Chapter 3

596 Words
BAGO siya pumasok sa klase, inilibot muna siya ni Annica—ang President ng buong paaralan. Agad niyang kinalma ang sarili, lalo na’t naamoy niya ang napakabangong dugo nito na sumasama sa ihip ng hangin. "So, alam mo na ang Cafeteria kanina noong nadaanan natin. 'Wag mong kalimutan. Saka bago ka pumasok, siguraduhin mo munang naka-pill-up ka na sa lab book---" "Tanda ko lahat ng sinabi mo." Walang emosyon niyang sabi bago siya pumaling rito nang seryoso. Napamaang naman ito at napakurap ng ilang beses bago dahan-dahang tumango. "A-ahm... ganoon ba? By the way, I'm Annica---" "Alam ko." "H-huh?" "Kilala na kita." Mas lalong kumunot ang noo nito dahil sa kanyang sinabi. "P-paanong---" "Sa ID mo." Tipid niyang sagot kaya’t napatingin ito sa kanya at saka sa ID nito, at napatampal sa noo. "s**t! Oo nga pala. Sige, tutal alam mo na naman pala ang lahat, pwede ka nang pumunta sa classroom mo mamaya. Sana nag-enjoy ka sa paglilibot." Keme nitong sabi habang napakamot sa batok. Nagpasalamat naman siya rito bago ito nagpaalam na mauuna na, dahil may pupuntahan pa itong meeting bago pumasok sa sarili nitong klase ayon dito. Bumuntong-hininga muli siya saka naglakad papasok. Dumaan siya sa Exit paakyat kung saan naroroon ang kanyang magiging silid-aralan. Hindi naman masama, ubod nga talaga ng laki ng school na pinagawa mismo ng kanyang Abuelo. Nang makarating siya sa third floor gamit ang kanyang abilidad na bilis, naroon na siya sa harap ng kanyang Classroom. Mula sa labas, rinig na rinig niya ang ingay na nagmumula sa loob. Lalo na’t hindi naman siya ordinaryong tao lang. Saka na lamang niya isasara ang abilidad na marinig lahat ng nasa isip ng mga tao kapag nakauwi na siya. Kapangahasan kasi para sa kanila na pakialaman ang isipan ng iba; mabuti na lang at hindi nila hinahimasukan ang isipan ng lahat. May privacy pa rin dapat ang bawat isa at malaya silang mag-isip nang walang nakakaalam kung ano nga ba ang tumatakbo sa isipan ng bawat taong kanilang nakakahalubilo. Huminga muna siya ng malalim bago siya kumatok. Tatlo o limang beses na niya iyong kinatok pero wala pa ring nagbubukas ng pinto. Nais na nga niyang gibain iyon kung hindi lang siya nakapag-timpi pa. Sa huling katok niya, napa-ikot na lamang ang mga mata niya nang sa wakas ay bumukas rin iyon. Bumungad sa kanya ang isang babae na hindi pa gaanong katanda habang ito ay naka-simangot at nakakunot ang makakapal na kilay. "Ikaw 'yung bagong student, right?" "Yes." Walang emosyon niyang sagot. Bago nito nilakihan ang siwang ng pinto saka siya pinapasok. Noon lamang din tumahimik ang kaninang magulo at maingay na klase. "Everyone, we have a new student here. Please be quiet, okay?" Napansin niya kung gaano kagulo sa loob ng silid. May ilan pa ngang mga papel at basurang nagkalat sa sahig. Tch. Kung anong kinaganda sa labas ay siya ring kabaliktaran ng nasa loob. "She's a freak?" "Shh! Masyadong malakas ang boses mo, gaga ka." Bulong ng ilang babae na rinig na rinig naman din niya. Tch. Seriously? "Ipakilala mo ang sarili mo sa mga classmates mo." "I'm Devon Arish. Nice to meet you all." Maikli niyang pagpapakilala sa sarili kaya’t napakunot naman ang noo ng guro nila. Tila may hinihintay pa ito mula sa kanya. "That's all?" Tango lang ang sinagot niya saka siya nito itinuro sa isa sa mga bakanteng upuan sa likod. Hindi niya pinansin ang ilang mga tingin at bulungan sa kanya, lalo na’t bago pa lamang siya sa school. Ayaw niyang makagawa ng isang bagay na maaaring ikapahamak ng mga ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD