P H O E X E
. . .
"Whoa! Scarlet! Wag mong takutin si Phoexe sa tingin mo. Hindi na nakagalaw oh!" sigaw ni Lina sa tabi ko habang hawak niya na ang bag namin. Napaiwas naman ako ng tingin atsaka nginitian si Lina.
"Hindi, okay lang. Nagandahan lang ako sa buhok niya." kinuha ko naman ang bag ko sa kaniya at binuhat ito. Habang siya inakbayan ako at hinala sa paglalakad.
Bigla namang kumabog ang dibdib ko habang sila ay nasa harap na ng pinto at binati si.... Scarlet.
The style of the house is elegant and it always seemed so quite inside. It only have one floor and the white paint of it makes the house so beautiful. Pumasok na ang iba sa loob ng bahay niya habang kami ay nasa harap pa rin ng pinto. Tinitigan ko siya at nginitian naman niya kami. Pinanood ko lang siya sa susunod niyang gagawin pero napansin ko na nagtitigan sila ni Lina. 'yung mga mata nila parang may sinasabi, tapos biglang nagsmirk si Lina.
"Hello, SCARLET!!" biglang sigaw ni Lina sa tabi ko at niyakap ang babaeng nasa harap namin.
"HI, LINA!!" sigaw naman ni Scarlet habang malapit ang labi niya kay Lina kaya napaatras si Lina.
Napaatras din ko sa ginagawa nila. Kaya naman humalakhak silang dalawa. Baliw na sila...
"HAHAHAHA! masanay ka na sa amin ni Scarlet, Phoexe. Ganyan talaga namin kamustahin ang isa't isa. Tara, pasok tayo sa loob." humalakhak ulit si Lina at siya ang unang pumasok sa loob habang hila ako. Nilingon ko naman si Scarlet at umiiling itong sinara ang pinto.
Pagkapasok namin ay namangha ako. Hindi ko akalain na maliwanag sa loob nito, sa bandang kanan ko ay may transparent glass. At tumatagos doon ang liwanag mula sa papalubog na araw. Nakita ko kaagad ang sala nila, may pulang malaki at mukhang makapal na mat. Habang ang sofa naman ay kulay brown. Mukhang nilinis ang lugar dahil halos nakaayos ang lahat.
And what's that smell. Vanilla with a strong flavor of strawberry filled the air. And they also sniff the welcoming smell. Who would not love to live here? Surrounded by fresh air with green trees, and a big bright house. Talagang nakakarelax ang ganito.
Umupo naman sila sa sofa at nilagay sa mat ang mga bag nila. Habang si Scarler ay pumunta sa kusina.
"ahh.."
"Ang saya talaga tumambay dito."
"whoaaaa...."
Hinila naman ako ni Lina para makaupo na rin. Binaba ko na rin ang bag ko malapit sa akin. Hindi ko rin naman alam, baka may mahilig tumingin ng bag sa kanila. Baka mamaya makita pa ang sketch book ko.
Bumalik naman si Scarlet na meron ng dalang tray. Merong bowl ng cookies doon at pitong baso. Nilapag niya iyon sa maliit na lamesa sa gitna ng sala. Napatingin naman sila sa nilagay niya.
"Ano nanamang pinagexperimentuhan mo, Peklat?" tanong ni Lindsay na kasabay din naming bumyahe. Ngayon ko lang siya napagmasdan ng mabuti. Nakaponytail ito at merong bangs. Nakamaroon dress rin siya habang nakakapit kay Manuel, boyfriend nito na kaibigan din ni Lina.
"Peklat?" tanong na bulong ko. What a weird nickname kaya naman napatingin sa akin si Lina.
"You know, Scarlet, SCAR. Peklat. Mahilig lang talaga magbigay ng nickname 'yang si Lind. At laging bizzare, ipagpray mo na sana wag ka niyang gawan." tumango naman ako, at tinignan ulit sila.
Bumalik si Scarlet na merong dalang big pitcher of lemon iced tea. Umupo na lang siya sa sahig at kumain ng cookies. Sinawsaw niya pa iyon sa isa pang bowl na merong pink sauce? Hindi ko alam. Ngayon ko lang napansin na kulay puti 'yung cookies.
"Try some, it taste like cupcake. Though hindi siya nasa cup." ngumunguyang sabi ni Scarlet
"Cookie cake!" sigaw ni Magiekaya naman nagsipagkuhaan sila ng cookies doon. Habang ako ay tumingin na lang sa kanila. Atsaka ko napansin na nakatitig sa akin si Scarlet pero ng mapansin niya na nakita ko siyang nakatitig sa akin ay iniwas niya ang tingin niya.
"alright, Laro tayo!" pagaaya ni Maggie at may hawak siyang mabigat na bote. Hindi ko alam kung saan niya nakuha iyon. "Magtruth or dare na lang tayo. Bukas na lang tayo gumawa ng outdoor activities." then she grin.
They shouted "game" and all of them really want to play a game. Umupo na rin sila sa sahig at pinalibutan yung hawak na bote ni Maggie.
Napatingin naman sila sa akin dahil ako lang ang hindi sumama sa kanila.
"Phoexe, sumama ka na. Bawal KJ. Truth or dare 'to," sabi ni Manuel. Napaisip naman ako bigla, truth or dare... Paano kung may itanong sila na masyadong personal? Paano kung may ipagawa sila sa akin na hindi ko kaya?
Nakita nila ang pagdadalawang isip ko kaya hinila ako ni Lina at pinaupo ako sa tabi niya. "Come on. You're here for fun, right? So have some!"
Hindi na lang ako umimik, bahala na.
Pinaikot na ni kuya Gerin ang bote at habang umiikot iyon ay biglang pumasok sa isip ko si Henry. Paano kung hindi niya nakuha ang mensahe ko? Paano kung mangyari ang nasa panaginip ko? Paano kung ngayon na ang kamatayan ko?
Napatingin ako kay Scarlet na nakangiti habang tinitignan ang bote na umikot. Bigla nanamang pumasok sa isip ko ang napanaginipan ko kaganina. Nararamdaman ko pa rin ang sakit. In this case, I don't see what's the motive if she'll going to kill me. But is it really possible that I can see my own death?
Paano kung mahuli sila ng dating? Paano kung wala silang pake? Paano kung hindi sabihin ni Henry sa kambal ang mangyayari sa akin? Paano kung hayaan nila akong mamatay?
Tama nga naman sila, hindi naman nila kasalanan kung mamatay ako. Pinasok ko ito, panindigan ko. Ano nga bang dahilan, para iligtas nila ako? They just met me in just one day.
"Phoexe!" sigaw nilang lahat sa akin at doon ko lang napansin na sa akin para tumapat ang nguso ng bote. At nasa tapat ko ngayon si Scarlet.
"huh? Sorry," sabi ko at naging alerto na ako.
"So .... Truth or dare?" they asked in unison.
Ilang segundo akong nagpasiya kung sasagot ba ako o hindi. Gusto ko namang umayaw pero ayoko silang madisappoint. Hindi ko naman alam kung anong pipiliin kaya naman sinabi ko na lang ang kung anong unang pumasok sa isip ko.
"Truth."
Nabaling naman ang tingin nila kay Scarlet na nasa harap ko. Hinihintay sa tanong na ibibigay niya sa akin. Sa kadami-daming pwedeng magbigay ng tanong, bakit siya pa? Bakit ang taong papatay pa sa akin?
Tinignan ko ang relo ko at sinasabi nitong 6 oclock na ng gabi. Nalalapit na rin matapos ang araw na ito.
"Bakit ka sumama sa night camp namin?" diretsyong tanong ni Scarlet at hindi ko naman alam ang isasagot ko. Kaya yumuko ako para magisip at para hindi nila makita ang nagiisip kong itsura.
"G-gusto ko lang maging masaya." nakayuko kong sabi. Iyon din ang sinabi kong dahilan kay Lina kanina.
"'yan din ang sinabi mo sa akin. Ibang dahilan pa. Hindi ka ba masaya?" singit ni Lina
Tahimik lang silang naghintay ng sagot sa akin kaya kinabahan ako sa tingin nila. I hate this, sana pala hindi na lang ako sumama. At naiwan na lang ako sa kwarto ko. Ayoko ng ganito. Nageexpect sila ng maganda sa akin! Nakatingin sila sa akin! And I hate this kind of attention.
Bumuntong hininga naman ako atsaka nagsalita, "I felt so lonely in my unit. At ang daming masasamang thoughts ang pumapasok sa isip ko. Kaya sumama ako kay Lina para naman malibang ako."
"Masasamang thoughts?" nacucurious na tanong ni Manuel.
"Akala ko ba isang tanong lang?"
"Nope, in our rules. Kung sino ang magbibigay ng tanong, hindi na siya pwedeng magtanong ng mga sub questions. 'yung ibang players lang ang magtatanong. Just in case na hindi namin maintindihan 'yung sagot ng taya." pagpapaliwanag ni Kuya Gerin.
Humugot ulit ako ng malalim na hininga at ang bilis pa rin nang t***k ng puso ko. At mukhang napansin nila iyon kaya tumawa sila.
"Whoa, wag kang kabahan!" natatawang sabi ni Lindsay kaya naman sumagot na ako.
"The truth is I'm suffering in a depression. Nagkaroon na ako non dati, at ayoko lang bumalik ulit."
Bumalik nanaman ang alaala ko dati. When I was five years old, my nightmares always filled my mind. And I cried all night, dad comfort me everytime I scream at the top of my lungs. It's getting worse everyday, corpse is hunting my night and my head. It didn't leave my body. I was so scared to see their body trembling, and their agony, and their last breathe of air. I was so frightened to the point that I don't sleep at night, my eyes are wide awake, afraid to see their corpse again. That's when Dad gave me a sleeping pill. At first, things go well and I was so relieved because dad is always by my side when I woke up. Then one night, I dreamed about my dad. Lying in a floor, on top of him is a dark shadow. I saw something in his hand, a rock! And in just one sway of his hand to my father's head, he's dead. Dad looked at me and whisper in my direction: "Run." Hindi ko alam kung saan ako nakakuha ng lakas non, twelve years old palang ako. Kinuha ko ang mahahalagang bagay non, damit, pera, stock foods. Lahat iyon nilagay ko sa bag ko, at umiiyak na tumakbo. Hanggang sa mapadpad ako sa apartment ni Nanay Berling.
"Oh, sorry..."
They suddenly felt sorry about me. For forcing me to answer their question, kaya naman nginitian ko sila at nagpatuloy sa paglalaro. Gusto kong mabawi ang aura ng laro dahil mukhang nasira ko. Kaya naman pinilit ko na ngumiti at tumingin sa kanila.
"Kaya nga nandito ako. Mukhang ang jolly niyong lahat, baka sakaling mahawa ako katulad ni Lina." nginitian na lang din nila ako bago nila pinagatuloy ang paglalaro.
I had fun. . . But I felt like it was all fake.
***
Nang makita ko na may kani-kanila na silang ginagawa, kinuha ko ang sketch book ko pati 'yung lapis ko. Sinigurado ko na puro portraits lang ang nakalagay dito kaya kung sakali mang tignan nila, walang ibang malisya. Lumabas muna ako ng bahay ni Scarlet para makaramdam ng hangin.
"Saan ka pupunta?" biglang tanong sa akin ni Maggie, nakatingin pala siya. Siya na lang kasi ang nasa sofa na nanonood ng tv habang 'yung iba ay nasa kwarto, si Scarlet lang ang nasa kusina.
"Magdodrawing lang ako, hahanap ako ng magandang lugar." sabi ko pa.
"Sige! Basta bumalik ka agad, napakadilim diyan sa labas kapag gabi na."
"Noted,"
Naglakad na ako palayo sa bahay na 'yon. Hindi ko naman talaga plinano na magdrawing, I was actually planning to witness something in here.
Kung nakatadhana ako dito na mamatay, kailangan hindi na madamay pa sila Lina. At kung si Scarlet man ang nasa likod ng mga letters na natanggap namin ni Henry, then it's a dead end. Iniisip ko na kung anong dapat kong gawin.
Nakita ko na ang malaking bato kaya mas kinabahan lang ako lalo. Ibinaba ko sa tabi ng puno ang sketch book ko pati ang lapis. I immediately grab my phone and texted Henry the location of the area.
Unknown
:?
You:
My dream will happen here.
Unknown
:Sht, why didn't you tell me earlier?
Nakita ko pang may tina-type siya pero napatigil ako nang makarinig ako ng kaluskos sa paligid. Dumidilim na rin kaya mas lalo lang akong kinabahan. I only have my phone for my protection, if this was really my end, bahala na.
Nakatadhana naman ang lahat nang 'to.
You:
Don't worry I will stay awake until you came, para makita mo ang itsura ni Epiales sa isip ko
Unknown
:Are you fvckin' suicidal? Your life will be in vain for sure
I chuckled on his reply. His quite blunt, kung hindi ko lang alam na siya ang dahilan ng pagkaligtas nila Arius, iisipin ko na wala siyang puso.
You:
Hindi 'yon joke.
Unknown
:Hindi rin ako nagpapatawa.
Tuluyan nang nagdidilim sa paligid, at unti-unti na akong natatakot para sa kaligtasan ko. Ito ang unang pagkakataon na hindi ko iiwasan ang panaginip ko, naniniwala ako na ang lahat ay nakatadhana kahit pa ba na ako ang mamamatay ngayong araw. 'Yon ang dahilan kung bakit hindi ko pinipigilan ang kamatayan sa panaginip ko.
Nakarinig ako ng kaluskos sa paligid kaya naman ginawa kong alerto ang mga mata ko, pinakiramdaman ko rin ang likod ko at nakatingin lang ako sa may malaking bato.
Then something move in my left side, my heart skipped a beat because of anxiety. Until I've seen red strand being flewn away because of the breeze of the wind. Scarlet was standing beside me with tilted head.
"Peek-a-boo,"
"AAAAAH!"
. . .
UNEDITED