Kabanata XII

1543 Words
JASMINE's P.O.V At tumigil ang mundo. . . Nagwala ang mga paru-paro sa sikmura ko, at hindi mabilang na boltahe ng kuryente ang kumiliti ng puso ko ng idikit ni Rocel ang labi nya sa labi ko. Wala akong nagawa dala ng labis na pagkabigla. Napaupo nalang ako matapos nya akong halikan. "Oh My Gawd! Fvck you Rocel! Magsama kayo ng babae mo! You fvcking cheater! Asshole!" narinig kong sabi ni Misha bago ito mag walk out. "Ha! ha! ha! Go! Ipagkalat mo pa! Tang*na never naging tayo!" pang-aasar ni Rocel kay Misha na nasa malayo na. Dun lang ako bumalik sa ulirat, pinunasan ko ang labi ko at tiningnan ng masama si Rocel. "Fvck! Kadiri kaaa!" Sigaw ko sakanya na halos labasan na ako ng ugat sa leeg. Tawa naman ng tawa si Hunter. "Ang hot nun ah. Pang-aasar pa nito. "Relax! Ano ba! Wala lang 'yon! Para hindi na ako guluhin ni Misha! Kita mo naman effective." Paliwanag ni Rocel. "Aah! Kahit naaa! Pweh!" Dumura ako. "Bakit ako?! Fvck naman Rocelyn!" Inis ko padin na pagrereklamo. "Eh sino? Alanganaman si Hunter laplapin ko? Tangina mas kadiri naman yun!" Aniya. "Pucha wag nyo kong dinadamay dyan!" Protesta ni Hunter. Humupa din ang gulo sa nangyareng iyon. Nakauwi na si Rocel sa bahay nila at naglalakad na din ako pauwi ng matanaw ko si Mama na may kausap na lalakeng naka-black jacket at cap sa harap ng gate namin. Bago pa ako makalapit sakanila ay naka-alis na yung lalake. "Ma sino yun?" Tanong ko kay Mama ng abutan ko sya sa gate. "Ah w-wala, nagtanong lang ng direksyon yun." Aniya. * * * SAM's P.O.V Mabuti nalang at hindi ako pinaghinalaan ni Jasmine kanina ng makita akong kausap ang private detective na kinuha ko. "Sa susunod sa ibang lugar nalang tayo mag-usap." Text ko sa private detective. Napag-alaman kong wala daw sa Cebu si Isay. Lalo akong nabahala sa impormasyon na nakuha ko, pero sabi nya na iche-check nya ulit ito para masiguro. Diyos ko Isay nasaan ka na ba? Ikamamatay ko yata kapag may nangyaring masama sa'yo. Nagtutupi ako ng damit sa sala habang ang anak kong si Jasmine ay nanunuod ng T.V sa tabi ko. Maya-maya ay narinig kong tumunog ang phone niya sabay subsob sa throw pillow na yakap nito. "Anak? Ok ka lang ba? Tanong ko sakanya. "Po?" Umangat sya sa unan at nilingon ako. "Sabi ko kung ok ka lang ba? Bakit ba sinusubsob mo yang mukha mo sa unan? Pulang-pula ka na tuloy." Ani ko. "H-hindi Ma, Wala - Ano kase tinatry ko lang kung ilang minutes ko kayang tumagal sa ilalim ng tubig." Wika nya na nakangiti. "Bakit, may swimming ba kayo? Eh tag-ulan na ah." Sabi ko na nawi-wirduhan sa isinasagot nya sakin. "Basta! Ma! Dami mo naman tanong eh." Protesta nya. "Aba syempre nanay mo ako. Nako Jasmine ako maluwag ako sayo, pero ayaw kong malaman na gumagamit ka ng bawal na gamot, dahil ako mismo magto-tokhang sayo." Paalala ko sakanya. "Ma, hindi ako nagda-drugs! Mukhang sanggano man yung mga kaibigan kong yun pero hindi sila mga adik." Sabi pa nya. Natawa ako. "Wala akong sinabing mukhang sanggano sila. Saan mo ba natututunan yan." "Kay Rocel at Hunter." Aniya na muling ibinalik ang atensyon sa phone nya. Pinagmasdan ko nalang sya, maigi na may mga kaibigan sya dahil sa ganung paraan ay hindi nya mag-isang dinanas ang sakit ng pagkawala ni Isay. Samantalang ako? May mga pamilya't nasa malayo na ang mga kaibigan ko. Kung sasabihin ko sakanila ang problema ko ay siguradong mapupulaan lang nila ako. Dahil alam ko naman na maling-mali ang mga nangyare sa amin ni Isay. Makalipas ang ilang araw ay nakipagkita ako sa informer ko sa isang restaurant na malayo sa bahay namin. "Negative talaga Ma'am. Wala sya sa Cebu. Sinubukan ko syang ipagtanong ulit kung baka gumamit lang sya ng ibang identity pero wala po talaga siya dun." Wika ng detective habang hawak ang brown envelope na naglalaman ng ibinigay kong picture ni Isay. Para akong pinagsakluban ng langit. Napatungo nalang ako sa aking nalaman. Huling pera ko na din itong ibabayad ko sa detective pero hindi nya padin nahanap si Isay sa Cebu. "Okay lang detective, sige salamat. Eto oh, huling kabayaran mo. Pero kung may mabalitaan ka tungkol kay Isay ko, sana huwag kang mag dadalawang isip na tawagan ako." Sabi ko at palihim na inabot sakanya ang bayad. "Sige po Ma'am. Pasensya na po talaga, Maraming salamat din." Inilagay na niya sa loob ng jacket niya ang pera at nagpaalam na. Naiwan ako doon na tanging litrato lang ni Isay sa brown envelope ang kasama. Napasapo nalang ako ng noo kasabay ang pagbagsak ng malakas na ulan sa labas. Ang damdamin ko ay mas nangulila kay Isay dahil ngayon ay mas napuno ako ng pangamba sa impormasyon na wala nga talaga siya sa Cebu. Naubos ang ipon kong para sana da pambakasyon naming tatlo. Hindi narin naman mangyayare pa iyon dahil wala na si Isay. Nang tumila ang ulan ay mas pinili kong maglakad-lakad muna bago sumakay ng jeep pauwi. Gusto kong makapag-isip, mapag-isa. Sa paglalakad ko ay may tumatakbong babaeng naka-pula na tumawid sa harapan ko. Nakaramdam ako ng kakaibang kaba. Isay? Hindi ko alam kung namamalikmata lang ba ako o sya nga talaga ang nakita ko kaya lakad-takbo kong sinundan ang babaeng naka-pula. "Isaaay!" Tinatawag ko sya pero hindi ako nito nililingon. Kahit walang kasiguraduhan na siya nga yun ay sinalubong ko ang madaming taong naglalakad. *Beep! beep! Busina ng jeep na muntik ng makabundol sa akin. "Ano ba Miss! Magpapakamatay ka ba?!" Bulyaw sa akin ng driver. "Pa-pasensya na po." Paghingi ko ng paumanhin. Malayo na ang babaeng nakapula pero hinabol ko parin sya, hindi iniinda kung magkapaltos-paltos ang aking mga paa masilayan lang siyang muli. Hanggang sa natanaw kong pumasok na ang babaeng nakapula sa isang gusali. Hingal na hingal ako pagpasok ng entrance. Sinalubong ako ng ingay ng lasing na kumakanta sa videoke at iilang kumakain at nag-iinuman. Madilim sa loob at tanging mga ilaw na patay-sindi ang nagbibigay liwanag dito. Hinanap ng mga mata ko si Isay pero hindi ito nakita. Gusto kong maiyak nalang sa pagod dahilan ng naupos na pag-asa, pero biglang may waitress na lumapit sa akin. "Ate, ano pong sakanila?" Wika ng babaeng puno ng make-up sa mukha, naka-sexy shorts, t-shirt at apron. Muling sumiklab ang kakarampot na pag-asa. Dali-dali kong kinuha sa brown envelope ang picture ni Isay. "Ah Miss! Kilala mo ba ang babaeng ito?" Agad naman nyang inusisa ang litrato sabay iling. "Hindi po eh." Aniya. "Miss, tingnan mong mabuti, baka sakaling nakita mo na sya." Pagsusumamo ko. "Ano po yon?" Nilapitan na kami ng isa pang waitress. Nang makita nya ang picture na hawak ng katrabahong babae ay nanlaki ang mata nito "Hala Bhe! Si Sabel yan diba?!" Wika ng babae. Siningkit ng naunang waitress ang mata nya at tiningnan muli ang picture, sabay sang-ayon sa kasama. "Luh Bhe Oo nga! Hindi ko sya nakilala. Wala kasing make-up!" "Kilala nyo ba sya?" Tanong ko sakanilang dalawa. "Opo Ate, waitress din sya dito. Ayun po sya oh." Sabay turo sa kalalabas lang sa kitchen area na kasamahan nila. "Sabel, may naghahanap sayo." Dagdag pa nung isa. Tila na-estatwa siya sa kinatatayuan niya ng makita ako. Sa kabila ng mga kolorete niya sa mukha at ibang pananamit ay nakilala ko parin sya. Kay tagal ng natuyo ng mga luha ko pero ngayon ay muli itong tumulo sa labis na kagalakang makita siya. "Isay. . ." Nanginginig ang mga labi ko habang papalapit na binabanggit ang pangalan nya. Niyakap ko sya ng mahigpit, na para bang iyon na ang huling beses na mahahagkan ko sya. Pagbitaw ko ng yakap ay nakita kong may mga luha din na nagbabadya sa mga mata nya ngunit tumingala siya at pinunasan ito. "Isay, akala ko hindi na kita makikita pang muli." Sabi ko sakanya. "Ano bang ginagawa mo dito?" Parang galit ang tono ng pananalita niya. "Isay anak." "Hindi. Mo. Ako. Anak." Paglilinaw nya at nagpunas na sya ng mga mesa. "Isay, ano bang nangyare? Bakit ka umalis? Sabi mo sa Cebu ka pupunta diba? Nasaan na yung Tita mo? Bakit ka nandito?" Andami kong tanong sakanya. "Walang Tita, walang Cebu." Sagot nya. "Ano. . ." Naguguluhan kong tanong sakanya. Humarap siya sakin "Walang katotohanan ang sulat na iyon." Hindi lang pala ang pananamit nya ang nagbago, maging ang malumanay na pananalita niya noon ay nagbago na din. Parang laging galit ang tono nya, parang laging may mabigat na pasanin. "Kung ganon bakit ka umalis?" "Eh diba yun naman yung gusto mo? Yung ibaon na ako sa limot? Tsaka para hindi ko na din masaktan pa ang anak mo." Aniya na inirapan ako. "Halika, uuwi na tayo." Kinuha ko ang kamay nya at hinatak. "Aray ano ba! Bitiwan mo ako!" Pilit nyang tinanggal ang kamay ko sa kamay nya. "Hindi ako sasama sa'yo!" Tiningnan ko ang paligid, ang beer house na pinagtatrabahuhan nya. "Hindi ka nababagay dito. Sinisira mo lang ang buhay mo Isay." Pagsusumamo ko. Kinuha ko ang mga kamay niya. "Isay. . . Pakiusap." Tila hindi tumitigil ang mga luha ko. "Umalis ka na." Pagtaboy niya sa akin sabay tanggal ng kamay ko sa kamay niya.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD