Sa kabilang banda, masayang masaya ang mga magulang ni Miguel nang makita siyang pumapasok sa pintuan. Pagkatapos kasi ng dalawang linggo sa wakas ay dumalaw na rin siya.
"Anak, pakidalasan mo naman ang pag-uwi rito," himig na nagtatampong wika ni Aling Nelly.
"Sobrang busy lang, Ma nitong nakaraan. Actually, katatapos lang po kahapon ng pictorials sa bago kong kliyente," paliwag ng binata.
"Big time na ang anak mo, Nelly kaya palagi na 'yang busy," pagtatanggol naman ng ama niyang si Mang Jun. "Huwag mong pansinin ang Mama mo, anak," sabi pa nito sabay tapik sa balikat niya.
"Kahit big time, syempre na-mimiss ko rin ang anak ko. Nag-iisang lalaki lang natin iyan. Saka si Debbie madalas ding hindi umuuwi rito. Pareho na kayong busy at wala ng time sa amin ng ama mo," malungkot na sabi ng kaniyang ina.
"Babawi ako, Ma. Kaya nga nandito ako, eh. Pipilitin ko po sa mga susunod na linggo eh, dadalasan ko na ang pagbisita sa inyo," aniya sa ina. Lumapit siya at niyakap ito.
"Biglang lambing naman, anak. Palagi ko nang hahanapin ang yakap mong iyan," nakangiti nang sabi nito sa kaniya.
"Ayan, Mama! O, 'di ba ang ganda niyo pag nakangiti? Tingnan mo Pa, lalong gumanda si Mama noh?" tanong niya sa ama ngunit tumawa lang ito.
"Naku, tigilan niyo nga akong mag-ama. Puro pambobola na naman ang sasabihin niyo sa akin," wika nito sa kaniya.
"Kailan ko po ba kayo binola, Mama? Nagsasabi po ako ng totoo. Hindi ba sabi niyo pogi ako? Syempre sa inyo ako nagmana," aniya pa sa kaniyang ina.
"Eh, alangan namang sa kapitbahay ka magmana ng kaguwapuhan, anak. Maganda ako at guwapo rin ang Papa mo syempre guwapo at maganda rin ang kalalabasan," natatawang wika ni Aling Nelly.
"Ay sus! Dinamay mo pa ako sa kalokohan niyong iyan," natatawa ring sabi ng kaniyang ama.
"Tama na nga itong biruan natin. Basta, anak ang payo ko sa'yo kahit gaano ka pa ka-busy eh, dumalaw ka rin dito para makakain ka naman ng mga lutong bahay. Baka kasi puro bili at instant na lang ang kinakain mo. Masama rin iyan sa iyong katawan," paalaala nito sa kaniya.
"Opo, Ma!" nakangiting tugon niya rito.
"O siya, mauna na kaming matutulog ha? Maaga pa kami gigising bukas at' di ko na rin talaga kinakaya ang pagpupuyat," pahayag ng ina.
"Okay po, Ma. Magpapahinga na rin po ako," sagot ng binata.
Pagkapasok ni Miguel sa kaniyang kuwarto ay biglang tumunog ang kaniyang cellphone.
"Hello?" sagot niya.
"Hello, Miguel si Roxan ito," wika ng nasa kabilang linya.
"Oh, Rox napatawag ka?" tanong ng binata.
"We're planning kasi na mag-outing sa Batangas. May beach resort doon ang family ni Greg, (boyfriend ni Roxan) kasama sila Tala, Grace, Paolo at Scarlet. Sasama rin si Erin, iyong kaibigan ni Scarlet. Saka si Debbie pumayag na rin siya," sabi nito.
"Sure! Count me in. Text me kung kailan para maayos ang schedule ko," tugon niya rito.
"This weekend na. Aalis tayo Friday ng gabi until Sunday tayo roon," wika ni Roxan.
"Deal!" maiksing sagot ng binata.
"Maybe it's time," aniya sa sarili habang nakangiti na para bang may masamang binabalak. "See you there, Scarlet!" dagdag pa niya.
Biyernes ng hapon, araw kung saan napag kasunduan nilang mag-outing sa Batangas. Handa na ang mga dadalhin nila Scarlet at Erin. Inaantay na lamang nila ang kanilang sasakyan.
"Wala na ba tayong nakalimutan?" tanong niya kay Erin.
"Wala na. Andiyan na lahat ng mga kailanganin mo sa bag," sagot nito sa kaniya.
"Okay, thanks," wika niya habang binabasa ang text ni Roxan.
"What?" reaksiyon niya sabay napatayo pagkatapos itong basahin.
"Oh, bakit?" tanong ni Erin na nagulat din sa naging reaksiyon niya.
"Kay Miguel ako sasabay?" tanong niya habang nakatingin pa rin sa kaniyang cellphone.
"Bakit daw kay Miguel ka sasabay?" tanong ni Erin sa kaniya na hindi rin makapaniwala sa kaniyang tinuran. "Paano ako?" muling tanong nito.
"Kay Roxan ka raw sasabay kasama si Debbie. Kotse ng boyfriend niya ang gagamitin. The rest didiretso na raw sa resort kaya wala na ako ibang masasabayan maliban kay Miguel," sagot niya.
"If you want, ako na lang ang sasabay kay Miguel. Pabor sa akin iyon," wika ni Erin na todo ang ngiti na tila ba may ibang iniisip.
"It's okay! Ayokong isipin nila na affected pa rin ako sa presence niya. Kaya sa kanila ka na sumabay," tugon niya sa kaibigan.
"So, hindi ka nga ba affected?" may panunuksong tanong uli ni Erin.
"The truth is, i’m still not comfortable with him but I have to face it, Erin. Ayokong bumalik sa New York na mayroong unsettled issue pa rin between us," sagot niya sa kaibigan sa kabila ng hindi pa rin naman niya alam kung papaano haharapin si Miguel ng mag-isa.
"Goodluck friend, fighting!" turan ni Erin habang dinadampot na nito ang kaniyang bag. Nakita na kasi nito ang sasakyan nila Roxan. Lumabas din siya ng gate upang lumapit sa kaibigan.
"Scarlet, are you okay with Miguel naman 'di ba?" tanong nito sa kaniya na tila nag-aalala rin.
"Yeah! Okay lang naman ako. Don't worry," nakangiting sagot niya rito.
"May mga sakay din kasi siyang gamit kaya masikip na pag sumabay pa sa inyo si Erin," paliwanag pa nito.
"Don't worry, Rox. I'm fine with it," aniya rito.
"Paparating na siya. Mauna na kami, ha? Dadaanan pa kasi namin si Debbie sa coffee shop niya," wika ni Roxan.
"Okay, I'll just wait for him," tugon naman niya rito.
Inilagay na ni Erin ang bag nito sa trunk ng kotse at lumapit ito sa kaniya.
"Sorry sis, pero 'wag masyadong emosyonal, ha?Tandaan mo 'yung mga sinabi ko, huh?" pabulong na bilin nito sa kaniya.
"Bye! See you both there," tugon nito at sumakay na ito ng kotse.
"Bye, see you later. Ingat kayo!" aniya sabay kaway sa mga ito.
Pumasok uli siya sa gate pagkaalis ng mga ito. Umupo siya uli sa veranda habang hinihintay si Miguel. Panay pa nga ang buntong-hininga niya. Pagkalipas lang ng sampung minuto ay dumating na si Miguel. Lumabas na siya dala ang kaniyang bag pagkatapos niyang magpaalam sa kaniyang Uncle George. Bumaba ng kotse si Miguel at bumati ito sa kaniya.
"Hi! Kanina ka pa ba naghihintay?" casual na tanong nito sa kaniya.
"Hello! Mga ten minutes pa lang naman," tila nahihiyang sagot niya.
"Give me your bag at mukhang mabigat 'yan," wika ng binata sabay kuha nito sa kaniya. Nag dikit ang kanilang mga kamay at biglang uminit ang pakiramdam ng dalaga.
"Umayos ka nga, Scarlet. Tandaan mo, ex mo na 'yang tao," wika niya sa kaniyang isipan.
Pilit niyang pinakakalma ang sarili at kaagad naman iyong napansin ni Miguel. Napangiti pa si Miguel nang mapansin na tila ba balisa si Scarlet. Kung alam lang nito ang kaniyang iniisip.
"Are you okay?" kunwaring concern na tanong niya rito.
"Yeah, I'm okay," maiksing tugon nito sa kaniya.
"Sakay ka na at baka gabihin pa tayo ng husto sa daan," aniya rito.
Sumakay na si Scarlet sa kotse at sumunod na rin si Miguel. Pinaandar na nito ang kotse at umalis na sila. Tahimik nilang binabagtas ang daan nang biglang nagsalita ang binata.
"You want me to turn on the radio?" narinig niyang tanong ni Miguel sa kaniya.
"It's okay, sure!" sagot niya rito na sa kalsada lang nakatingin.
"Guess it's true, I'm not good at a one-night stand
But I still need love 'cause I'm just a man
These nights never seem to go to plan
I don't want you to leave, will you hold my hand?
Bigla siyang napatingin kay Miguel nang marinig ang kanta ni Sam Smith. Ito kasi ang palaging kinakanta ni Miguel sa kaniya noon.
Oh, won't you stay with me?
'Cause you're all I need
This ain't love, it's clear to see
But, darling, stay with me
"s**t!" wika ni Miguel sabay hampas ng kamay sa manibela. Pinatay na nito ang radyo at tumingin sa kaniya.
"It's not good, right? You can sleep if you want. Medyo matatagalan pa ang biyahe natin sa sobrang traffic," sabi nito na biglang sumeryoso ang mukha.
"I'm okay! 'Di pa naman ako inaantok," sabi niya rito. At muli na naman silang binalot ng katahimikan.
Mahigit apat na oras na silang nasa biyahe. Tahimik pa rin silang dalawa na tila ba nagpapakiramdaman kung sino ang unang magsasalita. Hindi na matiis ni Scarlet ang katahimikan.
"I'm sorry for everything," saad niya na halos sarili lang niya ang nakarinig.
Ngunit para bang walang narinig si Miguel. Patuloy pa rin ito sa pagmamaneho. Kaya hindi na niya itinuloy ang nais pa sana niyang sasabihin.
Hatinggabi na ng marating nila ang resort. Nandoon na lahat nilang kasama at kasalukuyang nagkukwentuhan sa labas ng rest house ng pamilya ni Greg, na boyfriend ni Roxan. Pagkakita sa kanila ay lumapit ang mga ito maliban kay Debbie.
"Scarlet, we miss you!" sabay na wika nila Tala, Grace at Paolo at yumakap sa kaniya. Tulad ni Roxan, naging kaklase niya rin ang mga ito mula elementary hanggang high school.
"I miss you all, too," masayang bati rin niya. Totoong na-miss niya ang mga ito.
"Ikaw ha, mula ng maging sikat ka nakalimutan mo na kami," himig nagtatampong wika ni Grace.
"Oo nga!" sabay na pag sang-ayon nina Tala at Paolo.
"Sorry guys, sorry talaga," naiiyak na sabi niya. "If I could turn back the time, sana I did my best not to loose my contacts with you," saad niya. At nagka-iyakan na sila. Nakisali na rin si Roxan sa dramahang nagaganap.
"Hey, that's enough! Ang drama na natin. Pumasok na tayo at ng makapag pahinga ang ating super model friend na si Scarlet," wika ni Paolo na todo iwas na maluha.
"Oo nga, nakakapagod kaya ang tagal ng biyahe. Dagdagan pa ng matinding traffic," maktol ni Grace.
Habang papasok na sila sa loob ng villa ay napansin ni Scarlet si Debbie na nakaupo. Tumitingin ito sa kaniyang cellphone na tila ba hindi siya nito nakikita. Nagsipasok na ang lahat para mabigyan sila ng pagkakataong makapag-usap. Lumapit siya rito at umupo sa silyang katabi.
"Debbie, I miss you, too!" wika niya sa kaibigan. Hinawakan niya ang isang kamay nito. "I'm so sorry for everything," umiiyak na wika niya.
Tumingin sa kaniya si Debbie.
"Sorry? Sorry? Magagamot ba ng sorry mo 'yung pain na idinulot mo sa akin, lalo na kay Kuya?" galit na wika sa kaniya ni Debbie. "I might forgive you, Scarlet but, how can I forget?" patuloy pa nito sabay taas ng isang kilay.
"I will explain, Deb. Please listen to me," pagsusumamong wika niya sa kaibigan.
"Mauunawaan na sana kita eh, kaso itinago mo sa akin ang lahat ng plano mo. Pwede namang kinausap mo ako at sinabi lahat atleast natulungan pa sana kitang magpaliwanag kay Kuya. Pero naging selfish ka. Pinili mong sarilinin ang lahat, anu pa't bestfriend mo ako?" panunumbat nito sa kaniya.
"I was scared that time. Pinilit kong sabihin kaagad sa inyo ni Miguel pero naduwag ako. Natakot ako na baka hindi niyo ako maintindihan," paliwanag niya.
"Kailan ba kita hindi inunawa, ha? Lahat ng naging problema mo, naging problema ko rin. Lahat ng iniyakan mo, iniyakan ko rin. Maging sa panahong nangulila ka, gano'n din ang naramdaman ko. Sana nagtiwala ka sa akin. Hindi yung magugulat nalang kami, biglang aalis ka na," wika ni Debbie na 'di na rin kayang pigilan ang pagtulo nang mga luha. Tumayo ito at tumalikod kay Scarlet upang mapunasan ang kaniyang mga luha.
Tumayo na rin si Scarlet. Lumapit kay Debbie at niyakap ang nakatalikod na kaibigan.
"I'm sorry, Deb! Please forgive me. Miss na miss ko na ang best friend ko. Kung 'di mo ako kayang patawarin for now kahit kausapin mo lang ako. Titigan sa mga mata at makita ko man lang na ngumingiti ka sa akin. Masaya na ako riyan," sabi niya rito.
Tinanggal ni Debbie ang kaniyang mga kamay mula sa pagkakayakap niya sa beywang nito. Humarap ito sa kaniya.
"Okay, that's all I can give you for now. I hope you too can understand my feelings. Pumasok na tayo at ng makapagpahinga,"turan ni Debbie sa kaniya sabay talikod at pumasok na sa loob ng tinutuluyan nilang Villa.
"Thank you, Debbie!" aniya rito habang pinupunasan din ang mga luha sa kaniyang mga mata.