Chapter 79

2530 Words

“S-SANDALI,” bulalas ni Janicah bago muling ipinikit ang mga mata. Sa pagkakataon na iyon ay nagbilang naman siya ng isa hanggang sampu sa kaniyang isipan bago muling nagmulat ng mga mata. Pero hayon pa rin ang magandang beach house na dalawang palapag ang taas. Ikinurap niya ang mga mata. Pagkuwan ay muling inilibot ang tingin sa paligid na kay rami ring halaman na kay gaganda. Natutop niya ang bibig dahil hindi siya makapaniwala sa kagandahang nakikita sa private beach resort nina Ezekiel. Parang hindi niya ma-imagine na doon nakatayo ang dating beach house na abandonado. Na kinatatakutan niyang tingnan dahil baka may sumilip na multo. Kay ganda ng bagong gawa na beach house. May American touch ang buong labas ng bahay na yari sa mga magagandang klase ng kahoy. May malawak na veranda

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD