Nasa kanilang silid si Jasmine ng biglang sumakit ang kanyang tiyan..
"Arraaayyy....kooo...."
"Nathanieeellll...Rooosseee....Saaammm..."impit niyang sigaw habang hawak-hawak ang tiyan nito.
Mabilis na sumugod ang dalawang kasambahay niya at pumasok ito sa kanilang kwarto..
"Ma'am Jazz.!"gulat sambit ng dalawa at dali-daling inalalayan si Jasmine..
"Rose pakitawagan ang Sir mo."utos niya rito at sumunod na rin ito.
"Ma'm hindi po makontak si Sir"
"Si Janelle na lang"
Nag-dial ulit si Rose at tinawagan ang kaibigan ni Jazz.
"Hinga po ng malalim Ma'm."wika ni Sam kay Jazz habang nahihirapan na ito dahil sa sakit ng tiyan nito.
"Hello Ma'm Janelle si Ma'm Jazz po manganganak na!wala po si Sir at hindi ito makontak.."pagbibigay-alam ni Rose sa kausap.
"Ano!tama ba ang narinig ko?ang bestfriend ko manganganak na."
"Opo Ma'm kaya pwede punta po kayo dito"
"Sige papunta na ako diyan"
Pagkatapos nilang mag-usap ay agad nagbihis at umalis si Janelle..
"Oh!anak dahan-dahan lang..saan ka ba pupunta?mukhang nagmamadali yata ang anak ko ah.."tanong ng ina ni Janelle.
"Ma,nagmamadali nga ako at manganganak na si Jazz at wala ang asawa at baka may mangyari pa doon kaya alis na muna ako"paalam nito sa ina sabay halik at tumalikod patungong pintuan at tuluyang umalis.
"Sige mag-ingat ka anak"pahabol na wika ni Daisy habang sinusundan ang papalayong dalaga.
Hindi mapakali si Janelle habang nagmamaneho at tinawagan si Nathan ngunit hindi pa rin ito makontak.
Nakarating agad si Janelle at dali-daling pumasok at inalalayahan si Jazz na namimilipit na sa sakit at tuluyan na silang umalis..
"Saan bang asawa mo Bessy?
"Kung kailan ka niya kailangan wala naman"galit na tanong ni Janelle sa kaibigan at halos hindi na makapagsalita si Jasmine.
"Hold on Bessy!at malapit na tayo."
Samantala nalowbat ang cellphone ni Nathan kaya hindi ito makontak..
"So paano kumain muna tayo treat ko"pagprepresinta ni Nathan sa dalawa na sinang-ayunan din ng dalawa at sabay-sabay ng umalis ang tatlo.
Pagkarating nila ng Ospital ay agad silang sinalubong ng mga Nurses at agad itong inasikaso.
Naging masarap ang usapan at kwentuhan ng tatlo nang maisipan ni Nathan ang kanyang asawa at nagpaalam na itong umuwi.
"So pa'no mauna na muna ako..naghihintay na si Misis at buntis pa naman."paalam nito at agad umalis na kinatango ng dalawa at agad tinungo ang kotse.
Pagkarating niya sa Bahay nila ay nagtataka siyang tahimik at wala yatang tao..
Kinakabahan siyang umakyat at tinungo ang kanilang kwarto.
Laking gulat niya ng hindi matagpuan ang asawa at biglang naisip na kabuwanan na pala nito at baka dinala na sa Ospital..
Kinuha niya ang kanyang cellphone at lowbat pala ito at agad inicharge at tinawagan si Janelle sapagkat may kutob siyang ito ang tatawagan ng asawa kapag wala siya.
Nag-dial siya at sinagot din ito..
"Hello Jan,kasama mo bang asawa ko?saan kayo?"natatarantang tanong niya rito..
"Naku Nathan buti naman at naisip mo pa ang asawa mo"
"Manganganak na siya at wala ka man lang sa tabi niya..hindi ka pa makontak"sermon ni Janelle kay Nathan.
"Ano!manganganak nang asawa ko?"
"Hindi mo ba ako narinig?pumunta ka na rito at kailangan ka ng asawa mo.."inis na turan ni Janelle at pinatay na ang cellphone at tinungo ang kinaroroonan ng kaibigan.
Naging maayos ang panganganak ni Jazz at kambal ito isang babae at isang lalaki..
Nakarating si Nathan sa Ospital ng inilipat na sa Private Room ang asawa..
Nasalubong niya si Sam at tinanong nito ang kanyang asawa.
"Sir,buti nakarating kayo"
"Si Ma'm Jazz po nakapanganak na po nasa Private Room na po siya..Room 317 po Sir."pagbibigay-alam ni Sam at agad din itong umalis.
"Teka Sam Saan ka pupunta?"tanong ni Nathan..
"Uuwi muna Sir at kukuha lang ng konting gamit..nataranta kasi kami kanina kaya hindi kami nakapagdala."sagot niya rito at tumalikod na din ito.
Hinanap agad ni Nathan ang kwarto at ng makita ito ay agad kumatok.
Pinagbuksan ni Rose at dali-daling nilapitan ang natutulog na asawa at dinampian ito ng halik sa noo at labi.
Makaraan ang kalahating oras ay bumukas ang pinto ng silid at pinasok ang dalawang anghel at nagising na rin si Jazz.
Mababakas ang tuwa ng mag-asawa ng papalapit na sa kanila ang kanilang mga anak..
Maingat ng binigay ng Nurses ang mga babies sa mag-asawa habang ipinaalam ang kasarian ng kambal at umalis na rin ito.
"Mahal,kumusta?pasensiya at nalowbat kasi ang cellphone ko "hinging paumanhin nito sa asawa.
"Ayos lang iyon Mahal,ang importante nandito ka na"
"Anong gusto mong ipangalan sa kanila?"
"Hmmm..Jamine Angeleme at James Nathaniel Mahal"
Makalipas ang dalawang araw ay tuluyang nakalabas nang Ospital si Jazz at tig-isa sila ng karga ng anak nila.
One week later nasa Opisina si Nathan ng may biglang tumawag sa cellphone niya.
"Hello"sagot niya rito.
"Hello Nathan"