Ang almusal sa Monteverde resort villa ay karaniwang tahimik. Kape. Saging. Konting chika.
Pero hindi ngayong araw na 'to.
“SERENA! Tumigil ka nga diyan at ipaliwanag mo 'yang ngiti mong parang may nanalo sa lotto!”
Si Sabrina iyon—walang kupas, naka-satin robe na pula, may hawak pang spatula na hindi naman talaga niya alam gamitin.
"Ano ka ba, 'Brina," ani Serena, pilit pinapantay ang tono habang isinusubo ang pancake na gawa ni… guess who? Elio. “I’m just in a good mood.”
"Good mood my behind," sabay upo ni Sabrina sa tabi niya. "Bumangon ako ng maaga at ang una kong nakita? Si Elio, naka-apron lang. Walang shirt. At ikaw, nakasiksik sa kitchen like a hungry lioness."
Serena almost choked.
Elio, na kasalukuyang naglalagay ng prutas sa serving tray, napalingon lang ng konti pero hindi nagsalita.
At kahit wala siyang sinasabi, halos sigawan na siya ng body language nito:
“Bakit ba kasi tayo nagluto ng pancake in that robe?”
Napasinghap si Sabrina. “Wag mong sabihing…”
Serena raised her hand. “Don’t.”
“…na nag-butter kayo ng pancake—gamit ang feelings ninyo!”
“BRINA!”
“Giiirl, wala akong problema kung may pa-illicit affair kayo. Pero at least man lang, sabihin niyo sa’kin para ako ang magbabantay!”
“Wala ngang illicit affair!” sagot ni Serena, pero napansin niya ang di maipaliwanag na ngiti ni Elio habang pinipilas ang tinapay sa tray.
As if… proud pa siyang nabuko.
“Ugh! Ang lalaking ‘yan. Gusto ko na siyang sipain minsan.” Sabrina crossed her arms.
“Ewan ko sa’yo. Bakit ba parang galit ka palagi sa kanya?”
“Hindi ako galit, ha. Curious lang ako kung anong special sa kanya at bigla siyang favorite ng buong staff. And—bakit siya laging nasa paligid mo, ha?”
Serena pretended to think. “Hmm. Maybe because… he’s the house boy?”
“Excuse me, hindi naman ganyan ang vibe niya. Hindi siya ‘yong typical boy-next-door. He’s more like… forbidden fruit. As in forbidden, tapos juicy pa.”
"Yuck," ani Serena, pero sabay silang napatawa.
Hindi niya maitanggi. Kahit si Sabrina, nararamdaman ang kakaiba kay Elio.
Pero ang hindi alam ni Sabrina…
Kagabi pa lang, halos matunaw na siya sa init ng titig nito.
---
Maya-maya, pumasok si Tita Corinne—eleganteng naka-summer dress at may hawak na clipboard.
"Girls, we need to prepare for the charity event sa mainland bukas. Serena, pakisamahan si Lucio sa early set-up. And Elio—”
Nagtaas ng kilay si Tita Corinne nang mapansing andun si Elio.
“—ikaw ang mag-aayos ng mga supplies. Sumama ka rin sa yacht para hindi puro babae ang crew.”
“Got it po,” sagot ni Elio, bowing slightly.
“Wait,” ani Sabrina, “bakit si Lucio ang kasama ni Serena? Hindi ba pwedeng si—”
"Sabrina," sabat ni Corinne. "We want Serena to bond with her future husband. Wag ka ngang magulo."
“Ugh,” bulong ni Sabrina, sabay sulyap kay Elio. “Good luck na lang sa 'yo.”
---
Pag-alis ni Corinne, sabay na napatingin si Serena at Elio sa isa’t isa.
Walang nagsasalita.
Pero may isang malinaw na tanong sa hangin:
Paano kung may makakita sa kanila… at may mahuli pang hindi dapat?
---
Ang hangin sa dalampasigan ay malamig-lamig pa kahit tirik na ang araw. Sa dock, nakapila na ang mga tauhan ng Villanueva at Monteverde para magbitbit ng mga gamit papunta sa charity event.
Serena, nakasuot ng puting linen dress, sinabayan ang pagtiklop ng kanyang sunglasses sa pagkakatitig sa yacht.
“Talaga bang kailangan pa nating gawin ‘to?” tanong niya kay Lucio na abala sa pagte-text.
“Public image,” sagot ni Lucio, hindi man lang tumingin. “Our families need to be seen as one. Engaged na tayo, remember?”
Nagpigil ng buntong-hininga si Serena.
Engaged daw. Pero parang business deal lang ang tingin niya sa’kin.
“Ma’am Serena,” bulong ng isang staff.
Nilingon niya—si Elio, nakaputi rin pero naka-fit na polo, may bitbit na cooler.
“May naiwan po kayong water bottle sa kwarto. Dinala ko na.”
Napukaw ang atensyon ni Lucio.
“You’re the house boy, right?”
Elio nodded. “Yes po, sir.”
“Masyado kang… proactive.”
Hindi sumagot si Elio. Ngunit nang mag-abot sila ng tingin ni Serena, may init na hindi kayang itago ng linen o polo. Para bang may sariling frequency ang mga mata nila, nag-uusap sa pagitan ng katahimikan.
---
Pag-akyat nila sa yacht, naupo agad si Lucio sa harapan, busy sa laptop at calls.
Si Serena naman ay pinili ang shaded area sa likod, kunwaring nagre-relax, pero ang totoo…
Sinusulyapan si Elio habang inaayos ang drinks bar sa gilid.
“Saan mo natutunan ‘yang pag-mix ng drinks?” tanong niya.
“Observation,” sagot ni Elio. “At... practice.”
“Practice? Kanino ka nagpapractice?” Medyo pilyang tanong.
“Gusto mo pong ikaw ang una kong bigyan ngayon?”
Napakagat-labi si Serena.
Nag-abot ito ng isang glass na may manipis na yelo, citrus at mint.
Hindi niya alam kung dahil sa inumin o sa hawak ni Elio sa pulso niya habang inaabot ito, pero may kiliting dumaloy mula sa balat pataas sa batok.
Kalma, Serena. Public setting ‘to.
Pero bago pa siya makaalis, lumapit si Elio. Mahinang bulong lang:
“May yelo sa labi mo.”
At sa halip na tissue… ang hinlalaki niya ang ginamit para punasan iyon.
Hindi naman iyon bastos. Walang malaswa.
Pero Diyos ko—bakit parang gusto niyang mahulog sa tubig para lang mapalapit ulit dito?
---
“SERENA!”
Napalingon siya—si Lucio, tinatawag siya mula sa deck.
“Join me here. We need to discuss the seating arrangement for tomorrow.”
Napilitan siyang tumayo, nilingon si Elio bago umalis.
“Salamat sa drinks,” bulong niya.
“Anytime po,” may pilit na pigil sa tinig.
---
Habang abala siya kay Lucio, hindi niya maalis sa isip ang eksena kanina.
That soft touch.
That almost-kiss energy.
And the worst part?
Mas gusto niya pa ito kaysa sa anumang binabalak ng pamilya niya para sa future.
---
Samantala, si Sabrina, naiwan sa villa, ay galit na galit habang hawak ang isang binuksang envelop.
A photo—Serena. Elio. Kitchen. Malapit. Malambing.
“Mukhang may pasabog ako sa charity event,” sabay ngisi niya.
---
Ang liwanag ng araw ay unti-unting lumambot habang ang hangin sa resort ay patuloy na humahaplos sa balat ng bawat naroroon. Sa infinity pool, naroon si Gello, nakasuot ng makulay na kimono habang umiinom ng mocktail. Nakataas ang kanyang mga paa sa lounger at tila may sariling telenovela sa loob ng kanyang isipan habang pinagmamasdan si Elio na ngayo'y nag-aayos ng mga lounge chair malapit sa dagat.
"Oh, Diyos ko," bulong ni Gello sa sarili, "Kung hindi pa ako ganap na bakla, baka ako na mismo ang nagpropose diyan sa Elio na 'yan."
Napatingin si Elio sa direksyon ni Gello, tila naramdaman ang tingin nito. Ngumiti siya ng bahagya bago muling ibinalik ang atensyon sa trabaho. Sa bawat hakbang niya, umaalog ang manipis niyang gray na shorts, at sa sobrang nipis nito, halos bumakat ang bawat galaw. Mukhang hindi na naman siya nagsuot ng underwear.
"Aba't hindi mo ba alam kung paano gumamit ng brief?" usal ni Gello, habang pilit pinipigilan ang sariling mag-screenshot ng eksena gamit ang kanyang memorya. "O baka naman 'yun talaga ang intensyon mo, iho? Paakit much?"
Maya-maya pa, dumating si Serena, suot ang isang eleganteng cover-up at dark red swimsuit na litaw na litaw ang hubog ng katawan. Agad siyang nilapitan ni Gello.
"Bestie! Nakita mo na ba si Elio today? Girl, sumasayaw ang... ah, well, ang buong pagkatao niya habang nag-aayos ng lounge chair. Feeling ko may sariling choreography," bulalas nito.
"Tama na nga, Gello," natatawang sabi ni Serena habang umupo sa tabi ng best friend. Ngunit kahit pa sinasaway niya ito, hindi rin niya mapigilang mapatingin kay Elio.
Tila slow motion ang lahat. Ang pawis sa kanyang dibdib. Ang tila aksidenteng pagyuko nito na nagbibigay tanaw sa toned niyang abs. At oo, ang shorts. Ang hindi matinag-tinag na shorts.
Biglang bumaling si Gello sa kaibigan. "Hoy, seryoso ka ba sa fiancé mo? Kasi kung ako 'yan, itatapon ko na 'yung engagement ring at sasabihin, 'I choose freedom... and Elio.'"
"Stop it," natatawang tugon ni Serena, bagamat may bahid ng pagkalito sa kanyang boses. "This is just... complicated."
Biglang may boses mula sa likod. "Complicated nga ba, ate?" Sabay sabay silang napalingon.
Nandoon si Sabrina, nakasuot ng designer shades at hawak-hawak ang coconut shake. "O baka naman nagpapaka-complicated ka lang kasi ayaw mong tanggapin na attracted ka sa house boy na yan?"
Napataas ang kilay ni Serena. "Anong ginagawa mo rito, Sabrina?"
"I was invited," sagot nito sabay irap. "And besides, Lucio wanted me to join. Family bonding daw."
Hindi pa man lumilipas ang tensyon, may lumapit na babae kay Elio—isang guest sa resort na mukhang hindi marunong lumugar. May hawak itong wine glass, at sa halip na dumiretso sa bar, dumiretso siya sa binata.
"Hi," maharot na bati ng babae, sabay tapik sa braso ni Elio. "Are you from around here? You don't look like the usual staff."
Tahimik si Elio. Magalang siyang ngumiti ngunit halatang naiilang. Bago pa man siya makasagot, biglang sumulpot si Sabrina, lumapit sa babae, at parang eksena sa teleserye, "Excuse me, hindi ba't may bar doon sa kabilang side? O baka naligaw ka ng akala mong Tinder to?"
"Excuse me?" sagot ng babae.
"Excused ka na," sabay hila ni Sabrina sa braso ng babae palayo. "Aba't kung gusto mong maghanap ng date, hindi dito sa resort ng mga Villanueva."
Lahat ay napatingin. Si Serena ay halos mapa-facepalm. Si Gello naman ay napabulong, "Oh my gahd. And the award for Best Supporting Kontrabida goes to... Sabrina Villanueva."
Si Elio, hindi alam kung matatawa o magpapasalamat. Pero hindi niya rin mapigilan ang konting ngiti habang pinapanood ang sabunutan ng tinginan nina Sabrina at ng babae.
Nang makaalis ang babae, biglang lumapit si Sabrina kay Elio. "Don’t worry. I got you, babe," sabay kindat. "Ayokong may bastos na nang-aagaw ng pagmamay-ari ko."
Pagmamay-ari?
Napatingin si Serena sa kanilang dalawa. Sa isang banda, nainis siya sa pagiging possessive ng kapatid. Pero sa kabilang banda, hindi niya rin maintindihan kung bakit bigla ang kurot sa kanyang dibdib.
Pagbalik nila sa lounge chairs, hindi mapakali si Serena. Samantalang si Gello ay tila aliw na aliw.
"Girl," anito, "aminin mo na. Hindi lang siya house boy. Siya ang home... ang tahanan."
"Gello, tatahimik ka ba o itutulak kita sa pool?"
Ngumiti lang si Gello at sumimsim ng mocktail. Ngunit sa mga mata ni Serena, hindi mocktail ang lumulutang, kundi ang imahe ni Elio. Basang katawan, malamlam na mata, at ang pinakamasahol sa lahat—ang kanyang pagngiti.
Isang ngiting hindi na niya matakasan.
---
Ang katapusan ng gabi ay tila hindi na gustong matapos.
Pagkatapos ng abalang hapunan at ng mala-teleseryeng eksenang nahuli ni Sabrina sina Serena at Elio sa kusina—na may mga basang damit, pawis, at mga tingin na para bang may nangyari—ay agad nagkalat ang tsismis sa loob ng bahay.
Pero hindi yun ang pinakamasaklap.
Ang masaklap?
Kinabukasan, pinatawag silang tatlo—Serena, Sabrina, at Elio—ng mismong Queen of Schemes, si Olivia Villanueva, para mag-lunch sa veranda ng mansion. Ayon sa kanya, para raw "magkaalaman na kung ano talaga ang meron at wala."
Classic Olivia.
Elio, na pinilit magsuot ng polo kahit halatang mas sanay siyang mag-punit ng kahoy kesa mag-porma, ay naupo sa kaliwa ni Olivia. Si Sabrina, sa kanan, may suot na manipis na floral dress na hindi mo alam kung summer-ready o pang-atake. Si Serena naman, kaharap ng ina, sa pinakatapat ng mesa—tamang-tama para sa firing squad.
“Kumusta ang lemonade, Elio?” tanong ni Olivia habang may halong matamis pero mapanganib na ngiti.
Napalunok si Elio. “Masarap po. Medyo maasim lang.”
“Ako ang gumawa niyan,” singit ni Sabrina na may bahagyang ngiting parang may binabalak. “Nilagyan ko ng... extra passion.”
Nagkatinginan sina Serena at Elio.
“Hindi ko alam kung passion fruit ang tinutukoy mo o intent to murder,” bulong ni Serena sa ilalim ng hininga niya.
Pero hindi siya handa sa sumunod.
Habang nagsasandok ng salad si Olivia, bigla niyang sinabi, “Alam mo, Serena, parang may tension sa pagitan niyo ng ating bagong houseboy. Halatang-halata kagabi—basang-basa ka, anak.”
CRACK.
Ang tinidor ni Serena ay nabali. Literally. Nabali niya sa pagkakakuyom.
Si Elio naman, napaubo. Sabrina? She looked absolutely pleased.
“Naapakan niya lang ako!” depensa ni Serena, agad. “Nalaglag ‘yung pitcher ng juice. Kaya kami nagka… basaan.” Huli na. Masyadong late ang choice ng word.
“Basaan talaga?” tanong ni Olivia habang itinaas ang kilay, sabay inom ng iced tea. “Parang ibang klaseng kuryente ang nakita ko sa mga mata niyo.”
“Siguro dapat ako na lang ang apakan mo, Elio,” sabat ni Sabrina, sabay kindat. “Mas sexy pa ‘ko pag basa.”
Si Elio, namutla. Parang gustong matunaw. “Ahm… sige po, ipagpatuloy ko na lang po ang paglilinis mamaya.”
Pero Olivia wasn’t done.
“Bukas, Elio, ikaw ang magiging personal assistant ni Serena para sa preparation ng garden party ng Villanueva Foundation. One-on-one kayo.”
“Ano po?!” sabay-sabay halos ang sagot nina Serena at Elio.
Sabrina, halatang naiinggit, agad na tumayo. “I don’t think that’s a good idea, Mom. Baka hindi maging professional ang vibes.”
“Well, I think it's exactly what they need,” sagot ni Olivia habang nagsusubo ng olive. “Para magkaalaman.”
---
Kinabukasan.
Mainit ang araw. Mas mainit ang mga mata ni Sabrina habang pinagmamasdan sina Serena at Elio na magkasamang nag-aayos ng mesa sa garden.
“Wala bang ibang pwede gawin si Sabrina?” tanong ni Serena habang inaayos ang tablecloth. “Yung hindi ako binabaril gamit ang tingin?”
“Siguro po, ‘pag may garden gnome na may laser eyes,” sagot ni Elio, medyo pabulong. “Siya ‘yon.”
Serena tiningnan siya. “Did you just make a joke?”
“I try sometimes.”
“Tuloy mo ‘yan. Baka ma-fall ako.”
Nagkatitigan sila. Ilang segundo. Mahangin. Maaliwalas. Pero may tensyon.
“Serena,” bulong ni Elio. “Kagabi, nung nahulog yung juice… pinanood kita habang tumatawa ka. Ang tagal ko nang di nakakita ng ganon.”
Hindi alam ni Serena kung anong sasabihin. Parang may kulog sa loob ng dibdib niya. Hindi niya inakalang sa isang simpleng araw ng paghahanda para sa party, ang damdamin niya ay para bang… sinusulat sa katawan niya gamit ang tingin ni Elio.
Hindi niya rin inakala na habang naglalagay siya ng puting tela sa mesa, matutumba siya—at masasalong muli ni Elio.
“Grabe ka. Parang laging may timing ‘yung pagdapa ko,” bulong niya habang hawak siya ni Elio sa beywang.
“Maybe gusto mo lang talaga akong masalo,” bulong niya pabalik.
“Or maybe gusto mo lang talaga akong pasaluhin,” sabat ni Sabrina mula sa gilid, hawak ang wine glass kahit alas-diyes pa lang ng umaga.
“Oh, wow,” bulong ni Serena. “Si Sabrina talaga ang lason sa lemonade.”
---
Itutuloy sa Part 5…
Sa susunod na bahagi:
Magaganap ang party, at may surprise guest na ikagugulat ni Elio.
May sexy hallway moment sa pagitan nina Elio at Serena.
At… makikita ni Olivia ang isang bagay na hindi dapat makita.
---
Ang garden party ng Villanueva Foundation ay parang isang socialite’s battlefield: puro mga kilalang bisita, mga donasyon, at syempre, mga ngiting may kasamang paghusga.
Sa isang dulo ng garden, may champagne bar.
Sa gitna, live string quartet.
At sa kabilang dulo?
Serena, nakasuot ng white sundress na may slit hanggang hita, habang nagtatakbo-takbo para ayusin ang mga late na dekorasyon. Ang personal assistant niya for the day—walang iba kundi si Elio—ay abalang-abala rin… sa pag-iwas kay Sabrina.
“Ano ba talaga ang plano mo?” tanong ni Serena habang pinupunasan ang pawis sa leeg gamit ang panyo.
“Ang plano ko, matapos ang party na ‘to nang buo pa ang dangal ko,” sagot ni Elio. “Kung maiiwasan kong mapasok sa walk-in closet kasama si Sabrina, malaking achievement na ‘yon.”
Napatawa si Serena. “Good luck with that. May narinig akong balak ka raw niyang itali gamit ang fairy lights mamayang gabi.”
“Fairy lights?” gulat ni Elio. “Bakit parang mas aggressive pa siya sa Halloween kaysa sa Christmas?”
Tumingin sa kanya si Serena. “Wag ka lang magpaakit. Gusto ko pang mabuhay ka bukas.”
Napatigil si Elio. “Concerned ka?”
“Concerned lang ako sa flow ng party. Hindi bagay na may k********g sa gitna ng charity.”
Nagkatitigan sila ulit. Mahaba. Tahimik. At nang magsalita si Elio, parang mabagal ang oras.
“Gusto mong sumayaw mamaya?”
Serena, bagama’t kinikilabutan sa loob, tumango lang. “Depende. May theme ba? Sexy tango o wholesome waltz?”
“Kung ako ang pipili,” sagot ni Elio, “yung kaya mong gawin habang nakapikit.”
“Wow,” sagot ni Serena, “eh ‘di sana habang nakapikit din ako, hindi na kita crush.”
---
Samantala, si Sabrina ay hindi nagpapatalo.
Suot ang sparkling red dress na parang hiniram sa isang villain sa telenovela, at may dalang wine glass kahit wala pang isang oras simula ng party. Hindi niya inaalis ang tingin kina Serena at Elio, na para bang literal na sinusukat niya kung ilang segundo pa bago siya sumabog.
“Hindi ako papatalo sa kapatid kong masyadong pa-demure,” bulong niya sa sarili. “Ngayon, ako ang bida.”
At syempre, dahil sa mga ganitong klaseng party… may drama talaga.
Habang abala ang lahat sa speeches, dumating ang surprise guest—isang matangkad na lalaking naka-asul na suit, may hawak na silver cane, at may scar sa kanang pisngi.
“Elias?” bulong ni Elio, na parang may nakita siyang multo.
“Wait—kilala mo siya?” tanong ni Serena.
Hindi na siya sinagot ni Elio.
Lumapit ang lalaking may pilat, ngumiti, at sabay sabing, “Elio. O dapat bang Elias ang itawag ko sa’yo?”
Napatigil ang musiko. Tahimik ang paligid. May nahulog na wine glass. Literal.
“Who the hell are you?” tanong ni Serena.
“Ang tanong, sino siya talaga?” sagot ng lalaki, sabay tingin kay Elio. “At anong ginagawa niya sa pamilyang ‘to?”
---
Pero hindi pa d’yan nagtatapos.
Bago pa makasagot si Elio, may biglang nagtulak kay Sabrina—diretso sa pool.
SPLAAAASH!
Lahat ay napatigil.
Sabrina, basang-basa, sumisigaw, “WHO DID THIS?!”
Tumuro siya kay Serena.
“Ako?!” gulat ni Serena.
“Elio! Sabihin mong siya ang nagtulak sa’kin!”
“Hindi ko po nakita,” sagot ni Elio, natataranta. “Pero mukhang nag-slide ka lang dahil sa heels mo…”
“Maliit na bagay lang ‘yan,” singit ni Olivia mula sa stage, hawak ang mic. “Let’s not ruin the party! Sa mga gustong magpalit ng damit, may towels sa cabana!”
SPLASH. May isa pang nalaglag. This time? Si Lucio. Ang fiancé ni Serena, na late dumating.
Basang-basa rin.
“At ano naman ang ginagawa ng fiancé ko dito?” tanong ni Serena, litong-lito na.
Lucio tumayo sa pool, hawak ang phone. “Akala ko… surprise. Pero mukhang may iba ka nang kasayaw, Serena.”
Cue slow pan to Elio, na nakatitig kay Serena na parang gusto siyang dalhin palayo.
---
Itutuloy sa Part 6…
Next Part Sneak Peek:
Ang sayaw na matagal nang pinipigil nina Serena at Elio.
Olivia finally figures out part of Elio’s real identity.
Sabrina… may hawak nang litrato. At mukhang may ebidensya.