The way you loved me
Was never smooth,
It was rough like you,
And it always felt
Like leaving.
- Nicole Lyons
Chapter Twelve
Cruzenthcole Academy
"It's done."
Matapos ang dalawang oras ay sabi ng babae at iminuwestrang humarap ako sa pinto. Ngumiti ako at sinunod ito. Limang babae ang nagbihis at nag-ayos sa'kin. I'm wearing a full corseted bodice and under is a lacy petticoat, a pouf dress and I chose to wear sneakers dahil komportable iyon at hindi rin naman makikita. They also curled my hair and I'm also wearing white gloves na hanggang siko ko.
"If you don't want to end up like Frances, you need to stay away from them."
Iyon ang huling sinabi sa'kin ni Azalea ng paalis kami ni Lyon. Tinitigan ko sya sa mata at nakita ko ang pagmamakaawa doon, ang awa.
"I like your strong personality, Jane, so don't think that I'm telling this because I hate you. Liking them... Loving them, it's dangerous and deadly. Hindi iyon aabot ng panghabang-buhay, maliban na lang kung isa ka ring bampira."
Iyon ang iniisip ko sa buong byahe namin hanggang ngayon pa din naman pero mabilis ko din iyong binura sa isipan, I will not let it ruin my night. We're in a hotel in county clare, readying for the party tonight. Elric said it's the anniversary of Cruzenthcole Academy.
"Are you ready?" Asked by the girl beside me.
I heaved a sigh, smiled and nodded then she ordered the girls at the door to opened it. Slowly, the door opened and I saw them outside. Lyon, Elric and Santi is facing the glass window while busy talking to each other. Sila Felix, Kael, Daelan at Lorcan naman ay nakaupo sa sofa habang hawak-hawak ang kani-kanilang phones. At si Aiken ay nakatitig naman sa mga paintings.
Sabay-sabay silang napatingin sa'kin. Napabuga ako, I smiled then waved my hands at them nervously when they just stared at me. Kumabog ang dibdib ko at nag-init ang pisngi. Nagmukha ba akong matanda? Katawa-tawa? Bakit ganito sila makatitig.
"Wow! You looked really beautiful, Jane. You looked liked a lady from the Renaissance era." Elric said while staring at me and walking to my direction.
Napasimangot ako ng makita ang mga suot nila, nakasuot silang lahat ng itim na three-piece suit, hindi marunong sumunod sa Renaissance theme. Pakiramdam ko, overdressed tuloy ako.
Naramdaman ko na lang na may kamay na pumalibot sa bewang ko at ng lumingon ay nakita ko si Lyon sa tabi ko, dikit na dikit sa'kin at ang labi ay nasa tenga ko na. Mas lalong nagwala ang puso ko.
Napaubo naman sila at umasim ang mukha. I asked for a groupie and after that, umalis na kami papuntang Cruzenthcole Academy.
"Stop staring at her, Lyon. Mabangga pa tayo sa kagaguhan mo." Si Aiken na nakasimangot sa'min.
Lyon raised his hand at the rearview mirror, showing his middle finger at him. Natawa at napailing naman si Elric. Dalawang sasakyan lang ang mayron kami, sa isang sasakyan ay kami nila Lyon, Aiken at Elric. At ang iba ay sa isang sasakyan naman. Si Lyon ang nag-drive at ako sa passenger seat. Natatawa na lang ako at napapailing sa minu-minutong pagtitig sa'kin ni Lyon.
When the car stopped in front of a beautiful castle, I can't help but to be amazed. Someone opened the door, naunang lumabas si Lyon at inilahad ang kamay sa'kin. Sumunod naman sila Elric.
"This is your home, right?" I asked Elric.
"Yeah," he nodded while staring at the castle in front of us.
Lyon queezed my hand and slightly pulled it para mapalapit pa sa kanyang katawan at mayakap. Hindi na ako umangal dahil talagang namamangha ako sa kastilyo, maliit iyon kumpara sa Darkstone castle pero may kakaiba talaga sa Cruzenthcole Academy. Mamamangha at maaakit ka talaga.
"Welcome to Cruzenthcole Academy, this is Azalea's idea. Year 1868 when she opened this as an Academy to the resident of Ireland and of course, to the world." Elric informed.
Sabay kaming napatingin sa kalsada ng may sasakyang biglang magparada sa harap namin, ang kotseng ginamit namin nila Lyon ay wala na. Mabilis na bumaba sila Felix kasunod sila Kael at Lorcan. Sa front seat naman ay si Daelan at ang driver ay si Santi.
"I f*****g hate this." Felix complaint. "Why am I even f*****g here?"
Ano na naman problema nila?
"Stop acting like a p***y, Felix. We didn't force you to come." Daelan frowned at him.
Nakapamewang na tumingala si Felix sa kalangitan. "When will I regain my f*****g ability so I can f*****g throw this f*****g fuckheads to the ocean."
Ngumisi si Santi. "Aw! Stop being dramatic, Felix."
Lorcan tapped Felix's shoulder then shook his head. "If you're praying, try harder."
I rolled my eyes then hand them their masks. The mask of Felix, Daelan, Lorcan at Santi are covering their whole face. While Lyon, Kael, Elric, Aiken at ang maskara ko ay ang itaas na bahagi ng mukha namin ang natatakpan.
They put on their masks. Sinuot ko na rin ang mask ko at si Lyon ang nagtali non, hinila nya pa ako para mapalapit sa katawan nya ang bumulong sa tenga ko.
"You feel that, baby?" He murmured breathily then bit my earlobe.
I blushed when I felt something poking at my back, my breath hitched. Nagsimulang mainitan at pagpawisan. Tiningnan ko ang mga kasama namin, they're busy with their mask and annoying Felix. Bumigat ang paghinga ko pero pilit ko pa ring kinakalma ang sarili, sa huli ay, siniko ko sya. He chuckled.
"Isuot lang ang mask, walang landian." Santi eyed us.
Hayagang pumalibot naman sa baywang ko ang kamay ni Lyon at ang kamay ay umaabot na sa tyan ko. Nag-init ang pisngi ko at hindi makatingin sa kanila ng diretso, umikot lang ang mga mata nila at hindi na nagkumento pa.
"Jane, ako nga rin. Hindi ko kasi matali." Si Aiken na tumalikod sa'kin.
"Let me do it," Lyon volunteered but I shook my head.
"Ako na," lumapit ako kay Aiken at itinali ang mask nya, humarap siya sa'kin ng matapos at kusa kong inayos ang maskara nya.
I smiled and gave him a thumbs up.
"Let's go, the party has start." Daelan said.
Lumapit ako kay Lyon, nagtaka ng mapansin ang pananahimik nya. Kumapit ako sa braso nya, pilit hinahanap ang kanyang mata pero talagang iniiiwas nya iyon. Dumikit sa'kin si Santi, tinaasan ko siya ng kilay pero pinagpag nito ang braso. Tumikhim ako saka nilingon si Lyon, nakatitig na siya ngayon sa'kin pero hindi ko mababakasan ng kahit anong emosyon ang kanyang mukha.
"C'mon, Lyon, don't be selfish." Santi growled.
"We have an agreement, no dates but you brought Jane." Kael hissed. "That's unfair."
Napakurap-kurap ako. Lakad pala nila ito, namula ang pisngi ko sa hiya. Wala nang nagawa kaya kumapit din ako sa braso ni Santi kaya dalawa sila ni Lyon na nakaagapay sa gilid ko. Sila Felix at Kael ang nasa harap namin, samantalang nasa likod ang apat.
Napakaluwang ng grand ballroom, the beautiful chandelier, flowers, paintings, the pillars were engraved by beautiful designs, even the tables and chairs are so beautiful. Isama pa ang mga babae't lalaki na nakasuot ng sinaunang damit.
"Hindi mo na lang sana ako sinama, lakad nyo pala itong walo." Sabi ko ng mapagsolo kaming dalawa.
Bumuntong hininga siya at tinitigan ako. "I'm just going to miss you so bad if I leave you in the Philippines"
Kumabog ang dibdib ko at nag-init ang pisngi, mabilis na nag-iwas ng tingin at pasimpleng pinaypayan ang sarili.
"Washroom lang ako," paalam ko sa kanya at hindi na sya hinintay na makapagsalita. Nang makalayo ay doon lang ako nakahinga ng maayos at kumalma ang puso ko.
Inililibot ko ang tingin, nagbabakasakaling may mapagtatanungan ng biglang humarang sa harapan ko si Aiken saka ginagap ang kamay ko at hinila sa dancefloor.
"What the hell," I eyed him.
"C'mon, Jane, ang sarap kayang asarin ni Lyon."
Hinawakan niya ang isa kong kamay samantalang ang isang kamay nya ay nasa bewang ko kaya wala akong nagawa kundi kumapit sa balikat nya. Natawa na lang ako.
"You don't know how to dance," I said matter-of-fact.
He grimaced. "Just ignore it."
Ngumuso ako, ang lakas manghila dito sa dancefloor, hindi naman pala marunong sumayaw. Kumabog ang dibdib ko ng hilain nya ako palapit sa kaniyang katawan.
"A-Aiken." I warned him.
He ignored me and whispered on my ears. "Do you remember when you asked Lyon to used his ability on you but he refused it?"
Dahan-dahan akong tumango. "Lyon doesn't want to used his ability on you."
Napakurap-kurap ako. "Why?"
"Because he doesn't want you to regret it, he wants you to be strong."
Lumayo sya at pinaikot ako saka ulit hinila, pagtingin ko sa kanyang likod ay sumalubong sa'kin ang madilim na mukha ni Lyon, umiigting ang panga at napakalamig ng mata. Natigilan ako at mabilis na lumayo kay Aiken, dumagundong ang puso ko sa pinaghalong kaba, takot at tuwa. Pinipigilan sya nila Lorcan at Elric sa pagsugod sa'min. Napailing sya saka tinabig ang kamay ni Lorcan at naglakad palayo. Doon lang ako nagkaron ng lakas na lapitan sila.
"Are you f*****g out of your mind, Aiken?" Lorcan bellowed at him.
Aiken shrugged his shoulder. "Aminin nyo, ang gandang makitang magselos ni Lyon. Bagong-bago ito sa atin."
Tiningnan ko sya ng masama saka inirapan at sinundan si Lyon hanggang sa balkonahe.
Naabutan ko syang nakatanaw sa kawalan habang nakapamulsa sa suot na pantalon.
Tumikhim ako. "Nang-aasar lang si Aiken, huwag mo na lang siyang pansinin."
Napaatras ako ng lumingon siya sa'kin at sumalubong sa'kin ang pula nyang mata. Mayamaya'y naglakad siya palapit sa'kin at pinigilan ko ang sariling huwag mapaatras ulit. Pigil ang hininga ng yakapin nya ako at pinanindigan ng balahibo ng amuyin nya ang leeg ko lalo na ng maramdaman ko ang kanyang pangil.
I brushed my hands on his hair and hug him too.
"It's okay, Lyon. I know you're mad, it's okay." I soothed him. "Aiken was just annoying you. I like him, yes---"
Humigpit ang yakap nya sa'kin at pinanlamigan ako ng dumikit ang kanyang pangil sa aking balat.
Napapikit ako. "But as a brother."
Para akong lalagnatin ng bumulong siya sa tenga ko.
"If you are violent when you're angry, impulsive when sad and dangerous when jealous. Then always remember this, baby... I'm ruthless when I'm angry, cold when sad and... Deadly when jealous."
Hinalikan nya ako sa noo bago nilagpasan.
No, you're wrong, Lyon, because you are freakingly sexy when you're mad and dayum hot when jealous.
Natulala ako ng ilang minuto saka napakurap-kurap nang sa wakas ay natauhan, namilog ang mata pagkatapos ay suminghap nang makaramdam ng takot sa huli nyang sinabi. Mabilis na lumuob at hinanap siya pero sa halip ay sila Lorcan at Elric ang nakita ko.
"Where's L-Lyon?"
"They just disappeared." Elric answered.
"They?"
Lorcan faked a smile. "Hindi namin alam kung anong gagawin ni Lyon kay Aiken, but we'll see."
Namilog ang mata ko at mabilis na lumabas habang sinusubukang contact-in si Lyon pero hindi niya sinasagot ang kanyang cellphone. Dahil sa pagmamadali at hindi tinitingnan ang dinadaanan ay natapilok pa ako, malutong akong napamura ng kumalat ang sakit sa paa pero pinilit ko pa ring maglakad kahit paika-ika.
Napasunod ang tingin ko sa mga tinitingnan ng mga tao sa labas, at sa taas ng tore ay nakita ko si Lyon habang hawak-hawak ang kuwelyo ni Aiken at parang nagbabalak siyang ihulog ang huli. Nanlaki ang mata ko at natutop ang bibig.
Nilapitan ko si Kael ng makita itong prenteng nakasandal sa poste doon at pinapanuod ang dalawa.
"Don't worry, he'll live." Sabi nya bago pa ako makapagsalita.
Napailing ako, hindi makapaniwala. Napatili na lang ng biglang bitawan ni Lyon si Aiken, bumagsak sa lupa si Aiken at bigla na lang lumitaw sa tabi ko si Lyon.
"We're going home,"
Nang hawakan nya ang kamay ko ay napasunod na lang ako sa kanya pero mukhang napansin nya ang mabagal kong paglalakad kaya tumigil sya.
"What's wrong?" Tanong niya na nasa paa ko nakatingin.
Magsasalita pa lang sana ng bigla na lang nya akong pangkuin. Hindi na lang ako nagreklamo.
"Ka-Kaya ko na, Lyon." Sabi ko ng nasa hagdan na kami pataas ng eroplano.
Bumuntong hininga siya at may pag-iingat na ibinaba ako. Naglakad ako pataas pero dahil sa suot ko at masakit pa ang paa ay bigla na lang akong nadulas buti at nasalo naman nya ako. Napapikit, nag-iinit ang pisngi sa kahihiyan at katangahan.
"I think you just..."
I slowly opened my eyes and looked at him, I gasped and stared at his lips.
"Did you literally fell for me?"
My eyes widened and I pushed his shoulder. "P-Put me down, L-Lyon."
He smirked mischievously, ignoring my order. Buhat-buhat nya ako hanggang sa makapasok kami sa eroplano saka ibinaba sa kama na nandon. Ang kabog ng dibdib ay trumiple lalo na ng lumuhod sya sa harap ko at hawakan ang paa ko.
"L-Lyon, what are you going to do?" Napayakap ako sa sarili.
He tilted his head and shook it amusingly.
"You can breathe now, Jane." He lick his lips and smirked evilly. "We're not alone here, erase whatever in your mind."
Namilog ang mata ko at mabilis na inilibot ang tingin sa paligid at nakita si Santi na nakaupo malapit sa bintana habang kaharap ang kanyang laptop. He saluted his middle finger without looking at us.
Namula ang pisngi ko, what am I even thinking? Napatitig na lang ako kay Lyon, madilim ang kanyang mata at gumagalaw ang panga. Inalis nyia ang suot kong sapatos saka sinimulang hilutin ang paa ko.
"I'm sorry!"
Napakurap-kurap ako sa sinabi niya at parang may bumara sa lalamunan ko.
"Kung hindi mo ako hinabol, hindi sana ito mangyayari." Nag-angat sya ng tingin sa'kin. "Masakit pa ba?"
Sunod-sunod akong umiling saka ngumiti. "Hindi na. Salamat."
I raised my hand to touch his face pero mabilis ko ding binawi ang kamay nang lumingon siya sa pinto na para bang may papalapit. He stand up, pinch my nose then kissed my forehead bago pumasok sa isang pinto.
"Damn it, she really looks like her." I heard Lorcan's voice.
Sunod-sunod silang lumuob, saglit na napapatingin sa'kin. Si Aiken nakuha pang ngumisi sa'kin habang hinihilot ang kanyang ulo, pinandilatan ko na lang sya.
I don't know what their topic but looks like it's important. They're whispering at the back, I want to asked them what is it but I stopped myself. I still don't have the right to act like we're all close because we're not.
Tumanaw ako sa bintana ng umangat ang eroplano. Ngayon, tila unti-unti ng bumabalik sa'kin ang lahat. Tila nagising ako sa napakagandang panaginip. It seems like the monster me is knocking again, waking me up to face the reality. Even if the reality is painful, I need to lived with it because it's the truth. That's why some people lie to hide the truth because the truth really hurts.
Iyon ang katotohanang pilit kong kinakalimutan. Ang katotohanang nilapitan lang ako ni Lyon dahil sa pangako sa isang babaeng minahal at prinotektahan nilang lahat.