Episode 8

823 Words
MATAPOS ang usapan ng mag-asawa ay umalis at tinungo ang kotse at pinaharurot ito. Ilang minuto ay nakarating na ito sa kanila at agad tinungo ang silid ng kambal. "Mahal, anong nangyari kay Tammy?" alalang tanong ni Nathan sa asawa. "Mahal, inapoy ng lagnat si Baby Tammy. hindi ko alam ang gagawin ko."naluluhang sagot ni Jazz kay Nathan. "Saan si Sam at matingnan niya si Gelli at maisugod natin si Tammy sa Hospital. "Sam.. Sam.."tawag ni Jazz at agad itong lumapit sa kinaroroonan nila. "Ano po iyon Ma'm"magalang na tanong ni Sam. "Ikaw na muna bahala kay Gelli."sagot ni Jazz dito. Nang mahanda na nila lahat ay dali-daling umalis ang mag-anak. Samantala hinila ni Daniel ang pinsan at kinaladkad patungong kotse. "Margaux what comes in your mind at ginawa mo iyon? nakakahiya ka! naturingan kang modelo at ano iyang pinag-gagawa mo ha!" sermon ni Daniel sa pinsan ngunit walang saysay din at tinulugan na siya nito. Napailing na lang ang binata at nakukunsumi na ito sa pinag-gagawa ng pinsan nito. Tinawagan ni Daniel si Rhoda ang PA ni Margaux at sa unit ng dalaga maghintay sa kanila. Nang makarating sila ay agad inasikaso ni Rhoda si Margaux at nagpaalam na rin si Daniel. Nakarating na ang mag-asawa sa Ospital at agad sinalubong at inasikaso sila ng mga Nurses. MAGKAHAWAK-KAMAY ang mag-asawa habang pinagmasdan ang may sakit na anak.. Matapos maasikaso ay inilipat na ng kwarto ang baby. "Mahal, uwi ka na muna at ako na bahala rito. may pasok ka pa bukas." wika ni Jazz sa asawa. "No Mahal, dito lang ako't samahan kita. hindi rin ako mapakali at makatulog sa bahay kung nandito kayo."tangging turan ni Nathan dito. "Teka papaba muna ako't bibili ng makakain at maiinom" paalam niya't sabay halik dito. "Oh sige't mag-ingat ka" Nang bumuti nang lagay ng bata ay nakalabas na rin ito ng Hospital Laking pasalamat ng mag-asawa't walang masamang nangyari sa baby nila at simpleng lagnat lamang iyon. Lumipas ang dalawang linggo ay araw nang binyag ng kambal at si Jasmine ang naging tutok sa bawat detalye nito. Sina Janelle, Adel, Sam, Rose at Ella ang tumayong mga ninang ng kambal. Samantala sina Daniel, CJ na kaibigan ni Nathan at TJ na nobyo ni Janelle at Reian na nobyo ni Ella ang mga ninong. Nasa Condo unit ni Gerlie si Margaux nang mga oras na 'yon at may balak itong yayain ang kaibigan sa pupuntahan nito. "Bessy, bakit hindi ka pa nakapagbihis? diba nga may pupuntahan tayo ngayon. "tanong nito sa kaibigan. "Bessy naman, tinatamad ako at wala akong balak lumabas at gusto kong magpahinga muna."walang siglang tugon nito habang nakahiga pa sa kama. "Hindi pwedeng di mo ako samahan kasi dapat nando'n ka din" pamimilit na wika ni Margaux sabay hila ng kamay ng kaibigan at dinala sa banyo. "Saan ba tayo pupunta? at atat na atat ka" takang tanong nito, "Hwag ka nang magtanong at sumunod ka na lang." Walang nagawa si Gerlie kundi ang sumunod. Naligo at nagbihis at nang matapos ito ay agad na rin silang umalis. Si Margaux ang nagmaneho papuntang Simbahan kung saan bibinyagan ang kambal. Illang minuto ang lumipas ay nakarating na din ang dalawa na pinagtakhan ni Gerlie at biglang inusisa ang kaibigan. "Teka Bessy, anong ginagawa natin dito? at anong meron? bakit mo ako dinala rito" nalilitong tanong ni Gerlie sa kaibigan. "Naku Bessy, huwag nang madaming tanong at halika na at mahuhuli na tayo" sagot niya dito sabay hila ng kamay ng kaibigan papasok ng Simbahan. Nang MAKAPASOK sila ay nagulat ang pinsan nitong si Daniel sa biglaang pagsulpot ng magkaibigan sa Simbahan. "Margaux! Anong ginagawa niyo rito at paano niyo nalaman na may binyagan dito?" gulat na tanong ni DJ sa pinsan nito. "Nakalimutan mo na bang nabanggit mo sa akin tungkol sa binyag ng kambal" nakangiting tugon nito sa binata at napailing na lang sapagkat alam niyang wala siyang nabanggit na kahit na ano rito. NAPANSIN agad ng mag-asawa ang bagong dating at masayang sinalubong nila ang mga ito. "Guys! mabuti naman at nakapunta kayo." salubong wika ni Nathan sa mga bagong dating. "Anyway, Margaux si Jasmine my wife. Mahal si Margaux pinsan ni DJ." pagpapakilala ni Nathan sa dalawa. "Hmmm. your'e wife. ang ganda mo naman at hindi halatang may anak na." puri ng dalaga na ikinangiti na lang ni Jazz. "Nice meeting you Jazz" "Me too, thank you"ganting tugon nito. Ilang minuto ay nagsimula na rin ang binyag at magkakasama na silang lahat. Matapos ang binyagan ay dumeretso na sila sa mansyon ng mag-anak. Hindi mapakali si DJ sa pinagagagawa ng pinsan nito at bakit bigla itong dumalo sa okasyon na wala man lang pasabi lalo siyang nangamba nang ilang ulit ang pagsulyap ng dalaga kay Nathan na hindi nakaligtas kay Jasmine.. "Kilala ko kung pa'no maglaro ang isang Margaux Alferos, kaya habang maaga pa puputulin ko nang sungay mo" sa isip ni DJ na hindi inaalis ang paningin sa pinsan nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD