Masasabi kong maganda ang naidulot sa akin ng Maynila. Hindi ako binigo ng lugar na ito sa pagtupad sa simple kong mga pangarap. Kabi-kabila rin ang naging raket ko. Hindi ko talaga maiwasang hindi pasukin ang negosyo dahil iyon ang nakagawian kong hanapbuhay. Malaki na ang inilago ng longganern ko. Ako na ang nagsu-supply ng longganisa sa canteen ng Revamonte law firm. Free meal kasi ang mga empleyado roon. Syempre, si Nigel bebeloves ko ang tumulong sa akin. Nagbebenta ulit ako ng mga rtw sa mga kasamahan ko sa trabaho. Iyong mga kinikita ko sa mga raket ko ay ipinapadala ko lahat kay Nanay. Iyong sahod ko ay iniipon ko sa banko. Naisip ko nga minsan na bumukod na lang. Nakakahiya na kasi masyado kay Nigel. Sapat na ang biyaya ng Diyos na nakakamit ko ngayon. Kailangan ko nang matuton

