Namiss ko ang sariwang hangin dito sa bayan kong sinilangan. Maaga akong gumising upang magluto ng almusal. Naabutan ko si Nigel na nasa terrace habang hawak ang kanyang cellphone katabi si Morty. Mukhang tuwang tuwa sila sa cellphone ni Nigel, nanunuod kasi sila ng cartoons. "Hey, kanina ka pa gising?" bahagya akong napatulala kay bebeloves ko. Bakit ganoon, napaka unfair talaga ng buhay. Kahit bagong gising ito ay gwapo pa rin. "Oo, kanina pa. Nakapagluto na ako ng almusal. Tara, kain na tayo." Lumapit siya sa akin at hinawakan ang kamay ko. Nagulat ako sa nang halikan niya ang aking noo. Kinilig ako ro'n. "Hoy! chansing ka na." Itinulak kong bahagya ang mukha niya, siya naman ay nakangisi lang. "Bakit mo ako hinalikan sa noo?" "Bakit sa lips ba dapat? Okay lang naman." Lumapit p

