Kabanata XVI

981 Words
SAM's P.O.V Nagmakaawa ako kay Isay ng gabing iyon, na umalis na siya sa trabaho niya at bumalik nalang sa pag-aaral, bumalik sa bahay namin. Pero tumanggi siya at sinabing wag na akong mag-alala, na hahanap nalang siya ng ibang trabaho kapag nakaipon ng pang bedspace at pang requirements. Labag man sa loob ko ang desisyon niyang iyon ay wala na akong magagawa pa kundi irespeto ang kagustuhan niya. Kunsabagay ay nasa tamang edad na din si Isay para magdesisyon sa buhay niya. Ang labis kong ipinagpasalamat sa Diyos ay maayos na kami ni Isay. Nakiusap siyang huwag ng ipaalam pa kay Jasmine ang tungkol sakanya dahil ayaw niya din masaktan ito. Muli ay pinuntahan ko sya sa pinagtatrabahuhan niya at dinadalan ng luto kong ulam. Sapat ng kapalit ang mga ngiti niya sa tuwing makikita niya akong dumating. Mga pasimple naming sulyapan sa isat-isa habang nagta-trabaho siya. Nakikipag-unahan pa siya sa mga kasama niya na kunin ang order ko sa tuwing magtatawag ako ng waitress. Madaling araw na natatapos ang duty niya at matyaga ko siyang hinihintay mapanatili lang ang kaligtasan niya. Ayoko na maulit pa ang sinapit niya ng makita ko siya. Pagkatapos niya sa trabaho ay bumibili kami ng inumin sa 7 Eleven para lang makaupo kami at makain niya ang binaon kong ulam para sakanya. "Grabe, ang sarap mo parin magluto." Papuri niya sakin habang kinakain na ang dala kong ulam para sakanya. "Bolera ka, basta kumain ka lang ng kumain dahil alam kong pagod ka." "Hindi mo na dapat pa ako hinintay. Lalo tuloy nangingitim yang mga mata mo, baka mamaya magkasakit ka pa." Sabay haplos sa mukha ko. Ang mainit niyang palad na na-miss ko, ang malamlam niyang mga mata na nakatitig sa akin. Pilitin ko man na itanggi sa sarili kong wala akong nararamdam sakanya ay paulit-ulit lang din akong ginugulo ng puso at isip kong siya ang sinisigaw. Alam kong higit pa ito sa tawag ng laman na tulad ng inaakala ng iba. Dahil kahit wala ang bagay na iyon ay sapat na sa akin ang makitang maayos at masaya siya. Hindi ba't iyon naman ang pag-ibig? "Isay. . ." sambit ko sa pangalan niya, dahilan kaya mas lalong lumalim ang mga tingin niya sakin. "Ano yon? May problema ba?" Hinawakan niya ang kamay ko na nakapatong sa aking kandungan at hinaplos ito ng mga daliri niya. "Mahal kita." Katahimikan. Napalunok ang kanina niyang nakaawang na bibig at muli siyang tumingin sa akin na may mga matang nagbabadyang lumuha ngunit nakangiti ang kanyang labi. "Mas mahal kita!" sambit niya kasabay ang isang mahigpit na yakap. Patuloy siyang umiyak ng umiyak sa balikat ko sa hindi ko mawaring dahilan. Nakaka-iyak ba ang sinabi ko? "Tahan na, bakit ka ba umiiyak?" Ani ko. Bumitaw na siya sa pagkakayakap at pinunasan ang kanyang mata. "W-wala, sobrang saya ko kasi Sampaguita. Buong akala ko kasi noon ay hindi mo ako magagawang mahalin." Paliwanag niya. Hindi ako makapaniwalang kami na ni Isay. Pagkatapos niyang kumain ay hinatak na niya ako palabas ng 7 Eleven at niyaya sa malapit na park. Kami lang tao duon at si Manang na tagawalis ng parke. Umupo kami sa duyan ng playground at nagduyan na parang mga bata. Palitan ng mga ngiti at tawanan na tila ibinabalik ako sa pakiramdan na unang beses akong nagmahal. Unti-unti ng sumisikat ang araw at kinukulayan nito ang ulap na tila nagbibigay ng pag-asa sa bawat nakakasaksi nito. Nakaupo nalang kami sa isang bench, nakapatong ang ulo ni Isay sa balikat ko. Naidlip sya pagkatapos namin magduyan. Pareho kaming walang tulog pero parang hindi namin alintana kanina ang antok dahil sa labis na saya. Yung pakiradam na parang sa amin ang mundo, saakin at sakanya lang din ako. Muli akong tumingala sa ulap at naramdaman ko nalang ang pagyapos ng kamay ni Isay sa kamay ko. Tiningnan ko siya, ang maamong mukha niyang nasisilayan ng liwanag ng araw. "Magandang umaga." Pagbati ko sakanya. Ngumiti siya. "Mas maganda ka pa sa umaga, Mahal ko." Aniya. Hinatid ko na siya sa kanyang tinutuluyan malapit sa kanyang trabaho bago ako mag-isang umuwi. Hindi naman nagtaka si Jasmine dahil nakauwi ako ng hindi pa siya nagigising. "Ma, ok ka lang ba?" tanong ni Jasmine sakin habang nanunuod kami ng Insidious 3 sa sala. "H-ha? Oo naman." sagot ko sakanya. Napailing nalang sya at napabulong "Horror pinapanuod pero kanina pa nakangiti? Ah Ewan." Aniya sa sarili. Gusto kong matawa sa anak ko. Hindi ko din naman kasi alam na masyado na palang halata ang saya na nararamdaman ko gawa ni Isay. Ang totoo niyan ay hindi ko akalain na maaari pa pala kong magmahal ng isa pang tao bukod sa tatay ni Jasmine. Naging kami na nga ni Isay at tuwing ikalawang araw kami nagkikita. Masaya ko para saming dalawa ngunit may isang parte sa puso ko na nalulungkot dahil naglilihim kami sa anak kong si Jasmine. "Kailan ba natin sasabihin sakanya?" Ani Isay sa akin habang nagmimiryenda kami sa isang Milktea Shop. "Sa tamang panahon." * * * ROCEL's P.O.V Kasalukuyan kaming nag-iistroll ni Hunter sakay ng kotse niya ng aksidenteng nahagip ng mga mata ko ang dalawang pamilyar na mukha sa isang Milktea Shop. "Teka pre! Ihinto mo." Agad kong utos kay Hunter. Nagpull-over sya halos katapat ang Milk Tea Shop. Bumaba ako at tinanaw ang dalawa sa kabilang kalsada. Si Tita Sam nga at ex ni Jasmine na si Isay. Ang nakakagulat pa dito ay hawak ni Isay ang nakapatong sa mesa na kamay ni Tita. Ang mga tinginan nilang tila may ibig sabihin. Anong meron sakanila? Alam na ba ni Jasmine ang pagbabalik ni Isay? Kung hindi ay dapat ko bang iparating sakanya? "Pare bakit ba?" pagtatanong ni Hunter sa akin na napababa nadin ng kotse niya pero natameme nalang din sya ng makita kung sino ang dalawang taong tinitingnan ko. Isay. . . Bakit bumalik ka pa?  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD