Chapter 90

2238 Words

HUMIGPIT ang kapit ni Janicah sa kamay ni Ezekiel. “Hubby,” aniya na bahagyang inilapit ang mukha rito. Nang mga sandaling iyon ay nasa harap sila ng hapagkainan para kumain ng almusal. At ang daing na tuyo ay hindi kaaya-aya ang amoy para sa kaniya nang ilapag iyon sa mismong harapan niya ng isang kawaksi. “Ayaw ko ng amoy ng tuyo.” Napalunok siya. Bigla ay parang nanlamig ang kaniyang pakiramdam. Napasulyap naman si Ezekiel sa nakahaing tuyo at agad na inilipat sa bandang dulo para malayo sa kaniya. “Amoy mo pa?” Unti-unti nang lumuwag ang pagkakahawak niya sa kamay nito at marahang umiling. Iniwasan din niyang tingnan ang kinaroroonan ng daing na tuyo. Paborito naman niya iyon ngunit hindi niya gusto ang amoy niyon ngayong nagdadalang tao siya. Pasalamat siya at hindi naman nakahalat

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD