P H O E X E
. . .
"I can see my nightmares in real life. I did saw you falling from the top."
At gaya ko, noong una kong narinig ang kakayahan nila, napatitig din sila sa akin. Ilang minuto kaming hindi nagusap at nakatingin sila sa akin. Medyo naconcious tuloy ako at natakot. Last time, the one who stared at me at a long time stole something away from me. And now that I was being stared again, I feel anxious.
"Don't stare at me like that," sabi ko at iniwas ang tingin ko sa kanila.
"So you can see the future?"
"No, definetly not. But I can see death. Like you, it's not that really clear to me, okay? I don't know why I have those dreams."
Hindi ko alam kung bakit ako pa ang nakakapanaginip ng ganito. Kung sana, nabubuhay ako ng normal at walang takot sa kamatayan. Hindi biyaya ang magkaroon ng ganito, confusing, powerful, undiscovered.
"But I'm not dead." Sirius gave me a smug look, both hands at the back of his head, and he crossed his legs. Hindi ko na lang siya pinansin dahil hindi ko alam kung bakit sila ang nakita ko.
"Yeah, you almost turn into ashes. Thanks to Mr. Walter. He save you." kibit balikat kong sabi. Napaisip naman ako. What if Mr. Walter were too late? What if Henry didn't read what's in my head due to his dizziness? What will happen if Arius was lefr behind? Is he here now?
Kinilabutan ako sa pwedeng mangyari kung hindi naligtas si Sirius.
"Hey! Phoexe!" napatingin ako sa babaeng papalapit sa amin ngayon. Mukhang okay na siya ngayon kumpara noong nakita ko siyang walng tulog kahapon. Umupo siya sa bakanteng upuan sa harap ko.
"Hi Lina,"I can feel the uneasiness tension sa dalawa kaya hindi na rin ako nagsalita.
"Who are these guys? You know them? I saw you talking to them." alerto akong napatingin kay Lina ng sabihin niya iyon, maging yung kambal ay napatingin sa kaniya.
"You heard us?"
"No, ang ingay-ingay dito sa cafeteria. Paano ko kayo maririnig?" inosenteng tanong ni Lina.
Tumango na lang ako dito at hinigop lahat ng kape sa baso ko. I shivered when I felt the hot liquid falls down inside, from my throat to my stomach.
"Okay ka na ba? Mukhang masama ang gising mo ah." napairap naman ako nang palihim ng sabihin niya iyon
Bakit kailangan niyang sabihin iyon sa harap ng dalawang lalaki nandito? Tss.
"Ikaw, nakatulog ka na ba? Kahapon, nakita ko ang laki ng eye bags mo. Mukhang ngayon, wala ka pa ring tulog." nagsmirk ako sa kaniya nang makita ko siyang namula at sumulyap sa katabi namin.
****
Hindi naman ako nagtagumpay na maging alerto sa paligid ko dahil distracted pa rin ako sa mga iniisip ko. Kung hindi lang sana sumingit si Lina sa usapan namin, paniguradong sasabihin na ni Arius kung saan niya nakita 'yung babae. What's good, they might help me find her. Afterall, they seemed to have something about that girl. Kung hindi lang talaga nagpakita si Lina, tapos na itong iniisip ko.
Natapos ang buong klase at wala akong naintindihan sa mga pinagsasabi ng mga prof ko. Nauna akong lumabas ng room kaya wala akong nakakasabay na estudyante s paglalakad.
So many questions in my head hindi ko alam kung paano sila iisa-isahin at masasagutan. Dumagdag pa ang nakakabwisit na panaginip na iyon. Mula sa pinanggalingan ng kakaiba sa akin, kay Epiales at sa napanaginipan ko.
My mind is occupied by the thoughts and problems.
Nakauwi naman ako ng tahimik pero ang isip ko ay hindi na nanahimik. Nang makauwi, ako ang akala ko mababawasan ang pagiisip ko dahil tahimik pero parang mali ako dahil tahimik, mas lalo lang dumami ang iniisip ko.
Lumabas ako na lang ko ng kwarto ko at nakita ko ang tahimik na hallway. Naglakad lakad ako baka sakaling mabawasan ang iniisip ko.
Napatingin naman ako sa katabing kwarto ko. Wala na doon ang magasawa, siguro kung nandito pa rin sila, maingay pa rin dito. Seriously, sila lang ang gumagawa ng ingay.
Dinaanan ko iyon at sinulyapan ang nasa loob nito at mukhang totoo nga at umalis na sila. Huminto ako sa harap ng pinto nila. Nandito pa sila noong matanggap ko ang sulat ni Epiales. Napaisip naman ako, hindi kaya nakita nila si Epiales habang kumakatok siya sa unit ko?
Pero pwede ring hindi dahil busy sila sa pagaaway. Naglakad ulit ako at tumayo sa tapat ng pinto ko. Naalala ko pa na ang anino nito sa pinto ay hindi gumagalaw. Gitnang gitna sa pinto. Ginaya ko iyon atsaka ako pumikit, what would Epiales did that time? He can't stand so long in here, makikita siya ng kapitbahay ko. Ang nakapagtataka lang, dahil parang may mali. Kung ang pakay niya lang ay ilagay at ibigay sa akin ang sulat niya. Bakit kailangan pang kumatok? Hindi niya ba alam na nandito ako nung mga oras na iyon? Bakit magaaksaya siya ng panahon para kumatok? Maaring may makakita sa kaniya.
"Anong ginagawa mo?" halos mapatalon ako sa gulat ng may nagsalita sa may kaliwa ko.
"You gave me a heart attack!" sigaw ko kay Lina. Nakatayo ito sa tapat ng pinto ng kwarto niya. Nilock niya ang kwarto niya at mukhang aalis siya.
"Sorry." napansin ko naman ang dala niyang mountain bag. Ang laki nito at halos sakop ang kalahati ng katawan niya.
"Saan ka pupunta?" tanong ko sa kaniya at napansin niya naman kung anong nakita ko.
"Mountain hiking. My friend and I planned about it, a week ago. Magka-camping kami! Omg, im so excited!"
"We have class tomorrow. You're not going to attend, are you?"
"I already wrote a letter. Will you gave this to our prof? Please?" sabi niya at may nilabas na letter. Ni hindi ko nga matandaan ang prof namin dahil hindi ako nakikinig ng klase, sa akin niya pa ibibigay?
"I won't because I want to come with you." sabi ko at pinihit ang doorknob ng kwarto ko. Nakita ko naman na kumunot ang noo niya.
"What?"
"I want to have some fun." nakita ko naman na nagliwanag ang mukha niya at biglang tumili. Tumakbo siya sa akin at niyakap ako ng mahigpit.
"Really? Then you should start preparing! I'll tell my friends about this. I'll wait for you here." atsaka niya binaba ang malaki niyang bag sa sahig.
"okay,"
****
Mountain hiking, ibig sabihin magubat sa pupuntahan nila. Naisip ko na ito ang sinabi sa akin ng aking panaginip. Baka sakaling makita ko ang babaeng iyon doon. Kinakabahan din ako dahil baka may ibig sabihin ang malaking bato at sa ibabaw nito may bangkay. Hindi naman talaga ako sumama sa kaniya dahil gusto kong magsaya. Walang dapat ikasaya sa ganitong buhay.
Kumuha ako ng malaking bag ko at naglagay ng dalawang pares ng aking damit. Dinala ko rin ang sketch book ko. Kinuha ko sa damitan ko ang pocket na naglalaman ng emergency kit. Naglagay din ako ng gamit pang-proper hygiene doon. Nagpalit din ako ng aking damit at nagrip jeans, rubber shoes at nagbrown shirt. Kumuha din ako ng sumbrero.
Nang matapos na ako ay lumabas na ako, nakita ko si Lina na mukhang kinikilig dahil hawak nito ang cellphone niya. Nang makita niya ako ay umayos siya ng tayo at binitbit ulit yung bag niya.
"So, let's go?" sabi niya habang nilolock ko 'yung kwarto ko. Nginitian ko naman siya at nagpanggap na excited na.
Nauna siyang maglakad sa akin pero bago ako maglakad ay may hinanap muna ako sa hallway. Tinitigan ko ang bagay na hinahanap ko, nakalagay ito sa gilid ng kisame. Ngumiti ako. Malakas ang pakiramdam ko na gumagawa na ng paraan si Henry para makuha ang footage na hinahanap niya kaya alam kong makikita niya ang mensahe ko.
Hindi ko alam kung kaya niya makabasa ng isip through screen pero alam kong malalaman niya rin ang mensahe ko sa lalong madaling panahon.
Bago pa mapansin ni Lina iyon ay sumunod na ako sa kaniya.
****
"Kuya Gerin, Phoexe. Phoexe, Kuya Gerin. She'll be joing us at our night camp!"pagpapakilala sa akin ni Lina.
Kaharap namin ngayon ang kaibigan ni Lina. Mukhang dalawang taon ang tanda nito sa amin. Merong sunglasses sa buhok niya na tila ba ginagawa niya itong headband. Mahaba rin ang buhok niya dahil nakita ko na nakatali ang buhok niya. Meron ding sigarilyo sa bibig niya. Nakita ko ang van sa likod niya at mukhang nandoon na rin ang ibang kaibigan ni Lina.
Tinanggal niya ang sigarilyo sa bibig niya, at napaubo ako ng bugahan niya ako ng mabahong usok na nanggaling sa ilong at bibig niya. "Oops, sorry. Hi there, Phoexe. Lina talks a lot about you. Come."
Umiling na lang si Lina at binuksan niya ang van. Nakita ko na may tatlong tao doon at mukhang nagpapahinga sila. Nang binuksan ni Lina ang van ay napabalikwas sila ng bangon. Dalawang babae at dalawang lalaki.
"Hoy, mga panget. Ito si Phoexe, kaibigan ko. Sasabay siya sa camping natin." pagpapakilala ni Lina atsaka pumasok. Nilagay niya sa bandang likuran yung bag niya tsaka naman kinuha niya 'yung bag ko kaya inabot ko iyon sa kaniya.
"Hi, Phoexe!" bati nila. Pumasok na ako sa van at mabuti na lang ay malapit ako sa may bintana. Katabi ko rin si Lina.
Ginala ko naman ang paningin ko sa buong van, ang lakas ng aircon. Kaya pala inaantok ang mga ito.
"Isara mo na." utos sa akin ni Lina habang may kinukuha s bag niya. Sinaradi ko naman ang pinto at nakita ko rin na pumasok na si... Kuya Gerin sa van. Umandar na ang sasakyan kaya naman sumandal na ko sa likod ko para magkapag relax ako.
Nagpakilala naman 'yung iba. Mabait naman sila, at winewelcome ako sa little camping nila. Hindi daw talaga sila nagsasama ng kung sino-sino sa grupo nila pero makulit daw si Lina kaya nakasama ko. Nagkwento rin sila sa akin na madalas daw akong ikwento ni Lina sa kanila. Pati na 'yung pagdududa niya na ex ko 'yung naging costumer namin noong nakaraan. Kaya naman medyo nahiya ako sa mga tao sa paligid ko.
Hindi rin nagtagal ay humina na ang ingay sa loob ng van at may kani-kanila na silang ginagawa. 'yung iba may kausap sa phone nila, yung iba natutulog. At 'yung iba abala sa pagaayos ng gamit nila.
"Saang lugar ba tayo magcacamping? Maglalakbay ba tayo sa kagubatan?" tanong ko kay Lina. Medyo binabaan ko rin ang boses ko para hindi ako makaistorbo. Napansin ko rin na puro puno na ng nakikita ko sa labas. Matataas na puno na nakita ko sa panaginip ko.
Napatigil naman siya sa paglagay ng pulbos sa mukha niya at biglang tumawa. Hindi ko alam kung bakit siya tumawa, may nakakatawa ba sa sinabi ko?
"Bakit? Anong nakakatawa?" naguguluhan kong tanong dahil ang lakas ng tawa niya. Natatawa nga rin ang iba sa nakakaloka niyng tawa. Para siyang pabo kung humalakhak.
"Hindi tayo maglalakbay sa mga kagubatan, Phoexe. Magcacamping lang tayo malapit sa bahay ni Scarlet." tumatawa pa rin ito. Napahawak siya sa tiyan niya dahil sa katatawa niya.
"Scarlet?"
"Hoy! Mga tamad! Nandito na tayo!" bigla na lang huminto ang van kaya muntik na silang mapunto sa harap. Mabuti na lang at napakapit ako sa hawakan.
"What the heck, Gerin!"
Lumabas na sila ng van kaya sumunod na lang din ako. Sinisisi pa nila si Kuya Gerin dahil nauntog daw sila sa lakas ng impact. Sinarado pa nila ng padabog 'yung van. Ang ingay nila pero hindi ko sila pinansin dahil tinignan ko ang bahay na nasa harap namin ngayon. Nasa gitna siya ng kagubatan at bigla namang akong nacurious bakit dito nagtayo ng bahay.
Bumukas ang main door ng bahay at may lumabas na babae. Kumaway ito sa amin. Tinignan niya kami isa-isa at nang sandaling magtama ang mata namin ay biglang umihip ang malakas ang hangin.
Kasabay nito ang paglipad ng pulang kulot na buhok niya.
Finally, I met the red haired girl.
. . .
UNEDITED