Chapter 16

2184 Words
Of all the ghost, The ghosts of old loves Are the worst. - Arthur Conan Doyle Chapter Sixteen You can run but you can never hide Kinaumagahan ay maaga ding umalis si Daniel kasama si Wyler pabalik ng metro, gusto nga rin sanang sumama ni Gail pero siguradong magiging abala sila Wyler doon. "Even you don't want to go back, you don't have a choice. Gail wants to visit me in Manila." Iyon ang huling sinabi sa'kin ni Daniel bago sila umalis, may paghahamon at may mayabang na ngisi sa labi. Wala namang sinasabi sa'kin si Gail kaya nagulat ako na gusto nya pa lang pumunta sa ibang lugar. Is she bored here? "You want to come with me at the farm? We will eat strawberries there." Tyrrell squatted down in front of her as he held her hand. Umikot ang mata ko. Ang bata pa lang nya pero napapaikot na nya ang mga nasa paligid nya. Unti-unting lumiwanag ang mukha nya, ngingiti sana pero saglit na napatingin sa'kin saka tumitig ulit kay Tyrrell. "B-But, ate said---" "Fine, you can come with Kuya Tyrrell." Sansala ko sa iba pa nyang sasabihin, ayaw kong mag-mukhang evil sister. Tumili sya at tumakbo sa'kin saka ako niyakap ng mahigpit. "I will just change my shoes, Kuya Tyrrell. I'm going to wear my boots, finally!" She said in a singsong voice while running upstairs. Natatawang napailing si Tyrrell ng bumaling ako sa kanya, pinandilatan ko na lang sya. Wala pang twenty minutes nang bumalik si Gail with her boots and floral hat. Talaga naman, she's really excited, huh. Nakatanaw ako sa kanila sa lanai habang magkahawak kamay silang naglalakad papuntang farm. "Ang bait ho ni Sir Tyrrell 'no? Bagay ho kayo, ma'am at kasundo pa sya nila sir Wyler at Gail." Gulat akong napalingon kay Gina saka humalukipkip. "Hindi naman sya nanliligaw." Tangging nasabi ko. "Kung manliligaw ho, may pag-asa ho ba?" Natigilan ako sa tanong nya at natahimik, nahulog sa malalim na pag-iisip. Kung ako ang tatanungin, gusto ko. Pero kung ang puso ko ang masusunod, alam kong kahit kailan hinding-hindi ito sasang-ayon. Pumunta ako ng factory para kahit pa paano ay mabura iyon sa isipan ko. Tumaas ang kilay ng mapansin ang dalawang babae sa gilid na nagtutulakan habang ang isa ay may hawak-hawak na box ng cake, napailing at nagpatuloy ako sa paglalakad pero natigilan ng marinig ang sinabi ng isa. "Nahihiya nga akong magbigay, samahan mo na lang kasi ako para sabay tayong magbigay nito kay Deucalion." Mabilis akong napalingon sa kanila at agad na bumilis ang t***k ng puso ko. Ni hindi ko nga namalayang nakalapit na pala ako sa kanila. "Ma'am J-Jane." Namilog ang mata nila ng makita ako. "Deucalion? Si-Sino iyon?" Nagkatinginan sila, ang may hawak ng cake ang sumagot. "Isa ho sa mga farmer dito, ma'am Jane." I immediately dialed Wyler's name when I entered my office. Sya ang namamahala sa pagpapasweldo at nag-i-interview sa mga bagong aplikante, hindi ako nangengealam doon dahil may tiwala ako sa kanya. Nang tingnan ko ang files ng mga empleyado, may Deucalion nga doon at tatlong buwan na itong nagtratrabaho dito pero walang surname. But Wyler's not answering. Damn it! Frustrated akong napaupo sa swivel chair pero kumalma din. Ano ngayon kung may Deucalion akong empleyado, hindi ba pwedeng magkapangalan lang o nagkataon lang? Hapon na ng makauwi sila Tyrrell, ang laki ng ngiti ni Gail at may dala-dala pang basket na punong-puno ng strawberries. "I have a crush, ate." Mayabang nyang sabi sa'kin at para bang iniinggit ako. "He's one of the farmers though but he's so cute." Nalaglag ang panga ko at tumaas ang kilay, hindi matanggap ng utak ko ang sinabi nya. Gulat na tumingin kay Tyrrell, nakangising nagkibit-balikat lang ito sa'kin. "Nga pala, you want to come with me tomorrow?" "Para saan?" Tanong ko na nakatingin kay Gail habang nagkukwento ito kay Gina ng tungkol sa crush nito. "I will meet Dictator Mansalbon and I think, hmm, I need a date." I glanced at him and pressed my lips together when I saw hesitation in his face. Siguro panahon na rin para pagbigyan ko sya, why don't I give it a try? I nodded then smiled. "Sure, I'll come." Ngumiti sya saka nilapitan na si Gail. Nahinto lang ako sa panunuod sa kanila ng mapatingin sa pinto ng kusina, palabas iyon sa likuran ng mansyon. Lumapit ako doon at nakita ang mga nagkakatuwaang mga kalalakihan don. "Magandang gabi ho, ma'am." Sabay-sabay nilang bati. Ngumiti lang ako at tiningnan sila isa-isa. Papasok na sana pero may lalaking lumapit sa kanila, nakasuot ng abuhing button-ups, kupas na maong at itim na rubber boots habang hawak-hawak ang kanyang cowboy hat. At parang kumawala ang puso ko at tumigil ang paghinga ng makilala ito. Natulala ng magtagpo ang mga mata namin. Nilapitan sya ng mga nandon, may umakbay sa kanya hanggang sa tuluyan na syang matabunan at ang may kahabaang buhok na lang nya ang nakikita ko. With his height and physique, even wearing those kinds of clothes. He really stands out there. Kung kailan handa na akong kalimutan sya, doon naman sya biglang magpapakita at gugulhin ang tahimik ko ng mundo. Tulala ako hanggang sa makaluob sa kwarto ko, naguguluhan. I know he's not just my imagination so what is he actually doing here? Mahina kong pinalo ang ulo na baka pinaglalaruan lang ako ng imahinasyon ko. Frances mentioned in the video that Kael, Santi and Lyon were born as kings. So what the hell is Lyon doing here? He was born and raised as a king, his part of the royal family, he's rich, he's a headmaster, one of the powerful vampire so what the hell is he doing here? Ano? Para magbungkal ng lupa? Magtanim? Magsaka? Napasabunot ako sa buhok ko at natawa. I can't even picture him doing those things, Tyrrell or Wyler or some farmers ordering him and shouting at him. I can't imagine him obeying or following them. I slightly flinch when my phone beeped. When I get it, I saw an unknown number. Matagal na rin akong nagpalit ng cellphone at number. My heart thudded when I answered it and I don't even know why. "Hello?" namamaos kong tanong pero walang sumagot. "Hello? Si-Sino ito?" Medyo nilakasan at pinatigas ko ang boses dahil parang nang-aakit ata ako nong una. Napapikit ako ng hindi ito sumagot. I turned off my phone then stormed out of my room. Diretso ako sa likod ng mansyon, mabibilang na lang sa daliri ko ang mga umiinom don. Sa di kalayuan ay ang papalubog na araw. Tinitigan ko pa talaga ang mukha ng mga nandon pero hindi ko don nakita si Lyon. Unti-unti ng kumakalat ang inis at galit sa katawan ko. Is he making fun of me? Playing me? "May hinahanap ho ba kayo, ma'am Jane?" May pag-aalinlangang tanong ng matandang babaeng nagwawalis sa sa di kalayuan. Kita ko sa mukha nya ang takot para sa'kin. Napalunok ako, umiling ng hindi alam ang sasabihin. Bumagsak ang balikat, I know by now that I looked scary. With my scrunched up face, how I tightened my jaws, my brows furrowed and how I pursed my lips. Hindi ko lang talaga kayang itago ang inis. I exhaled and turned my back and my lips parted when I saw what I'm looking for. Not far from where I'm standing is Lyon, staring back at me while his arms were crossed over his chest. Para bang kanina nya pa ako sinusundan ng tingin. Umiwas ako ng tingin para saglit na pakalmahin ang sarili, hindi nakatulong ang pagwawala ng puso na tuwang-tuwa ng makita sya. Masahol pa sa isang aso ng makita ang kanyang amo. Nang makitang wala ng tao sa paligid, ay doon ko lang sya nilapitan. Nilalabanan ang sariling huwag syang yakapin at titigan, hindi ko alam kung bakit naiiyak ako ng makita sya. Hindi ko alam kung bakit masaya at naiinis ako na makita sya. "What are you doing here?" Even I'm so ecstatic seeing him, nakuha ko pa ring tanungin sya sa malamig na boses. His eyes is still blue as the ocean, but more dangerous, extremely dreadful. His eyebrows are much thicker, the stubbles on his face are evident and his hair is not short anymore but not that long. Pakiramdam ko tumangkad din sya at lumaki ang katawan. "Working." Sagot nya at mas nagwala ang puso ko ng marinig ang boses nya. Nakatitig sya sa'kin, parang kinakabisa ang bawat sulok ng mukha ko. Sinusundan ang bawat pagbuka ng bibig ko. "Don't give me that kind of excuse, Lyon." Sa kalmadong boses ay sabi ko. I'm controlling myself even the truth was I want to shout at him. Gusto kong isigaw sa kanya na bakit ngayon pa sya nagpakita. Sa tatlong taong nakalipas, bakit ngayon pa? "Do you want to know the truth then?" Napasunod ang tingin ko sa mata nya ng bumaba iyon sa labi ko. Napalunok ako, sinusubukang huwag magpaapekto sa titig nya. "Of course I want to know the truth." Halos isigaw ko na iyon sa kanya pero ayaw kong may makarinig sa'min. He's so calm while me, I feel like I'm going to explode. Nang humakbang sya palapit sa'kin ay parang kakapusin ako ng hininga kaya mabilis akong napaatras. He tilted his head then bit his lower lip like he's suppressing himself not to smile. "Get in, it's getting dark." Umikot ang mata ko, nang may maalala ay hindi na napigilan ang sariling tanungin sya. "Dalawang buwan ka na dito, saan ka tumutuloy? O Baka naman lumilitaw ka na lang kung saan-saan." "Get in, Jane, it's getting dark." Ulit nya. "At huwag mong isipin kung saan ako tumutuloy, malapit lang iyon dito." "Saan? I want to see." Tumitig sya sa'kin at parang sinisigurado kung seryoso ba ako. "Jane---" "Gusto kong makita kung saan ka tumutuloy," I paused when I realized something, mabilis na nag-init ang pisngi at parang gustong sambunutan ang sarili. "B-Because you're one of my worker, of course, I need to know where are you sleeping. I-Iyon lang iyon." Agap ko bago pa sya mag-isip ng kung anu-ano. Umiling sya, nahuli ko pa ang pag-angat ng gilid ng labi nya bago sya tumalikod. Umikot ang mata ko at mabilis syang sinundan. Nagtaka ako ng tahakin namin ang sakahan, hindi sigurado kung saan patungo pero ng makita kung ano ang nasa dulo ay napakurap-kurap ako. O baka naman nandon lang ang daanan o doon kami magte-teleport. Isang lumang kadena at kandano lang ang nagsisilbing lock ng kubong iyon. Matagal na iyon dito sa dulo ng farm, ginawa para pahingahan ng mga magsasaka. Kita sa bubong at dingding ang katandaan, siguradong isang malakas na bagyo na lang ay liliparin na rin iyon. May maliit na kamang walang kutson, de-lampara at siguradong malamok at malamig don. Hindi makapaniwalang nilingon ko sya. "You are really serious that you're sleeping here? For two months?" Nagkibit-balikat lang sya. Laglag ang pangang inilibot ko ulit ang tingin sa paligid. May isang bag sa ibabaw ng kama na mukhang gamit nya. Umiling ako. No, it can't be. Maybe he's lying again. "San ka kumakain? Naliligo? Nagsi-CR?" Suminghap ako ng bigla na lang nya akong yakapin mula sa likod. Parang lalagnatin at mahihimatay pa ata. "Is this how you treat the men here, huh? Is this how worried and concerned you are about them, hmm?" My lashes fluttered, nanginig ang tuhod ng amuyin nya ang buhok ko saka ilibing ang mukha sa leeg ko. "I can't imagine that this is how you treat your people, Jane, I can't take that you are this worried and concern about them." I know he's referring to all the male workers here. Para akong kinikiliti sa ideyang nagseselos sya. I remembered what you said, Lyon, you told me that you are deadly when you're jealous, hmm. Hanggang ngayon ganon ka pa rin ba? Even I want again to see how he behave when he's jealous, I can't let him hurt innocent people here. Tumikhim ako at pilit na nilalabanan ang bugso ng damdamin kahit ang puso ay parang nabaliw na. "Of course, I'm worried and concern about them because I already treated them like my own family." He breathe in my neck and I can't take the sensation anymore, kusang pumikit ang mga mata ko at napahawak na sa kanyang braso. Wala ng lakas, tuluyan ng napasandal sa kanyang katawan. Three years and he still has this affect to me. "I'm willing to work here forever if that's the only way to be with you, Jane." I tilted my head back when there's a memory popped out in my head, him being patient with me in the midst of dark, rainy night. I closed my eyes, iyon ang isa sa mga ala-alang gustong-gusto ko ng burahin pero parang glue na nakadikit sa utak ko. He's been patient with me back then but I don't know if he can do it with others, sya ang nanlilinlang, nagmamando at may kapangyarihan. I can't imagine him yielding and being passive or being tolerant to others. It's not his nature, it will never be.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD