Episode 9

785 Words
NATAPOS ang binyag ng kambal at dumeretso na nga sila sa mansiyon ng mag-asawa. May munting salu-salong inihanda ni Jazz sa mga bisita. Nakaupo si DJ sa sulok ng hardin ng mansiyon habang tanaw nito ang kanyang pinsan. Napapansin nito kahit magkasama at magkausap ang magkaibigan ay panay sulyap ito kay Nathan na mukhang napapansin din ito ni Jazz. Kaya bigla itong tinawag ang asawa at tumalima din si Nathan nang tinawag ito ni Jazz. "Mahal, pwede mo bang matingnan ang kambal at para makakain na din si Sam." pakiusap ni Jazz sa asawa. "Sige Mahal at papasok na ako" tipid nitong sagot. Sinulyapan ni Jazz si Margaux at hindi nga ito nagkamali.. Habang papasok si Nathan ay sinundan ito ng tingin ng dalaga. Biglang nakadama nang pangamba at takot si Jazz. Napaisip ito na baka magkainteres si Margaux sa asawa niya. "Ano bang nasa isip mong babae ka? Hwag ka lang magkamaling akitin ang asawa ko at makakatikim ka talaga kung paano kabangis ang isang Jasmine Gonzales Bernardo" sigaw ng puso niya na di maitatangging nagdududa siya rito. Samantala magkapareho nang iniisip sina Jazz at DJ. "Ano na naman kaya ang pumasok sa utak mo Margaux, at dumalo kang walang pasabi" "Talagang kilala ko maglaro ang isang Margaux Alferos at kung ano man iyang nasa isip at balak mong gawin ay puputulin ko na iyang papalapit na pagtubo ng sungay mo " bulong nito sa sarili. Biglang lumapit si Jazz sa kinaroroonan ni DJ. "DJ, ang layo yata ng iniisip natin ah" untag nito kay DJ na ikinagulat ng binata. "Ah, Ikaw pala Jazz! Wala tinitingnan ko lang ang pinsan ko. Jazz maging alerto at talasan mo ang pakiramdam mo at sa tingin ko at may duda akong may binabalak ang pinsan ko sa asawa mo" wika ni Daniel dito. "Ako din nga eh, di ko maiwasang di siya pagdudahan sa kinikilos nito kasi iba iyong nararamdaman ko sa kanya" pag-amin ni Jazz dito. Makalipas ang ilang minuto ay nagpaalam na rin ang mga bisita. Tatlong araw ang nakalipas nang nasa Opisina si Nathan. Pumunta si Margaux sa naturang opisina ni Nathan. Pagkarating niya rito ay agad itong hinanap ang Opisina at agad itong tinungo.. Kakatok na sana siya nang biglang bumukas ang pinto at nakita niya si Nathan kasamang asawa nito. "Oh! Margaux, Saan ka't anong kailangan mo?" tanong ni Jazz habamg sinulyapam ang dalaga na nakatingin sa asawa. "Ahh ehh.. saka na lang mukha yata may lakad kayo" sagot ni Margaux kay Jazz. "Ganun ba? Sige mauna na kami at gutom na din kasi ang hubby ko" paalam nila rito sabay hila sa asawa. "ahh teka Margaux pasensiya ka na kasi talagang busy ang husband ko at wala pa siyang time mag entertain ng bisita lalo na kapag walang appointment" pahabol wika niya sa dalaga. "Bago ko pala makalimutan kailangan kang magpa-aapointment sa personal secretary niya nang maentertain ka di tulad ngayong susulpot ka bigla." "Ganito sa susunod na pagpunta mo sa opisina ng asawa ko ay siguraduhin mong wala ako at baka makasagabal ako sa mga plano mo." Hindi halos makapagsalita si Margaux sa tinuran ni Jazz at talagang parang sinusubukan talaga siya nito. "Hindi kita susukuan Nathan.. Darating ang araw mapapansin mo't hahanapin ang alindog ko" sa isip ng dalaga habang sinusundan ng tingin ang mag-asawa. Dahil pinahiya siya at mukhang ayaw ni Jazz sa kanya mas lalo siyang naengganyong gawin ang plano nito. "Talagang sinusubukan mo ako Jazz.. tingnan natin kung simo ang iiyak kapag makuha ko ang asawa mo. hahahaha" natatawang saad ng isip ng isip niya. Napagpasyahan niyang umuwi at magpahinga. Wala kasi itong mga commitments nang mga araw na iyon. Nasa opisina si DJ nang mga oras na iyon ng biglang naalala si Jazz at ang maitim na plano ng pinsan nito. Tinawagan niya't gusto itong makausap. Biglang tumunog ang cellphone ni Jazz nang papaba pa sila at dali-daling sinagot ito. "Hello" "Hello Jazz si DJ ito at pwede ba tayong mag-usap?" "Sige mamaya tatawagan na lang kita" Nang makarating si Margaux sa kanyang unit ay kanina lang naghihintay ang bestfriend niyang si Gerlie. "Hoy! Bessy sa'n ka galing at bakit hindi ka man lang nagsabing may pupuntahan ka" salubong na tanong nito sa kaibigan. "Sa bagong prospect ko" tipid niyang sagot dito. "Prospect? Sino na naman yan?" tanong ni Gerlie. "Kaibigan ng pinsan ko" "What? Nababaliw ka na ba? may asawa na iyong tao" "eh ano ngayon, gusto ko siya." "Pa'no kung malaman ng asawa niya at si Adrian?" "Hwag na nga muna natin pag-usapan yan" biglang pag-iwas nito Samantala ang mag-asawa walang imikan at tahimik na tinungo ang sasakyan. Dahil sa mga binitiwang salita ni Margaux ay agad napaisip si Gerlie sa posibleng mangyari.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD