Kabanata XV

1169 Words
JASMINE's P.O.V "I love you, Jaz." "I love you too, Roz." Nag e-echo padin sa isip ko ang palitan ng binitawan namin na salita sa isat-isa ni Rocel. Gusto niyang gawing official ang relasyon namin ng araw na iyon pero sinabi ko na baka nabibigla lang siya, dahil alam kong ayaw niya ng commitment. Gusto kong pag-isipan niya muna ang bagay na iyon para. . . para kung magkaroon man sya ng babae, hindi rin masyadong masakit sakin. Umaga, paglabas ko ng kwarto ay nakita ko ang umuusok pang hot Milo sa dinning table. May yellow note na nakadikit sa mug nito na Good Morning Beautiful ❤ -R Tumakbo agad ako sa bintana ng sala para tingnan kung kalalabas lang ba niya o nakatambay lang ba sya dun. Gusto ko lang na magpasalamat, pero wala akong Rocel na nakita. Bumalik nalang ako sa mesa at napapangiting tinikman ang Milo na tinimpla niya sakin. Saktong sulpot naman ni Mama sa gilid ng kusina na nakangiti din sakin na parang may ibig sabihin. Muntik ko na tuloy maibuga yung iniinom ko. "Galing dito kanina si Rocel." Pagbanggit ni Mama. "Onga po eh, may pa-Milo pa ha-ha." Awkward laugh. "Bakit daw po ba sya dumaan?" Pakunwaring tanong ko. "Nagpaalam sakin, manliligaw da-" Deretsahang wika ni Mama. "Mama!" biglang putol ko kay Mama kaya tumulo tuloy yung Milo sa bibig ko, mabuti nalang at nasalo ko 'yon ng kamay. Inabutan naman kaagad ako ng tissue ni Mama. "Ano ka ba, okay lang sakin. Tsaka nangako siya sa akin na magiging seryoso sayo." Ani Mama. Gusto ko ng ibaon sa lupa yung ulo ko sa sobrang hiya. Never pa akong niligawan ng kahit na sino dahil ako ang nanliligaw. At sa dinamirami ng taong manliligaw sakin, si Rocel pa! Nasanay akong tropa lang kami kaya ang weird marinig na liligawan niya ako. Tsaka bakit pa? Eh sa pagkakakilala ko sa taong yun kapag natikman na niya, wala na syang pakialam. Ayokong umasa na kaya niya akong seryosohin. Kinahapunan ay lumabas ako ng bahay para magtapon ng basura ng madatnan ko si Rocel sa tapat ng gate namin. "P-pre anong ginagawa mo dito?" Sabi ko sakanya na parang nagbara yung lalamunan ko sa pagtawag sakanya ng 'Pre.' "Edi ipag-iigib ka ng tubig at ipagsisibak ng kahoy." Nakangiting niyang ani. "Sira. Gusto mong ikaw sibakin ko?" Pambabara ko sakanya. "Parang mas gusto ko yang ideya mo." Sabay ngisi sakin. "Ah ewan ko sayo!" Lumapit nalang ako at pinagbuksan sya ng gate. "Para sayo nga pala." Sabay labas mula sa likod niya ng isang balot na Hany chocolate candy at pulang bulaklak ng santan na pinitas yata niya sa harap ng bahay namin. Tinanggap ko yun na pigil ang pag ngiti sa hindi malaman na dahilan. Siguro ayokong isipin niya na binibili ko yung kabaduyan niya. "Salamat dito pero hindi mo ako kailangang ligawan. Hindi mo kailangang panagutan yung nangyare satin, dahil unang-una hindi mo naman ako nabuntis." Paliwanag ko sakanya. "Edi ulitin natin, malay mo this time makabuo na tayo labidabs." Tinapik ko ang noo nya. "Manyak ka talaga kahit kelan!" "Sayo lang naman ako manyak at magpapa-manyak eh." Nakangisi niyang ani. "Ano tara?" Biglang pag-aaya niya. "Ha? Saan?" "Sa Park, bike tayo. Stroll lang saglit." "S-Sige, magpapaalam lang ako kay Mama tsaka magbibihis." Sabi ko. Pinaghintay ko sya sa sala at pumasok na ako ng kwarto ko. Agad akong naghalungkat ng maisusuot pero ang ending, yung usual na get up ko padin. Paglabas ko ng kwarto ay nakatulala lang si Rocel sa akin. "What?" Tanong ko sakanya. "Akala ko nag gown ka na eh, ang tagal mo kasi!" Biglang biro nito. "Sira!" Pagdating namin sa Park ay nag rent kami ng bike. Nagtalo pa kami dahil pareho namin gustong ilibre ang isat-isa. Ang ending yung bayad niya ang tinanggap ni Kuya. Nagba-bike na kami, malilim na at nagsisimula ng lumamig ang simoy dahil malapit ng mag-agaw ang liwanag at dilim. Tamang tama lang ang pagba-bike namin. Madalas akong nauuna kasi ayaw ko na nakikita niya bawat ekspresyon ng mukha ko sa tuwing kausap ko siya, pero pilit niya parin akong sinasabayan. "Jaz." Bumitaw sya sa manibela at itinaas pa ang dalawang kamay sa ere. "Woooh!" May sigaw pa. "Sige, pag ikaw sumemplang tatawanan talaga kita ng malakas!" Sabi ko sakanya. Pagkatapos ng isang oras na pagbibisekleta ay naupo nalang kami sa damuhan. Nakipaglaro sya sa akin ng jack en poy, ang matalo daw manlilibre ng Fries at Cheese sticks. Halata kong nagpapatalo sya sakin. Ayoko nalang din basagin yung trip niya kasi masaya akong nakikitang masaya din sya. "Oh, pinadagdagan ko ketchup niyan kay Ate kasi sabi ko birthday mo." Aniya na inilapag na sa harapan namin ang binili niyang Fries, Cheese sticks at Gulaman. "Haha, lakas talaga ng tama mo." "Mas malakas tama ko sayo." Aniya na kumindat pa sa akin. "Grabe ang bago nun ah." Pambabasag ko sakanya. "Sus, kinilig ka naman." Sabay hawi ng buhok niya. Fvck ang gwapo. Bakit ka ganyan Rocel?! Uminom nalang muna ako ng gulaman para malamigan. Tawanan at asaran. Ayaw ko ng matapos ang mga oras na kasama ko si Rocel, pero oras na para umuwi kami. Imbis na mag tricycle ay mas pinili nalang namin na maglakad, para mas humaba pa yung oras. "Jaz, naiisip mo pa ba si Isay?" Nabigla ako sa tanong niya. "Minsan." Pero ang totoo ay ngayon ko nalang ulit naalala si Isay dahil binanggit niya ito. "Ah." Maikli niyang sagot. Huminto ako sa paglalakad at tumingin sakanya ng deretso. "Bakit mo ba 'to ginagawa?" Halatang nabigla siya sa tanong ko. "A-ang alin?" Tanong niya. "Yung Milo, yung Hany, yung santan, yung sa bike kanina." Pagbanggit ko na parang naguguluhan na din ako. "Jaz, gusto ko lang iparamdam sayo yung nararamdaman ko dito." Tinuro niya yung puso niya habang nakatitig sa akin. Umiwas ako sa mga mata niya, mahirap na baka malunod ako. "Isa pa yan. Jaz ka ng Jaz kanina pa. Mas sanay ako na Pre lang tawag mo sakin. Bakit kailangan magbago tayo dahil lang sa nangyareng yun?!" "Bakit bawal na bang mag level up? Bawal na bang mahalin ka?" "Hindi sa ganon." "Eh ano? Hindi mo ako type? Hindi ka pa ready? Hindi ka pa nakaka-move on?" Sunod-sunod niyang tanong sakin. "Naka-move on na ako!" Sagot ko sakanya. Hinawakan niya ang dalawang kamay ko at ngayon ay nakatingin sa akin ang mukha niyang nagsusumamo. "Kung ganon, hayaan mo akong mahalin ka. Dahil sa lahat ng mga babaeng nakilala ko, ikaw ang hinding-hindi ko kayang iwan." Aniya. Yung moment na yun, parang gustong sumabog ng puso ko sa sobrang saya. Gusto kong ipagsigawan na "f**k! Ang swerte ko!" Yung parang kasing haba ng EDSA yung hair ko dahil ako yung natatanging babae na seseryosohin ni Rocel. Tipong gusto ko mag status ng "Wala na, Finish na. Me Already!" kahit sobrang cliche na ng mga linyahan na yun sa f*******:. Pero syempre kalmado lang akong tao, yung smile ko na abot hanggang tenga dala-dala ko hanggang sa pagtulog ko ngayong gabi.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD