20 Matteo Nandito ako ngayon sa tapat ng unit ni Malia, hindi na naman kasi siya pumasok today dahil may sakit raw kasi kaya ito, dinalaw ko siya para dalhan siya ng prutasat kamustahin ang lagay niya. Pagbukas ng unit ni Malia ay si Sabrina ang bumungad sa’kin. “Tito Matteo!” Magiliw na bati ni Sabrina nung pinagbuksan niya ako ng pintuan. “Where’s your Mama?” Magiliw ko rin tanong sa kaniya at biglang nagbago ang ekspresyon ng mukha niya at sumimangot ito. “She’s sick po, Tito.” Sambit niya tapos ay hinila ako papasok sa loob at pagpasok ko sa loob ay nakita komg medyo makalat ang unit nila kaya napalingon ako kay Sabrina na dumiretso sa kitchen counter after namin makapasok sa loob. “Tito Matt, mama is inside her room and she is resting, can you help me cook lunch for her and

