"S-sino ka?" Nanginginig ang mga labi ko nang itanong ko iyon sa kanya. Mabilis niyang pinatay ang TV at nilapitan ako. "Chana, I'm sorry. H-hindi mo pa dapat ito makita." Hinawakan niya ang mga kamay ko. Bigla siyang lumuhod at nagsimula ulit umiyak. "I'm sorry. I'm sorry, Honey. I should've told you the first time we meet again pero natakot ako. Makakasama kasi sa'yo. There's a big possibility that you'll skip memories." Nanlalambot ang mga tuhod ko. Parang ano mang oras ay bibigay ito. "I don't want you to skip the memories of us. That will be the death of me, Hon. Mamamatay ako kapag hindi mo ako naalala." Patuloy pa rin siya sa pag-iyak. Unti-unti akong umupo at hinaplos ang kanyang mukha. "Sino ka Nigel? Sino ka sa buhay ko? Hindi sigurado ang isip ko, pero itong puso ko,

