi ng mga ito. Nais niya lang maranasan kung ano nga ba ang pakiramdam na makihalubilo sa mga tao, gaya ng ginawa ng kanyang mga magulang at Lolo noong nabubuhay pa sila. Ilan lamang ang nakakaalam na siya ang apo ni Herors Teos Demonic. Lalo na’t hindi niya talaga pinagkalat ang kanyang pagkatao, gayong alam naman niyang sikat ang pamilyang Demonic sa bayan ng Santa Barbara. Dahil hindi lang siya ang kauna-unahang nanirahan sa mundo ng mga tao, kundi pati na rin ang kanyang mga magulang at mga Tito. Mas matagal silang nakasalamuha ang mga tao. Namuhay bilang normal na tao, nagtrabaho, at nagkaroon ng sariling negosyo. Kaya naman mas lumaki ang kumpanya ng mga Demonic at naging sikat sa kanilang bayan, dahil na rin sa mga tulong na ipinagkaloob nila sa mga mahihirap. Maging ang Unibersidad na ito ay nakilala ng lahat—walang pinipili, mahirap man o mayaman. Ngunit sa likod ng mga kabutihang pinapakita nila at ng maskarang nakatago sa likod ng maganda at maamo nilang mga mukha, nakakubli ang isang halimaw na hindi nila nais na makita at malaman ng kahit sino man. Tuloy lamang ang kanyang lakad. Hinayaan na lamang niya at hindi pinansin ang mga bulungan at mapanuring tingin. Napabuntong-hininga na lamang siya nang tuluyan nang makapasok sa loob. Damn. Alam mo ‘yung pakiramdam na parang dumadaan ka sa pagsusulit? Dahil bawat kilos o galaw niya ay parang may nakamasid. Ganto ba talaga ang pakiramdam na pag-usapan at maging sentro ng atensyon? Lahat ng mga mata ng mga mag-aaral sa D.D University ay nakatuon lahat sa bagong dating. Well, ngayon pa lang na unang araw niya, naiinitan na ang ulo niya. She really hates attention. Fuck.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD