21 Malia Dahan dahan akong lumabas ng kuwarto at paglabas ‘ko ay lumingon lingon ako sa buong paligid. Aba! Himala yata na agad agad eh wala na si Rina at Matteo dito. Oo, it’s been three days since Matteo and even stayed in her. Tatlo ang kuwarto sa unit ko. Kuwarto ko, kuwarto ni Sabrina at guest room. Doon na tutulog si Rina sa kuwarto ni Sabrina habang si Matteo naman ay sa guest room. Simula nung nagkasakit ako ay aba itong si Sabrina, paladesisyon ang batang ‘to at sinabi niya kay Matteo na puwede daw siya mag-stay dito for days. Hindi naman ako makatanggi kasi nakakahiya! Nakakahiya talaga kasi pinag-stay niya dito si Matteo para paglutuin at tulungan siya sa gawaing bahay na hindi ko nga magawa dahil may sakit ako. Ultimo laundry ko ay nagawa na yata nilang tatlo eh. Pangatl

