Chapter 42

1473 Words

"Nanay, hindi na po ba tayo babalik doon kay Tatay Nigel?" malungkot na tanong ni Charlotte. Ginanap ko ang kanyang kamay at pinaupo sa aking tabi. Nitong mga nakaraang araw ay napapansin ko ang pananamlay niya. Labis niyang ikinalungkot ang paglayo kay Nigel.  Kapag pinagtatagpi-tagpi ko ang mga nakikita kong imahe sa panaginip at isipan ko sa tuwing sumasakit ang aking ulo ay para na akong mababaliw. Pakiramdam ko ay mga alaala iyon na gustong bumalik. Kaya napagpasyahan ko na bumalik sa poder ni Nigel. Hindi ko alam kung sino at ano siya sa buhay ko. Ngunit isa lang ang sigurado ko, malaki ang lugar niya sa aking puso. Hindi naman ako talagang umalis. Humingi lang ako ng isang linggong pahinga. Nakakapagod na rin kasi iyong araw araw na lang na pagsakit ng ulo ko nitong mga nakaraan.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD