SAM's P.O.V
Lumipas na ang ilang buwan, natuyo na ang mga luha, ngunit sa puso't isipan ko'y hindi padin sya nawawala.
Alam ko kung bakit mas pinili nyang lumayo. Tama ang ginawa nya pero bakit ang sakit ng tama? Bakit parang may mali? May sugat na hindi gumagaling?
Mga ala-alang hindi ko kayang ilibing.
Gusto kong malaman kung kamusta na sya. Kung masaya na ba sya kahit wala kami sa piling nya. Gusto kong malaman manlang ang kalagayan nya ngunit pinutol na nya ang lahat ng contact namin sakanya. Kaya nag hire ako ng private detective para hanapin si Isay sa Cebu para sa ikagagaan ng loob ko. Hindi ito alam ni Jasmine dahil ayokong makitang masaktan sya sa oras na puntahan nya si Isay at sakaling ipagtabuyan lang sya nito.
Ayoko na muling masaktan ang anak ko.
Masaya ako para kay Jasmine ngayon, dahil nakikita kong unti-unti ng bumabalik ang mga ngiti nya. Salamat sa kaibigan niyang si Rocel na nuon pa man ay hindi sya pinapabayaan.
Naghahanda na ako ng almusal sa hapag kainan ng marinig ko na ang boses ng dalawa mula sa kwarto. Kahit kailan talaga, ang dalawang iyon ay napakagulo kapag magkasama. Napangiti nalang ako habang nagpapalaman ng keso sa pan de sal.
* * *
ROCEL's P.O.V
"Rocel. . ."
Kagagaling ko lang sa c.r ng kwarto ni Jasmine ng marinig ko syang tinawag ang pangalan ko habang natutulog, kaya nilapitan ko sya at pinagmasdan.
"Ang ganda mo pala sa malapitan." Bigla ko nalang nasabi.
Buti nalang at tulog parin sya, tulo laway pa yata. Maya-maya ay muli nanaman nyang sinambit ang pangalan ko.
"Rocel. . ."
"Pre bakit?" Niyugyog ko na ang balikat niya para magising, baka kasi binabangungot na pala 'to eh.
Pag mulat ng mga mata nya ay nanlaki ito na tila ba nakakita ng panget, namula ang buong mukha sabay talukbong ng kumot.
"Uyy! Pre! Ok ka lang ba?" Hinawakan ko sya.
"Wag mo kong hawakan!" Ani Jasmine.
"Luh, problema mo?" Muli ko syang kinalabit.
"Sabi na ngang wag mo kong hawakan eh!" Bulalas nya sakin sabay tanggal ng kumot.
Pulang-pula ang mukha nya at hindi makatingin ng diretso sakin.
"Okay-okay, hindi na kita hahawakan." Sabi ko na nakataas ang mga kamay bilang senyales ng pagsuko.
"S-Sorry." Aniya. "Bad dream."
"Akala ko tuluyan ka ng naloka eh. Haaay!" Napailing nalang ako. "Si Isay nanaman ba? Tangina pre, move on!" Naiinis kong sabi sakanya.
T*ngina talaga yang Isay na yan eh. Jinowa 'tong pare ko tapos biglang iniwan. Kinupkop na nga, bigla pa silang nilayasan ng hindi manlang nagpaalam sa personal! Ang sarap ipa-salvage! Naku-naku!
"Sinamahan kitang magpakalango sa Milo at pom poms kagabi kaysa makipag-inuman at pumapak ng sisig kina Hunter para malimot mo na yang si Isay na yan! Tapos ang ending, sya parin laman nyang isip mo!" Binuksan ko na ang pinto ng kwarto nya "Yaw ko na sa Earth!" sabi ko sabay walk out.
Pero syempre drama lang yun ng lola nyo (kahit na half-meant.) Pumunta na ako sa dinning area nila. Naabutan ko si Tita Sam na tapos ng maghanda ng almusal.
"Good Morning Tita! Huwaw! Mukhang masarap yan ah!" Agad akong umupo sa bilog nilang mesa.
"Abay syempre naman. Oh, 'nak. Maupo ka na din at mag almusal." Aniya ng makitang lumabas nadin ng kwarto si Jasmine kasunod ko.
Kumakain na kami ng almusal ng mapansin kong tumitingin sakin si Jasmine pero pag tiningnan ko sya ay mag aalis naman siya ng tingin. Kaya inabangan ko yung tingin nya.
Huli.
Kinindatan ko sya na ikinakunot naman ng noo nya. Saktong tayo naman ni Tita, may kukunin sa kusina.
"Gwapo ko noh?" Kapal mukhang sabi ko kay Jasmine habang ngumunguya ng pan de sal.
"Eww~ San banda?" Aniya na inirapan pa ako.
"Banda dito." Nag pogi sign ako with my killer smile.
Natawa naman si Jasmine sabay iling. "Lakas talaga ng amats ng Milo sayo." Aniya.
"Mas malakas tama ko sayo." Bulong ko.
"Ano?" Tanong nya.
"Sabi ko maganda ka! Masaya ka na?" Biro ko sakanya.
"I know right!" Confident nyang sagot.
"Wew nemen, Ebe den eh!" Ginulo ko buhok nya.
* * *
JASMINE's P.O.V
Napanaginipan ko si Rocel na nag make-out daw kami kaya laking gulat ko na mukha nya ang bumungad sakin sa pag gising ko.
Hanggang ngayon kinikilabutan padin ako sa tuwing naaalala ko ang malaswang panaginip na yon. Imagine, ako at si Rocel?
Bangungot talaga! Fvck!
Inayos ko ang buhok kong ginulo ni Rocel. Ewan ko ba kung bakit naiilang na ako ng ginawa nya yun, dati naman hindi. Epekto siguro ng bad dream ko.
*phone ringing*
Kinuha ni Rocel ang phone nya pero ng nakita ang tumatawag ay napa-Tangina nalang sya at hindi sinagot ang call.
"Sino yon?" Tanong ko.
"Ah wala, si Misha." Aniya at kumuha ng toothpick.
"Misha? Yung cheerleader sa kabilang University?" Tanong ko sakanya.
"Oo yun nga." Sabi nya habang nilalaro ang toothpick sa bibig nya.
"Don't tell me na. . ." Siningkitan ko sya ng mata.
"Tumpak." Sagot agad ni Rocel. "Kinukulit nga ako, hanggat wala pa daw akong bagong babae hindi daw nya ako titigilan."
Napa-facepalm nalang ako. "Karma is a b***h! Kaya pala ayaw mong pumunta kina Hunter kagabi! Dahil alam ni Misha ang bahay ni Hunter!" Sabi ko.
"Tumpak ulit." Aniya.
"Pre naman! Tama na yang panghahawa mo ng katibuan sa mga straight na babae." Pakiusap ko sakanya.
"For your info, hindi nakakahawa ang pagiging tibo. Pangalawa, kahit magka-experience ka pa sa tibo, kung straight kang babae. Straight ka." Paliwanag ni Rocel.
"Pero mako-confused lang sila sa ginagawa mo." Katwiran ko.
"Confused na mga utak nila una palang, kaya nga nila ako nilalapitan." Nakangiti nyang sabi.
"At bakit ka naman nila lalapitan aber?"
"Dahil minsan nasa mga daliri at dila ko ang kasagutan nila." Kumindat pa sya.
"Wow. So anong kasagutang nakuha ni Misha dyan at kinukulit ka?" Tanong ko sakanya.
"Ayun, bisexual daw sya at hindi daw sya papayag na walang kami. Ipipilit nya daw sarili nya sakin hahaha!" Natatawang sagot ni Rocel.
"Saya mo ah. Baka magka-STD or AIDS ka dahil dyan sa pambababae mo." Sabi ko nalang.
"Grabe yon! Nagpapacheck-up ako every year. Clean ako noh." Aniya.
Bago umuwi si Rocel ay naisipan muna naming daanan ang kaibigan naming si Hunter na hard butch, kilos lalake, damit lalake, gupit lalake. Dati namin syang classmate na nag drop-out dahil mas gusto nitong mag focus sa tattoo business nila ng pinsan nya.
"Pre!" Bungad namin kay Hunter.
Agad namang sumilay ang ngiti nito ng makita kami, nag fist bump pa sila ni Rocel. Mas close si Hunter kay Rocel dahil nasasama nya ito minsan sa mga kalokohan at inuman session niya. Hindi katulad ko na walang hilig sa bisyo.
"Pucha pre yung isang chix mo hinahanap ka dito kagabi." Ani Hunter. "Sabi ko nga wag ka ng hanapin, ako nalang. Lalong nagalit! Nilait-lait ako grabeh!"
Tawanan kami ni Rocel sa pagkukwento ni Hunter.
"Pasalamat sya babae sya kundi naku! Bibigwasan ko talaga yun! Kala mo kung sinong perpekto! Tapos - "
Biglang nahinto si Hunter sa pagkukwento nya at tila ba nakakita ng multo sa likuran namin ni Rocel.
Paglingon ko sa likod namin ay nakita ko si Misha na papalapit na sa amin.
"I knew it Baby! Dito lang kita mahahanap!" Ani Misha.
Baby? Yuck. Hindi ko alam kung matatawa o masusuka ako sa tawag nya kay Rocel.
"Tang ina!" Naibulalas nalang ni Rocel ng makita si Misha.
"Pre Sorry." Wika ni Rocel na hindi ko maintindihan kung para saan.
Nagulat nalang ako ng bigla nya akong hinawakan sa pisngi at hinalikan.
At tumigil ang mundo. . .