Just like the moon,
Half of my heart will
Always love the dark.
- Anonymous
Chapter Fifteen
Your pain will be over soon
I'm happy with my life now, I'm satisfied with everything I have. Wyler's by my side while we're both handling the Villa Franchesca and taking good care of Gail. The workers who I also treated like my own family. So I asked myself, what will the old Janina Steinfox do? Iyong nasa kanya pa ang tunay nyang puso, what will be her decision? What will she choose?
Dahil ang dating Jane, uunahin ang pamilya. Kung noon, si Lyon lang ang nagpapalakas sa'kin. Ngayon, mayron na akong dahilan para ipagpatuloy ang buhay ko at hindi ko iyon ipagpapalit at lalong-lalo na, tatalikuran. Naging masaya ako ng makasama ko sila, si Lyon.
He made me happy, the happiness that I never thought I can feel and taste. From the broken, wasted girl, he completed me. He made me alive. Sa kanya ko lang naramdaman ang iba't-ibang emosyon. Back then, I thought he's the dark. But it's all clear to me now, he is the light and I'm always be the dark.
"I'm sorry, Daelan. Mali ka ng dinaanan, I'm just a mortal. Wala akong maitutulong."
I know how I said those words was plain ruthlessness but I need to act like I don't care, like they don't matter anymore so that they can leave me alone. Hindi ko na sya tinanong pa kahit kating-kati na ang bibig ko. Ilang minuto nya akong tinitigan, pinanatili ko ang walang emosyong mukha. Umiling sya bago ako tinalikuran at naglakad palayo, nanghihinang napahawakan ako sa pinto pero mabilis na inayos ang sarili ng bigla syang lumingon.
"Lyon doesn't know about the surgery, we don't know. Nalaman lang namin ng tapos na." he shrugged his shoulder. "Just so you know."
Wala ng puwang sa'kin ang magsisi o isipin ang kung o sana o baka. Because I never regret being with Lyon and giving myself to him. I never regret destroying my rules about involving with vampires dahil sa mga panahong kasama ko sya, iyon ang pinakamasayang nangyari sa buhay ko. Pero kahit ganon, alam kong hinding-hindi pa rin kami magtatagpo because I'm a mortal and he's a vampire.
Kung susundin ko ang puso, I might end up like Frances. Kaya habang maaga pa, kailangan ko na syang kalimutan. Alam kong mahihirapan pero kailangan kong subukan.
We planted strawberries and coffee's at the end of the year, sinubukan ko lang dahil sa panahon ngayon dugo ang pangunahing kailangan kaya sa sumunod na taon hindi ko inaasahang papatok iyon. We've been very busy dahil kakaunti na lang ang nagtatanim.
Hawak ang basket na may lamang strawberries ay pumunta ako ng kusina para uminom ng tubig ng bigla na lang may pumasok na idea sa utak ko. It wasn't brilliant, I know but I just want to try it.
A strawberry flavored blood for vampires.
I consulted it to Wyler and Tyrrell, an agriculturist and our friend also. Yes I know it's crazy, the look in their faces says it all.
"Hindi ka ba kontento sa pagtatanim ng strawberries at kape pati paggawa ng..." Ngumuwi si Wyler saka itinuro ang shot glass na nasa mesa na may lamang strawberry flavored blood. "What is that? Juice or wine?"
I roll my eyes. "It's still blood but flavored, Wyler."
Tyrrell shifted on his chair. "It's sounds nice, Jane, siguradong tatangkilikin iyan ng mga vampires. But to be able to do that, we need bloods also."
Napagisipan ko na rin iyan at pinaghahandaan. Every three months nagdo-donate kami ng dugo sa hospital sa downtown, siguro kakausapin ko na lang ang namamahala don.
Everything I did was a gamble, ang pagtatanim, ang paggawa ng flavored blood. And now, I never expected that it will boomed. Yes, noong una nahirapan, nakaranas din ng problema. Mga krisis but now, masaya ako sa kinalabasan. May naghahanap pa nga ng ibang flavors ng flavoured blood ko, at patuloy pa din ako sa pagtuklas at pag-experiment.
My life revolved around Villa Franchesca, for almost three years, I spent my life only here. Hindi lalabas kung hindi kinakailangan, ni hindi ko nga maalala kung lumayo ba ako sa lugar na ito.
"Where did you bought that, ate?" Gail squinted her eyes at my chain bracelet that until now, I can't removed.
Saglit akong napatingin doon bago ko ipinagpatuloy ang pagtimpla ng gatas nya.
"A special someone gave this to me."
Her lips twisted. "Special? Like Kuya Tyrrell?"
Kumunot ang noo ko. "Paano naman nasama dito si Tyrrell?"
"Isn't he your boyfriend? Oh!" Natutop nya ang bibig. "Si Kuya Daniel ho ba?"
I eyed her, she's just seven years old pero alam na ang mga bagay na iyon. Malilintikan talaga sa'kin si Wyler, kung anu-ano ang mga sinasabi kay Gail.
Inilagay ko sa tabi ng plato nya ang baso ng gatas saka hinalikan sya sa pisngi. Her jet black hair is braided and she have bangs, her cheeks are rosy and chubby. She reminds me of our late brother, every time I looked into her eyes... I always remembered Steve.
'Tyler and I are just friends, Gail." Umupo ako sa tabi nya at sinimulan syang subuan dahil mukhang hindi sya titigil sa kakatanong sa'kin.
"But when I asked Kuya Tyrrell who is his crush, he told me that it's you."
I tilted my head then pinched her cheeks. "You're too young to think about that, Gail. C'mon, baka ma-late ka."
I want her to be homeschooled but I know for sure, she'll get bored and worst baka mag-rebelde. Pero mas nangingibabaw ang kagustuhan kong mag-enjoy sya. I want her to enjoy every seconds of her life.
"Huwag kaskasero, Wyler." Sita ko sa kanya ng maayos na maiupo sa passenger seat si Gail.
"You've been telling me that everyday, Jane."
"Accidents happen all the time." I mumbled while eyeing him.
As long as I want to, ayaw kong nakikita ni Gail na nag-aayaw o nagsasagutan kami o kahit na sino sa villa Franchesca. Ayaw kong tumatak sa isipan nya iyon, ayaw kong iyon ang maalala nya habang lumalaki sya.
"I don't know if you're strict or what to them."
Napalingon ako kay Tyrrell at natawa na lang.
"Siguro, iyong katamtaman lang." Sabi ko saka nagkibit-balikat. "You know, kids this days. Can't be tamed."
He nodded, agreeing to what I said. Inilibot ko ang tingin sa paligid, ang ibang manggagawa ay naghahanda na para sa trabahong gagawin sa araw na iyon. Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng kaba sa bawat minutong lumilipas. Tumataas ang balahibo ko sa batok at ang lakas ng t***k ng puso ko. Para bang may nanunuod sa'min, may nakasubabay sa'kin.
"Jane,"
Napitlag ako ng may humawak ng balikat ko at mabilis na napatingin kay Tyrrell.
"Y-Yes?"
"Namumutla ka, are you okay?"
I rubbed my forehead and forced a smile. "Oo n-naman."
"Ma'am, may tawag ho para sa inyo."
Bumaling ako kay Gina na kanina pa pala nasa tabi ko habang hawak-hawak ang cellphone ko. I mouthed thank you to her before I get my phone then looked at Tyrrell.
"I will be going then." He kissed me on my cheeks.
Doon ko lang napansin na nakasuot sya ng sweatshirt, ripped jeans at rubber boots. Tumango lang ako saka sya umalis. I answered my phone.
"Hey! Daniel."
Tumanaw ulit ako sa paligid, nang wala namang makitang kakaiba, pumasok na ako ng mansyon.
Mabilis lang akong naligo at nagsuot ng chambray, cargo pants at biker boots. My hair is in chignon and I wore a baseball cap. Natigilan ako ng mapatingin sa bintana at makita ang isang tangkay ng dandelion doon. Malakas ang kabog ng dibdib ng kunin ko iyon. Naghanap ng sulat pero wala namang nakita.
The last time I received a flower like this, it was my nineteenth birthday. Bumuntong hininga ako at inilagay na lang iyon sa tenga ko bago lumabas ng kwarto.
"Gina," tawag ko dito ng makababa ng hagdan.
Patakbo itong lumapit sa'kin. "Yes, ma'am?"
"Damihan mo ang lulutuin mo mamayang lunch, may bisita akong darating."
Daniel is on his way here, siguro mga eleven ay nandito na sya. He now owns a restaurant at metro and we also supply our flavoured blood there.
Katulad ng mga nakalipas na araw, sinimulan ko ang araw sa paglibot sa farm. Titingnan ang factory at minsan ay tumutulong sa pagha-harvest, pagtatanim at paggawa ng flavoured blood. It was stressful, tiring but it's all worth it.
It's past ten in the morning at karamihan ng mga manggagawa ay nagpapahinga at nagmi-meryenda. Nginitian ko ang mga nadaanan kong sunod-sunod na bumati sa'kin. Pero natigilan ng may mahagip ang mata, malayo sa karamihan ay may nakaupong lalaki sa ilalim ng puno. Nakatalikod ito sa'kin kaya hindi ko makita ang kanyang mukha kaya nakapagtataka kung bakit bumilis ang tahip ng puso ko at bumigat ang hininga. And I'm not aware anymore that people there are already looking at me while I'm slowly walking to the direction of that man.
He remind me of someone, someone who I want to forget. Someone who I want to erase in my mind, in my memories... In my life. But I know it's impossible. It's been three years without hearing anything from them, kaya talagang imposibleng sya iyon pero bakit ko ito nararamdaman? At isa pa, ano ang gagawin nya dito wearing those farmers clothes?
"Ma'am, nandyan na raw ho si Sir Daniel." May biglang sumigaw dahilan ng pagkatigil ko at pagbalik sa realidad.
Nakita ko pang bahagya nyang itinagilid ang ulo pero hindi naman tuluyang lumingon. Masyadong nakakasilaw ang liwanag sa banda nya kaya hindi ko pa rin maaninag ang mukha nya.
Inalis ko ang suot na baseball cap at nakangiting tumakbo sa mansyon ng makita si Daniel na naghihintay sa'kin don. Niyakap ko sya at hinalikan sa pisngi, nakasanayan na rin.
"Sobrang sipag mo, mamaya nyan pati ako kaya mo nang bilhin."
I don't know if he's joking or what because he's seriously looking at me. Ngumuso ako at iginiya sya papasok. He matured, from happy-go-lucky guy, now a serious and successful businessman. Marami na ngang nagagawa ang tatlong taon. Ako, hanggang ngayon, hindi pa rin makapaniwala na sa isang farm iikot ang buhay ko. This is not what I'm expecting with my life, this is not what I dreamed for.
Sabay kaming nag-lunch with Tyrrell, alam kong hindi sila palagay sa isa't-isa pero kahit pa paano ay civil naman sila. Kahit dito sa mansyon nakatira ang mga tauhan ng farm ay hindi sila dito kumakain at nagluluto, kung kakain man iyon ay kung may handaan. They have this house outside with kitchen and salas.
"Kuya Daniel." Tili ni Gail ng makita ito, nasa may lanai kami at nagkakape habang hinihintay na dumating ang mga ito.
Tumayo si Daniel at sinalubong si Gail saka ito binuhat. Hindi naman nakaligtas sa paningin ko ang pag-irap ni Tyrrell.
"Ty," I warned him.
Bumuntong hininga sya saka bumulong. "Hindi na ba talaga magbabago ang isip mo tungkol sa dalawang iyan?"
He's referring to Walker and Flinch na kasama ni Wyler. They're both nightwalkers who is working here at night, parang security guard ganon. I accepted them because they want to changed, to be accepted.
Pinandilatan ko sya. "They've been here for almost three years, Ty. Bakit ba hindi mo sila makasundo."
"Because they're vampires."
"They're nice, they are here because they want to live a normal life---"
"I don't trust them."
Pagod ko syang nilingon. "Ty, I trust them."
Napabuga sya, sumusukong tumango saka nagpaalam na luluob. Tumayo ako saka sila nilapitan, sila Wyler ay pumunta naman sa likod ng mansyon.
"How's your day, Gail?" I asked her as I kissed her forehead.
"It's fun, ate. Nothing's changed." Sagot nya na nakayakap ng mahigpit sa batok ni Daniel.
"May pasalubong ako sa iyo, why don't you change first." Daniel whispered to her.
Ngumiti si Gail at nagmamadaling pumasok ng mansyon. Nangingiting sinundan ko na lang ito ng tingin, napapailing.
"I heard that."
Naguguluhan ko syang nilingon. "Heard what?"
"What Tyrrell said," Umingos sya. "Kung umasta akala mo girlfriend ka nya. Nong naging tayo naman, hindi naman ako ganon. Pero iyon..." Umiling sya. "Paano pa kaya kapag naging kayo."
Napasentido na lang ako at hindi na nagkumento pa. Tyrrell is nice, pero minsan ang pagiging maalalahanin nito ay nakakasakal na rin. Yes, Tyrrell confessed once but he never tried to court me. Maybe it was three years ago kaya hindi ko na masyadong iniisip kung iyon pa rin ba ang nararamdaman nya hanggang ngayon.
And if ever he courted me, I'm not sure if I'm ready. So I'm thankful that he never tried and I hope that he won't try.