Nauuna sa paglalakad sina Nitz at Cory, kasunod ang Papa ni Fin, dahil kabisado nila ang lugar. Nasa hulihan sina Delfin at Rain para bantayan ang dalawang batang Mago at si Dylan. Napatigil sina Fin at Franz sa paglalakad. Napakainit ang nararamdaman ni Fin, samantalang sobrang lamig ang kay Franz, pero pareho ang epekto, sobra silang napapaso. "T-Tita!' Hiyaw ni Fin. "Mama!" Tawag ni Franz sa ina. Napatakbo pabalik ang magkapatid na Mago. "A-ano'ng nangyayari sa inyo?" Pag-aalala ang rumehistro sa mukha ni Cory. Napaluhod ang dalawa sa sobrang sakit ng nararamdaman. Nilapitan ni Arnulfo ang anak. "Mukhang ang kapangyarihan nila ang nagwawala sa loob nila. Sa sobrang tagal na nakatago, nagpupumilit kumawala." Ramdam niya ang kapangyarihang nagpupumiglas sa dalawang bata. "Mama! Aa

