“WIFE, ano ba? Kumain lang naman ako ng mangga na may bagoong pero daig ko pa ang may nakadidiring sakit kung iwasan mo,” hindi na napigilan pang reklamo ni Ezekiel nang corner-in nito si Janicah sa may walk-in closet nila. Umatras si Janicah palayo kay Ezekiel. “Hubby, nakikita lang kita pero daig ko pa ‘yong parang naaamoy ko pa rin ‘yong amoy ng bagoong na kinain mo.” Hindi niya alam kung bakit ganoon pero ganoon ang kaniyang pakiramdam. Naaalala niya iyong amoy ng bagoong makita lang niya ang mukha ni Ezekiel. “Kahit amoyin mo ako, wala ka ng maaamoy sa akin na bagoong,” assurance pa nito sa kaniya. “Iniisip tuloy ni Papa na may hindi tayo pagkakaunawaan dahil kita niya na iniiwasan mo ako.” Napabuntong-hininga siya. “Bigyan mo ako ng hanggang bukas, hubby.” “One day is too much fo

