Episode 10

766 Words
Walang imikan ang mag-asawa hanggang nakarating sa sasakyan nila at pinaharurot ni Nathan hanggang nakarating sila ng bahay nila. Agad pumasok si Jazz at biglang hinawakan ni Nathan ang mga kamay nito. "Teka nga Jazz mag-usap nga tayo." "Ano iyon Nathan?" "Ano bang pumasok sa kukute mo't ginawa mo iyon kay Margaux?" matigas nitong tanong sa asawa. "Anong ginawa? Ahh iyon bang pinamukha ko sa kanya kung sa'n siya dapat lumugar." "At bagay lang sa kanya iyon.. Ang tulad niyang haliparot at may balak yatang landiin ang asawa ko" sagot nito sa kanyang asawa. "Binalaan ko lang siya Nathan at sa oras na tuluyang landiin ka't kinagat mo ay ito lang ang masasabi ko magkamatamayan talaga tayo" banta ni Jazz na kinabigla ni Nathan. "At bakit naisip mong mga bagay na yan at sinong nagsabing may relasyon kami.. Eh wala naman" bulyaw ni Nathan dito. "Ngayon wala pero pa'no bukas, sa makalawa, sa isang linggo,buwan at taon o kaya mamaya." "Babae ako Nathan malakas ang instinct ko at sa kinikilos niya walang dudang gusto ka niya" "Anong pruweba mo't naisip mong may gusto siya sa'kin?" "Simple lang anong ginagawa niya sa opisina mo?" "Sa binyag ng kambal ay panay sulyap ito sa'yo" "Puro ka talaga duda at sa tingin mo bang magagawa kong iwan at lokohin ka." "Hindi mo maialis sa 'kin yan Nathan, maganda, sexy at kaakit-akit siya.. Anong laban ko sa kanya. Natatakot at nangangamba akong isang araw wala ka na sa tabi ko." mangiyak na wika ni Jasmine at niyakap siya ng asawa at hinagkan ang mga labi nito. Naging mapusok at biglang parehong nag-init at binuhat ni Nathan si Jazz papuntang silid nila at dali-daling sinara ang pinto habang nakasandal sa dingding at walang tigil ang halikan hanggang unti-unting natanggal ang kanilang mga damit. Walang sawang hinalikan ni Nathan ang katawan at maselang parte ng asawa. And right there they share a passionate lovemaking at magkayakap na nakatulog. Dahil sa pag-iwas ni Margaux sa usapan ay di maialis kay Gerlie ang mangamba sa binabalak ng kaibigan kaya minabuting kausapin niya ang pinsan ng dalaga. Tinawagan niya si DJ nang nagpaalam itong umalis at may pupuntahan siya kaya si Margaux natulog na muna. "Hello DJ si Gerlie ito, we need to talk about your cousin" "What is about her? Sige I think I know it.. magkita tayo mamaya at may kausap din ako kaya mabuti't hintayin natin siya" sagot ni DJ dito. "Sige. Call me back at dadaan muna ako ng opisina." "Okay tatawagan na lang kita." Kinahapunan ay nagkita-kita na nga ang tatlo na hindi lingid kay Margaux na alam nang tatlo ang masamang motibo niya sa pamilyang Bernardo. Naunang dumating si Jazz at naghihintay na si DJ sa kanila. Sinalubong ng binata si Jazz sabay halik sa pisngi at inalalayang maupo sa bakanteng silya. "Mabuti naman nakarating ka Jazz at talagang mahalaga 'tong pag-uusapan natin" paunang wika ni DJ habang tumawag ng waiter upang makapag-order sila. "Bago pala natin simulan ang usapan umorder muna tayo habang hinihintay natin si Gerlie" saad niya rito habang nakatingin sa Menu Book. "Sige ikaw bahala." Ilang minuto ay dumating na nga si Gerlie at sinimulan na rin nila ang pag-uusap. "Ano ba 'yon DJ?" tanong ni Jazz dito. "Ì have a negative vibes towards my cousin.. at malala na naman ang katupakan nito" paunang pahayag ni DJ. "Talaga DJ mukhang nababaliw na naman ito't anong kagagahan ang pumasok sa kanya at may mga masasamang balak ito" segundang wika ni Gerlie. "Guys! Direct to the point please at nahihimigan ko na ang mga ibig niyong sabihin" wika ni Jazz na animo'y alam na ang tinutukoy ng dalawa. "Alam ko na alam mong ibig naming sabihin kaya maging alerto ka sa mga posibleng pagbabago ng kilos ng asawa mo at kami na bahala sa pinsan ko" pahayag ni DJ kay Jazz. "Kukuha ako ng Detective para mag spy at para may ebidensiya ka kung sakaling ituloy at hindi na siya mapipigilan." "Isa ako sa pinagkakatiwalaan niya kaya gagawa din ako ng paraan upang matigil ang kahibangan ng kaibigan ko" paninigurong turan ni Gerlie rito. "Salamat talaga sa inyo" "Walang anuman iyon, pareho naming kaibigan kayong mag-asawa at hindi namin matiis kung may masamang mangyari sa pagsasama niyo" wika ni DJ na ikinangiti ni Jazz. "Siya mauna na ako sa inyo at alam niyo naman may work pa ako" paalam ni Jazz sa dalawa sabay tayo at tumalikod na din sa kanila. "Magtawagan na lang tayo" pahabol wika niya at tuluyan nang umalis. Nasa kalagitnaan ng meeting si Nathan nang biglang tumunog ang cellphone niya. "Hello" "Hello Nathan"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD