Episode 7

745 Words
Dalawang araw ang nakalipas ay nakalabas nang Ospital si Jazz. Kasama ang asawa ay masayang karga-karga nito ang kanilang kambal. Gelli and Tammy ang magiging palayaw ng kambal. mababakas sa mag-asawa ang lubos na kaligayahan. Katunayan nga ay may sariling silid na ito at alam ng mag-asawa na magiging kambal ang kanilang anak sa pamamagitan ng Ultrasound. May inihandang munting salu-salo si Janelle sa mga kambal. Makalipas ang ilang linggo ay nasa Opisina si Nathan abala sa mga pepermahan niyang mga papeles. Samantala si Margaux ay may pictorial nang araw na iyon at nang matapos ito ay nakipagkita siya sa kanyang pinsan na nasa Condo Unit nito. Kumatok siya sa pintuan nang makarating ito at pinagbuksan ni Daniel at nasorpresa sa biglang pagsulpot ni Margaux sa unit nito. "Couz! bakit ganyan ang hitsura mo? parang nakakita ka ng multo..gaano na ba ako kaganda at kahit sariling pinsan ko ay napatulala na."untag at biro niya rito na nagpabalik ng diwa ni Daniel. "Teka magtitigan na lang ba tayo? wala ka bang balak na ako'y papasukin."dagdag wika niya rito. "Ahh! Pasok ka."yaya nito. Nang makapasok na ito ay agad itong inusisa ng pinsan. "Margaux, anong masamang hangin ang nagdala sa'yo rito"paunang tanong ni Daniel habang naghahanda ng sandwich para sa pinsan nito. "Masamang hangin na pala Daniel John Rios ha" "Masama bang dalawin ang gwapo at pinakamamahal kong pinsan."wika ni Margaux habang umiinom ng Juice. "Margaux Alferos, I know you at hindi ka basta-bastang pupunta sa unit ko na walang pasabi."kompronta niya rito na ikinakunot-noo ng dalaga. "Daniel...Daniel... hindi ka pa rin nagbabago at kailangan pa akong dumaan sa cross examination sa'yo" "Mahirap talaga kapag attorney ang kaharap mo dahil wala ka talagang ligtas."wika nito na may naiisip na naman. "Couz, can I have his number?" biglang tanong nito na kinabigla ng pinsan. "What? kaninong number at bakit?"takang tanong ni Daniel dito. "Hmmm... number ng friemd mo, si Nathan."sagot ni Margaux kay Daniel. "Gusto ko lang makipag-kaibigan."dagdag niya rito. "Naku alam ko may binabalak ka, binabalaan kita! huwag mo ng ituloy at mukhang alam ko ang tumatakbo sa isip mo."sita ni Daniel kay Margaux, "Attorney naman, please.. akin ng cellphone mo." Kinuha ni Margaux ang cellphone at nag-dial ito at tinawagan si Nathan. Kring...kring...kring... Napansin ni Nathan na kanina lang tumutunog ang kanyang cellphone. dinampot at sinagot niya ito. "Hello" sagot niya. Ngunit walang sumasagot sa kabilang linya. "Kung ayaw mong magsalita! pwede ba tantanan mo ako."asik niya sa kausap. "I'm a busy person at wala akong panahon sa mga taong walang magawa sa buhay ." Biglang hinablot ni Daniel ang kanyang cellphone at kinausap ang kaibigan. "Pare, si Daniel ito at si Margaux ang tumawag sa'yo kanina at huwag mong intindihin iyon at tinupak na naman"paliwanag niya rito. "Ganun ba Pare? sige ibaba ko na at may aasikasuhin pa ako."paalam ni Nathan sa kausap. "Umandar na naman ang tupak ng pasaway kong pinsan"napailing na wika ni Daniel. "Tumayo ka nga diyan Margaux at aalis tayo. gagamutin natin iyang katupakan mo"yaya nito sabay hila ng kamay at sabay ng lumabas ng unit. "Attorney, wala ka bang trabaho o walang kliyenteng kakausapin?" biglang tanong ni Margaux sa pinsan nito. "Wala.." Pumunta ng Bar ang magpinsan at naroon si Nathan ng naturang lugar. "Pare, nandito ka pala! hindi ka man lang nagpasabi at masamahan ka namin"gulat na tanong ni Daniel sa kaibigan. "Pasensiya na dumaan lang ako rito at pauwi na din ako.."tugon niya rito at akmang tatayo na sana ngunit hinarang siya ng dalaga. "Oopppsss.... Saan ka pupunta? kararating lang namin ay aalis ka na.. join ka na muna sa amin pwede?" pakiusap ni Margaux kay Nathan. "Pero..." "Wala nang pero-pero" Tinawag ni Margaux ang isang bartender at umorder ng drinks. Nakailang tungga na ito nang biglang hinila si Nathan sa gitma at pinilit na makipagsayaw dito. Walang magawa si Nathan at sinabayan ang dalaga. magkadikit ang kanilang katawan at nagtama ang kanilang mga mata at biglang hinagkan ni Margaux ang labi ni Nathan. Sa kabiglaan ni Nathan ay di niya namamalayang tinutugon niya na pala at dumiin pa ito at naging mapusok na di nila alintanang may mga taong nakamasid sa kanila. Biglang tumunog ang cellphone ni Nathan at dahilan nang biglang pagkalas at iniwan ang dalaga para sagutin ang naturang tawag. "Hello Mahal, Asan ka? umuwi ka na at si Tammy nilagnat at kailangan nating isugod sa Ospital."nag-alalang wika ni Jazz sa asawa. "Sige pauwi na ako" Dali-daling umalis si Nathan na hindi na nakuhang magpaalam.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD