NANG magising si Janicah mula sa pagkakatulog nang hapon na iyon ay nagisnan niya na wala na sa tabi niya ang kaniyang asawa. Kanina kasi matapos nilang kumain ng tanghalian sa may kubo sa tabing dagat ay kapwa sila nagsiyesta matapos makapagpababa ng kinain. Siguro ay naunang magising sa kaniya si Ezekiel. Hindi na niya ginawa pang big deal ang pagkawala ng kaniyang asawa sa tabi niya. Hinayon muna niya sandali ang banyo para ayusin ang sarili bago tuluyang bumaba sa unang palapag ng beach house. Bumilis ang bawat hakbang niya pababa sa may hagdanan nang makarinig ng mga tawanan na nagmumula sa labas ng bahay. Ganoon na lamang ang pagkasurpresa ni Janicah nang makita sa may veranda ang pamilya nila ni Ezekiel. Sa may veranda ay nagkukuwentuhan ang kaniyang mga magulang at magulang ni

