I am not afraid of
The dark. I'm more
Afraid of not
Finding the light
Once again.
- Anonymous
Chapter Thirteen
Truth Unveiled
Naalimpungat ako ng makarinig ng ingay, when I looked at the window, it's already morning. Suot ang joggers at boucle knit sweater ay lumabas ako ng kwarto, sa hagdan pa lang ay dinig ko na ang ingay sa kusina.
"Wyler?" Tumakbo ako sa pag-aakalang ang pinsan ko iyon kaya nagulat ako ng makita si Lyon.
With his blue shirt, black chinos and sneakers, he's busy in front of the stove. Nakagat ko ang labi habang pinapasadahan sya ng tingin then I comb my hair with my hands while watching him.
"Morning," bati nya na hindi ako nililingon.
Ngumiti pa rin ako kahit hindi naman nya makikita. Naglakad ako palapit sa kanya at ginawa na ang gusto talagang gawin kahit kinakabahan at nahihiya. Niyakap ko sya saka idinikit ang noo sa kanyang malapad na likod. Agad kong naamoy ang bango nya na hinding-hindi ata ako magsasawang amuyin.
"Morning," I said softly. "What are you doing here?"
He chuckled, he slightly turnaround to kissed my forehead. "Hmm, trying to prepare your breakfast. Are you hungry."
Sinilip ko ang ginagawa niya saka ngumuso. "You don't know how to cook, Lyon. I don't know if that's even edible."
Hindi ko alam kung luto ba ang sunog na bacon at hotdog na niluto niya.
He groaned. "C'mon, baby, be supportive."
Umikot ang mata ko saka lumayo sa kanya at in-off ang stove bago siya tiningnan, nakapamewang at nakataas ang kilay.
"Lyon, thank you for the effort pero hindi ko ata kanyang kainin ang mga niluto mo."
Ngumuwi sya. "You're hurting me, baby."
I tilted my head and smiled at him tauntingly.
He frowned and groaned.
"Okay then, I'll watch how you cook."
Mayabang akong ngumisi saka itinapon sa trash can ang niluto nya at kumuha ng panibagong hotdog at bacon. Nasa tabi ko lang siya habang naka-krus ang kanyang mga braso at nakakunot ang noo, para bang isa akong TV show kung makatitig sya. He's so serious.
"You're hot,"
Nag-init ang pisngi ko sa sinabi niya, nilingon ko sya at pinandilatan. He smirked naughtily.
"And sexy."
I bit my bottom lip as I eyed him para itago na kinikilig ako at naapektuhan sa mga sinasabi at ginagawa nya.
"Stop it, Lyon." Pagtataray ko kahit ang puso ay tila tatalon na sa kinalalagyanan nito.
He just gave me a half-shrugged and smirked then he intensionally lick and bit his lower lip like he's seducing me, ginagawa niya iyon para mawala ako sa konsintrasyon ko sa pagluluto.
"I'm not even doing anything." He said innocently while he blink his eyes and furrowed his brows like he is really clueless.
I gulped and cleared my throat, nilalaban ang totoong nararamdaman. "That won't work on me, Lyon Stonesifer."
"Really, baby?" He growled softly. "Damn, can I just have you for breakfast again?"
My heart juddered wildly and my face heats up because of his vulgarity. Napailing na lang ako at itinuon ang buong atensyon sa pagluluto baka mamaya masunog ko pa ito kapag lagi ko syang papansinin hanggang sa maramdaman ko sya sa likod ko at niyakap ako ng mahigpit.
He placed his chin on my shoulder, pinanindigan ako ng balahibo ng maramdaman ang kanyang hininga. Tuluyan na akong nanghina, parang tumigil na sa paghinga. Kung hindi nya pa agad nahawakan ang siyanse ay baka nabitawan ko pa iyon. Siya ang nagpatuloy sa pagbaliktad ng bacon at hotdog dahil lutang na ako at wala na sa sarili.
He groaned then breathe in my ears. "What are you going to do today?"
My mouth twitched. "Hmm, ku-kukunin ko ang mga gamit ko sa d-dorm namin."
Tumango lang sya, kung hindi pa tumunog ang tyan ko ay hindi nya pa ako bibitawan at hindi pa ako matatauhan. Nag-iinit ang pisngi ko habang kumakain kami, gusto kong sambunutan ang sarili. Baliw na nga ata ako, baliw na sa kanya. Ramdam ko ang panakanaka nyang titig sa'kin hanggang sa matapos kaming kumain.
"I'll drive you." Sabi nya.
I bit my gum to suppress my smile. He tilted his head and raised his eyebrow at me. Umikot ang mata ko at pumunta na ng kwarto para makaligo. I chose a black cami, blue leggings and black sneakers. Natawa ako ng maalala ang suot ni Lyon. His shirt is blue while my leggings is blue and his chinos is black while my cami is black and we have the same color of sneakers, black.
Isn't it great?
"Let's go," aya ko sa kanya, namula ang pisngi ng maabutan siyang nakatitig sa picture ko sa wall.
Lumingon siya sa'kin at agad akong pinasadahan ng tingin. Kumunot ang kanyang noo at unti-unti ay umangat ang gilid ng labi. I roll my eyes.
Hindi ko ito plinano, Lyon.
May iilang estudyante sa dorm na kumukuha na rin ng gamit nila. Nang lumuob kami, ang mga babae sa salas ay agad na natahimik at napatingin sa'min. Lalo na sa lalaking nasa likod ko. May nagbulungan, may ngumiti at bumati sa kanya. May sumubok din na lumapit sa kanya para kausapin siya pero inignora niya ang mga iyon.
"Hey! Jane." Nakasalubong ko si Sally, dala-dala ang kanyang mga gamit.
Nginitian ko sya pero hindi niya iyon pinansin dahil agad syang napatingin sa likod ko.
Napakurap-kurap sya. "He-Hello ho, headmaster Lyon."
Naramdaman ko na lang ang kamay ni Lyon na pumalibot sa bewang ko at kitang-kita ko ang pagsunod ng mata ni Sally don at ang pagbuka ng bibig niya sa gulat. Napakurap-kurap ulit sya at may ngiting pinandilatan ako, she's like saying to me that 'I thought Daniel is your boyfriend, what happened? Malandi ka.'
"Sige, Jane, una na ako. Ang mga gamit mo na lang ang natira sa kwarto na'tin kaya," saglit syang tumingin kay Lyon saka nakangising bumulong sa'kin. "Take your time and enjoy."
Pinalakihan ko lang sya ng mata, tumatawang nagpaalam na rin naman siya matapos akong asarin. Napailing na lang ako at nagpatuloy sa paglalakad habang si Lyon ay nakahawak sa bewang ko at sinasabayan ako sa paglalakad. Hindi ko na siya nagawang sawayin dahil nasa amin ang mata ng lahat ng mga babae doon.
Bahagya akong natigilan at parang pinanlambutan ng tuhod lalo na ng hilain nya ako palapit sa kanya. Kahit anong gawin, naalala na naman ang mga nangyari sa'min. Hindi makatingin sa mga estudyanteng nakakasalubong namin na halata ang gulat at pagtataka.
Nang mabuksan ang silid, doon lang ako nakakuha ng lakas na makapagsalita.
"Yo-You can now let me go, L-Lyon."
He ignored me and pulled me inside. I roll my eyes. May isang bagay akong napansin sa kanya, oras na hawak ka na niya, siguradong hindi ka nya pakakawalan agad-agad. Even I don't want to at kahit nahirapan, ako na ang mismo ang nag-alis ng kamay nya sa bewang ko. He groaned with an obvious disapproval in his face.
Ano, Lyon? Paano ko maliligpit ang gamit ko kung yakap mo ako, aber?
I tsked then started fixing my things, ang iba kong gamit ay inilagay ko sa box. He helped me also furled my clothes. Napapailing na lang ako. Hindi maiwasang hindi matawa at mamangha habang nakatitig sa kanya, nakupo sya sa gilid ng kama ko habang itinitiklop ang mga damit ko. He's trying so hard kahit nahihirapan siya. Nang mag-angat sya ng tingin sa'kin ay pinalobo ko ang bibig saka nag-iwas ng tingin at mabilis na tumalikod.
"This is not funny, Jane."
Tumawa lang ako saka pumasok sa bathroom para kunin doon ang iba ko pang gamit, paglabas ko ay naabutan ko syang nakakunot ang noo habang hawak-hawak ang isang kahon at papel.
"That's for my eyes only."
His forehead puckered as he narrowed his eyes at me, mukhang may gusto pang sabihin pero mas pinili na lang na manahimik.
Inagaw ko sa kanya iyon at ibinalik ang papel sa kahon. Doon nakalagay ang mga sulat na natanggap ko kay Deucalion, speaking of which, matagal na rin itong hindi nagpaparamdam. If Deucalion was one of the descendants, kailangan ko pa bang alamin kung sino sa kanila? If I find out about Deucalion's real identity, anong gagawin ko? Hmm, thank him?
It was hard for me to face the following days thinking about my parents, my family but I need to endure everything. I need to keep moving forward especially now that I'm looking for a job. Ayaw kong umasa sa perang naiwan ng magulang ko at sa mga ari-ariang naiwan ni Frances na napunta na sa'kin, even if it's all named in me, the fact will still remaine that it's not mine.
Kumunot ang noo ko pagbukas ng pinto ng makita ang isang dandelion at maliit na box sa labas ng bahay namin, lalabas sana para mag-jogging. Kinuha ko iyon at binasa ang nakasulat sa letter.
Wishing you all the best... Happy birthday, Jane.
- Deucalion
Natutop ko ang bibig at namilog ang mata. How can I actually forgot my nineteenth birthday? Napapiksi ako ng sunod-sunod na tumunog ang phone ko. A text from Daniel and Sally, greeting me. Then there's six unknown numbers, also greeting me.
Pumasok ako at binuksan ang box, namangha ng makita ang magandang chain bracelet. It's actually simple yet exquisite. I answered my phone when I saw Daniel calling.
"Hey!" Isinarado ko ang box.
"Happy birthday, wanna go out tonight? Sally's in."
"Of course, seven sharp." I said without hesitation, I missed them also. Alam kong abala na rin sila sa kani-kanilang buhay at nakatutuwang naalala pa rin nila ako.
Buong hapon na nasa bahay ako, aaminin ko, hinihintay ko si Lyon. Pagkatapos ng dalawang reply niya kanina sa pagbati ko ng umaga at tanghali ay hindi na ulit siya nagparamdam. Iniisip ko na lang na siguradong abala sya. Bihis na ako ng biglang tumawag si Lyon, I didn't answered it. Tinext ko na lang sya.
Hey! I'm going out tonight with my friends.
Nagdadalawang isip pa ako kung isusuot ang bracelet, sa huli ay isinuot ko na rin iyon. Bagay din naman siya sa suot kong off-shoulder tops, denim cutoffs at wedge boots. Nasa bar na ako ng maalala kong tingnan ang cellphone ko. Bumilis ang tahip ng puso ko ng mabasa ang sunod-sunod nyang text.
Text me where you are...
Five minutes ago...
You're too busy huh...
Eight minutes ago...
Where? Who's friend?
Twelve minutes ago...
Where are you?
Fifteen minutes ago...
I'll come. Wait for me, I'm on my way in your house...
Nineteen minutes ago...
It's already dark, it's dangerous outside...
I roll my eyes and type a reply for him.
Don't worry I'm fine.
Nang makapasok sa bar, agad kong nakita si Daniel at Sally. I kissed them on their cheeks and sat beside Daniel.
"Happy birthday." Si Daniel at nagulat ako ng abutan nya ako ng regalo.
"You don't have to, Daniel."
"Just accept it already, Jane." Sally pouted.
I roll my eyes and accepted it. "Thank you."
"You deserve it." Then he kissed me on my cheeks.
"So tell us about our headmaster." Ngumisi si Sally, kilig na kilig.
Kumunot naman ang noo ni Daniel. Tumikhim ako at nag-order na lang ng maiinom, umarteng walang narinig. We spend our time chatting, telling about our plans for the future while drinking our beers.
"Jane,"
Napalingon ako ng may tumawag sa pangalan ko, kumunot ang noo ng makita si Felix. Nag-excuse ako sa kanila Sally at Daniel bago ito nilapitan.
"What the f**k are you doing here?" Seryoso nyang tanong at pinasadahan ng tingin ang kabuuan ko.
"Hmm, I'm with my friends."
"You f*****g didn't know?"
"Huh? Ang alin?"
Napailing sya. "We f*****g threw a party for you at the dorm because Lyon wants to f*****g surprise you. But..."
Napaatras ako at nanikip ang dibdib.
He shrugged his shoulder. "Looks like you're f*****g enjoying yourself here."
Nilapitan ko sila Daniel, ni hindi na marinig kung ano ang mga sinasabi nila. Sa huli ay hinabol ko si Felix at pinilit pa itong ihatid ako sa kanilang dorm. Tahimik ng makarating kami doon, nang makaluob, may mga balloons pa sa paligid. A tarpaulin with a 'happy birthday, Jane' printed on it. Tumulo ang luha ko. They actually did this to surprise me?
Ito ba ang pinagkaabalahan niya ng araw na iyon?
"She's not her,"
Natigil ako ng marinig ang boses ni Daelan.
"Even if she has her heart, they're different in so many ways."
Parang huminto ang paghinga ko sa narinig, unti-unting naglaho ang ngiti at kasiyahang nararamdaman. Nanginig ang tuhod at pinanlamigan. Naramdaman ko ang malamig na kamay ni Felix sa braso ko.
"Why her, huh? There's a lot of girls out there who deserve her heart. Hindi naman talaga siya na-ataki sa puso---"
"Daelan," Felix's voice thundered stopping him.
Sabay-sabay silang napatingin sa direksyon namin, nanghihinang napaatras ako. Gulat at hindi matanggap ang mga narinig.
"Oh! Dammit." Lorcan hissed.
"J-Jane," si Elric.
Nilapitan ako ni Azalea. "Jane, everything you heard---"
I turned my back and as I run away... The monster me showed up again, the darkness breakout again. Unti-unting napuno ng galit at poot ang puso't isipan ko. A hand stopped me from running, I gasped and a tear fell from my eyes.
"I'll take you home."
I'm too weak to argue with anyone kaya ng igiya ako ni Aiken sa kanyang kotse ay sumunod na lang ako. Tulala habang walang tigil sa kakaluha. Nang ihinto niya ang kotse sa harap ng bahay namin ay mabilis akong bumaba pero natigil ng makita ko si Lyon na naghihintay sa labas ng bahay namin.
I swallow hard, the pain is slowly killing me. Lahat ng narinig ko ay masakit para sa'kin. Mabilis siyang lumapit sa'kin at ang nagawa ko lang ay titigan sya.
"What happened, Jane?" Galit syang tumingin kay Aiken na lumabas na rin ng kotse nito. "What did you do to her? And why are you with her again?"
Hinawakan ko siya sa braso para mapunta ang atensyon nya sa'kin.
"L-Lyon," I gulped.
I'm scared to asked him the truth because once he answered me, I know, it will be over. And I don't want it, I don't know if I can take it.
"P-Please tell me the t-truth."
He wiped my tears. "What is it, baby?"
Mas napaluha lang ako sa sobrang lambing ng kanyang boses, sa titig niya na para bang napaka-importante kong babae. Nanghihina kong itinuro ang dibdib ko kung nasaan ang pusong hindi naman talaga sa'kin. Kahit alam ko na ang totoo, gusto ko pa ring marinig iyon sa kanya dahil siya lang ang paniniwalaan ko.
"Ka-Kaninong puso ito?"
His jaw tightened, dumilim ang mukha at nawala ang emosyon sa mata.
"Kainong puso i-ito?" Ulit ko, ngayon ay sa mas malamig na boses na.
Bumagsak ang balikat niya, umiwas ng tingin.
"Do I have to say please huh? Para lang sabihin mo sa'kin ang totoo?"
"Jane," he tried to hug me but I stepped back.
"Please, Lyon. Sino?" I begged.
Napabuga siya bago tumingin sa mata ko at napaatras ako sa sunod na lumabas sa kanyang bibig.
"It's Frances'."