“BAKA magkaroon ka ng pulmonya,” biro pa ni Janicah kay Ezekiel na agad itong binabalan ng blanket. Nakasuot lang kasi ito ng boxer short at walang kahit na anong nakasuot sa pang-itaas nito. “Hindi ka ba magdadamit?” sita pa niya sa asawa nang humilata na ito ng higa sa kanilang kama. Umiling ito. “No need.” Salubong ang kilay na naupo siya sa gilid ng kama. “Bakit hindi?” Bago sumagot si Ezekiel ay hinila pa siya nito sa kaniyang kamay. Dahilan para mapahiga siya sa tabi nito. “Aanhin ko pa ba ‘yong damit kung ikaw lang din ‘yong magpapainit ng gabi ko?” banat pa nito na ikinatawa ni Janicah. “Wow, may paganoon si Mayor,” litanya pa niya. “Wala pa namang two-weeks para magladlad ka na ng katawan mo sa harap ko.” “Magkatabi na tayong tutulog.” Maang na pinagmasdan ni Janicah si Eze

