Chapter 9. Another

1983 Words
P  H  O  E  X  E . . . It felt like I stand so long. But I don't know where I was, realization hits me when I feel the pain in my toes, my aching legs. I didn't notice that I was staring at a long time in darkness. Everything around me is black. Plain black and I feel like Im going to lose my sight if the sight continues. I need some light. Naglakad ako pero hindi ko alam kung paano ako nakakapaglakad dahil pati katawan ko ay hindi ko makita. Nagsimula na akong magpanik sa nakikita ko. Nagulat naman ako nang may biglang nahulog na pulang balahibo sa harapan ko. At ang mas nakakagulat pa ay biglang nawala ang kadiliman. Tall trees, unfamiliar plants were gathered around me. The sunlight barely hit the ground because the trees are blocking it. Bigla nanamang umihip ang hangin at nakita ko na tila may puting sinulid ang tinangay nito. Marami, magkakahiwalay, hindi masyadong mahaba halos kasinghaba lang ng binti ko. Doon ko lang napagtanto na buhok ito mula sa isang tao. Kaya naman nilingon ko ang pinanggalingan ng hangin. Tumalikod ako at ramdam ko ang paglakas ng ihip nito. Nagulat ako ng makita ko ang isang babae na walang buhay. Nakapatong sa malaking bato at nakabaliktad ang ulo nito sa akin. Ngunit nakatihaya siya sa bato na para bang nahulog siya sa langit. Nakita ko ang dugo sa ulo nito atsaka sa bibig, pero wala na akong nakitang iba pang dugo sa kaniya. Ang mas nakakakilabot pa ay nakabukas ang mga mata nito, nakatingin sa direksyon ko. She had a beautiful red curly hair. Heart shape face is really good at her hair. Nagulat naman ako ng maalala ko ang babae, siya 'yung laging nasa panaginip ko na nanghihingi ng tulong. At kapag lumalapit ako ay sasaksakin ako nito. Lumapit ako sa kaniya at hindi ko na maramdaman na buhay pa siya. Pero nagulat ako ng bumuka ang bibig niya "Stay away from me." Pagkasabi niya noon ay para bang may kung anong force ang humila sa akin paabante, napapikit ako ng makita ko na may hawak siyang patalim. Bumaon ang patalim sa aking dibdib at sa sandaling iyon ay dinilat ko ang aking mata. Biglang bumangon at humugot ng malalim na paghinga. Nanginginig ako habang napayakap sa aking sarili. Ramdam ko ang pagbaon ng kutsilyo sa aking dibdib, ramdam ko ang lamig nito na nagbibigay sa akin ng sakit. Nasa kwarto na ako, gising na ako. Pero nararamdaman ko pa rin ang sakit. Hinawakan ko ng madiin ang aking dibdib at nararamdaman ko pa rin doon ang bagay na iyon. Pagkatingin ko wala namang kutsilyong nakabaon dito kaya pinukpok ko gamit ang nakatikom kong kamao ang aking dibdib. Tila ba mas naging masakit ito at dito na ako napasigaw. "AAAAH!" **** Ilang linggo na ang nakalipas nang huli kong makausap si Henry. Lagi naman niya akong tinatanong through text kung may napanaginipan na ba ako, pero sinabi ko na ako mismo ang magsasabi kapag meron na kaya hindi niya na kailangang magtanong araw-araw Naglalakad ako ng mabagal at nakikisabay sa mga estudyante sa paligid ko. Pumunta si Lina sa kwarto ko kanina, akala ko narinig niya ang sigaw ko pero pumunta pala siya para sabihing may pasok na. Hindi kasi ako nagbubukas ng accounts ko sa network kaya wala akong kaalam-alam. Mabuti na lang at sinabi niya. Nakita ko ang pagalala sa kaniyang mga mata ng makita ako. Wala akong ideya kung anong itsura ko noon basta ang mahalaga ay hindi ko na nararamdaman ang sakit non. Ngayon wala pa rin ako sa tuliro dahil hindi pa rin ako makapaniwala sa panaginip ko. Who is she?  Bakit lagi niya akong sinasaksak? At bakit ngayon, ramdam na ramdam ko ang sakit? Bakit pa siya manghihingi ng tulong kung papatayin niya lang din ako? Hindi kaya traydor siya? Nasa loob na ako ng university at alam kong 15 minutes ako ng maaga. Hindi ko rin binibigyang pansin ang mga nasa paligid ko. Natatandaan ko pa naman ang schedule ko kaya hindi ko na kailangang magabala pang tumingin sa notes ko. "Hey," Naglalakad lang ako at hindi pinansin ang narinig ko. Malay ko ba kung hindi ako ang tinatawag. Sa kadami-daming tao dito, maliit ang posibilidad na ako ang tinatawag. "Hoy, bingi ka ba?" nagulat ako ng may humawak sa balikat ko para pigilan ako sa paglalakad. Kumunot ang noo ko sa kanilang dalawa ng makita ko sila sa likuran ko. Dito rin sila nagaaral? What a great timing! Tss. Sinamaan ko naman ng tingin si Arius ng mapagalaman kong tinawag niya ako ng Hoy at sinabihan pa akong bingi. "Anong kailangan niyo?" tanong ko sa kanila. Pakiramdam ko nawawalan ako ng energy kapag nakikita ko sila. "Naiwan mo," sabi naman ni Arius at tinignan ang hawak niya. Tinignan ko ang paper bag na hawak nila, kinuha ko 'yon para tignan kung ano nanamang naiwan ko. I pursed my lips as my sketch pad were on it. Hindi ko naman talaga intensyon na iwan ito o dalhin, hell, ayokong may ibang makakita nito. Pero ang sabi ni Henry kailangan kong gawin 'yon para naman kusang malaman ng kambal kung anong meron ako. I insisted at the first place, like sino ba sila? But in the end, mas nasunod si Henry. Para din naman daw sa akin 'yon, at para rin mabawasan ang galit nila sa akin. "Salamat," I nodded "We've seen your sketch book." sabi ni Sirius sa akin na para bang may ginawa siyang kasalanan. "I know" tamad kong sabi "Wait, can you also read our mind?" Mukhang nalaman na nila ang tungkol kay Henry. Maybe, he doesn't told them what I can do. Wow, may naiwan pa palang sympathy sa kaniya. "No," sagot ko at tinalikuran na sila. Nagsimula na akong maglakad habang nilalagay ko ang sketch book ko sa aking bag. Napansin ko naman na sumusunod sila pero wala akong panahon para makipagsagutan sa kanila. Nakapasok na ako sa Biology class namin at doon ko lang napansin na kaklase ko pala sila dito. Wala pa 'yung proffessor namin kaya maingay pa sa buong klase. Yumuko naman ako sa desk ko at pinilit na inalis sa isip ko ang napanaginipan ko. Hindi pwedeng distracted ako ngayon. Hayss. "Nakita mo ba 'yung itsura nung bangkay sa room 307? Grabe ang brutal. Nasuka nga ako eh." "Heh, nasuka ka? Ako nandiri lang. Balita ko nahirapan silang linisin ang lugar dahil halos kumalat sa buong room ang dugo. Umalingasaw pa daw ito ng matagal." Kaysa isipin ang napanaginipan ko ay nakinig na lang ako sa kwentuhan ng dalawang babae sa likuran ko. "Inabot kasi ng isang araw doon ang dugo dahil hindi pinaalis ng mga pulis. Yuck. Ang dugyot non. Eww." "Hindi pa rin daw iyon nalulutas. Grabe, natatakot tuloy ako pumasok dito. Baka mamaya kaklase natin ang killer!" Napapikit ako ng marinig ko ang usapan nila. Yeah, right. What if kung kaklase ko si Epiales at minamanmanan niya ako. Nakita niya kaya na sinauli nila Arius at Sirius ang bag ko? Magtangka kaya si Epiales na patayin sila? Alam ko naman na kaya nilang ipagtanggol ang sarili nila. Dahil kakaiba sila. **** Natapos ang tatlong subject at lutang pa rin ang isip ko. Hindi ko magawang magfocus sa paligid ko dahil sa iniisip ko. Noong nagbreak ay hindi ako pumunta sa tagong favourite spot ko para matulog. Bumili ako ng mainit na kape para magising ako at madistract ako sa paligid. Umupo ako sa table sa dulo kung saan hindi laging nadadaanan ng mga tao. "Dapat hindi mo pinalagyan ng asukal at cream powder para magising ka talaga." Nagulat naman ako ng biglang may umupo sa tabi ko at nakishare sa table na ginagamit ko. Napatingin ako kay Sirius kaya ngumiti siya sa akin "May we?" Hindi ko na lang siya pinansin. At as usual, kasama niya ang kakambal niya. Napapatingin pa ang iba sa kanila dahil sa magkamukhang-magkamukha talaga sila, at may itsura pa. "Okay na ba yan?" biglaang tanong niya atsaka niya kinain ang burger niya. Mukhang ang tinutukoy niya ang palapulsuhan ko na hinawakan niya ng madiin kahapon. "Are you a steel robot? How come you survive that... fire?" nagtatakang tanong ko para madivert ang usapan sa kaniya. Actually, masakit pa rin ito kapag nahahawakan. Pero hindi ko naman iyon iniinda. Natawa naman siya ng marinig niya ang sinabi ko, "I don't really know. It's still a mystery to me. Noong bata pa ako, hindi pa ako nagkakasugat at kahit anong gawin ko ay walang nangyayari. I think it's an illusion from my skin. Right now, I can still feel the burnt in my body. Although I look okay, my flesh is burning behind this skin." Napatitig naman ako sa sinabi niya. Hindi ako nakasagot. Is it really possible? "It's funny when he said that his knees are bleeding, even though there's only dirt on them. He even cried out loud when Mom washed his knees." natatawang sabi ni Arius pero medyo humina noong mabanggit niya ang magulang nila. "So you can saw your own wound but we can't see them?" gulat kong tanong. At napatingin ako sa katawan niya na napakakinis at wala man lang bahid ng sugat. "Yeah," whoah, that's painful! Ibig sabihin ngayon nakikita niya ang sunog na balat ng katawan niya? Bigla naman akong kinilabutan ng maimagine ko iyon. Tinitigan ko lang ang itsura niya at mukhng okay na okay lang talaga siya. "How can you handle the pain?" tanong ko at nakita ko naman siyang tipid na ngumingiti. Nakita ko siyang nagwince ng gawin niya iyon kaya naman napakunot ang noo ko. "I trained myself not to think or feel about them. It will just make it worse. To do that, I don't look at my body, I'll ignore the pain." sabi naman niya at ngumiti pero this time ay confidence na ang nakikita ko sa mata niya. Napaisip tuloy ako bigla kung bakit meron silang kakayahang gawin iyon. Hindi kaya dahil sa magulang nila? O pinapasa-pasa ba iyon o ano? Magtatanong na sana ako kung meron ding kakaiba sa magulang nila pero napansin ko na ayaw nilang ungkatin ang topic kapag tungkol sa magulang nila. Naramdaman ko ang pagtaas ng tension ng sandaling sabihin ni Arius ang salitang 'Mom' sa kanilang dalawa. "I saw her, the one who killed our parents." "She still have those red hair like it's natural." Bahagyang nanlaki ang mata ko sa naisip ko. Hindi kaya may kinalaman sila sa babaeng nasa panaginip ko?Kaya naman tumingin ako kay Arius. Napansin naman nya ang biglang pagbago ng expression ko kaya kumunot ang noo niya. "Where did you saw her?" "What?" "That girl with red hair." Nakita ko na biglang nagdilim ang mata niya ng banggitin ko iyon. Naghintay ako ng sagot sa kanila pero mukhang buo na ang desisyon nila. "That's none of your bussiness." sagot ni Arius Nagpakawala ako ng isang malalim na hininga atsaka pinaningkitan siya. Nagisip ako ng ibang paraan kung paano ko ipapaliwanag sa kanila iyon kaya naman nilabas ko ang aking sketch book at drinawing ang nakita ko sa panaginip ko. Imbes na babaeng nakahiga sa bato ang drinawing ko. Drinawing ko ang itsura nung babaeng nakita ko. Perfect face shape, mischievous eyes, pointed nose, thick lips, red curly long hair. Napakunot naman ang noo ko ng hindi ko na matandaan kung anong itsura ng damit nito. Masyado akong nagfocus sa kaniyang mukha at buhok, hindi ko natandaan kung anong sinuot nito. Tinignan lang nila akong magdrawing doon at mas lalo kong naramdaman ang pagtaas ng tension sa paligid namin. "Kilala mo siya?" seryosong tanong ni Sirius. Napatingin ako sa kanilang dalawa at nakatitig lang sila sa babaeng ginuhit ko. Hindi ko binasa ang expression nila kaya kinabahan ako. "I didn't know her. I just dreamed about her ....attacking me." papahina kong sabi. Bigla ko nanaman naalala ang sakit sa aking dibdib kaya naman umiling ako para hindi ko ito maramdaman ulit. "Tell me, why did you sketch those view? Did you get that in your dreams?" nakakunot noong tanong ni Arius. Tinignan nga nila ang laman ng aking sketch book. Sa una ay nagdalawang isip pa ako pero humugot muna ako ng malalim na hinga bago ko sila sinagot. "I can see my nightmares in real life. I did see you burning and fall from the top."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD