CHAPTER: 7

3101 Words
Ang araw ay unti-unting lumulubog sa karagatan, at ang langit ay nahahaluan ng kahel at kulay rosas na parang isang painting na gawa ng isang artistang lasing sa alaala ng unang halik. Sa Monteverde resort, nagsimula nang dumating ang mga bisita para sa engagement party nina Serena at Lucio. Suot ni Serena ang isang champagne-colored na gown na tila isinadyang ipang-akit. Habang palapit siya sa hardin kung saan ginaganap ang party, ramdam niyang lahat ng mata ay nakatutok sa kanya. Pero hindi niya inalala ang mga bisita—ang iniisip niya ay kung naroroon si Elio. Nasa ilalim ng canopy ang mga ilaw na parang bituin, nakasabit sa pagitan ng mga punongkahoy. Ang hardin ay puno ng mga puting rosas at hanging lanterns. May jazz band sa gilid, at si Gello ay abalang nag-aalok ng mocktails sa mga bisita kahit wala siya sa catering team. "Mocktail ka? May aloe vera at konting regret," aniya sa isang matandang tiyahin ni Lucio na mukhang hindi pa rin sanay sa ideya ng isang engagement party na may photobooth. Sa kabilang dulo ng garden, nakita ni Serena si Elio. Suot niya ang itim na slacks at simpleng polo—pero para kay Serena, mas mapanganib pa iyon kaysa sa isang tuxedo. Nakasandal siya sa isang puno, parang hindi bahagi ng kasayahan pero binabantayan ang lahat. Napalunok si Serena. Hindi siya ang tipo ng babae na natitigilan. Pero ngayon, para siyang nakalimutang huminga. "Hindi ka pa dapat nandito," sabi ni Elio, nang lumapit si Serena. Mababa ang boses niya, pero matalim. "Party ito ng pamilya ko. Karapatan kong maglakad kung saan ko gusto." "At karapatan ko ring paalalahanan kang may nanonood," sagot niya, sabay kindat. Namutla si Serena pero ngumiti. "Hindi mo ba napapansin? Sa tuwing nakikita kita, nawawala lahat ng taong nasa paligid." Hindi agad nakasagot si Elio. Sa halip, inalok niya ang kamay niya. "Sayaw tayo." "Bawal ang houseboy sa dance floor," tukso ni Serena. "Pero hindi bawal ang pagnanasa," sagot niya, sabay hawak sa baywang niya. Napasinghap si Serena, pero hindi umatras. Isinandal niya ang noo sa dibdib ni Elio habang nagsimulang tumugtog ang mabagal na musika. Tila ba ang bawat hakbang nila sa sahig ay isang lihim na hindi dapat malaman ng iba. Habang sila'y sumasayaw, tahimik na napansin ni Sabrina ang dalawa. Nakatayo siya sa gilid ng balcony, hawak ang isang wine glass at may ngiting hindi mo alam kung masaya o mapanira. Tumalikod siya at nilabas ang cellphone. May sinend siyang larawan sa isang anonymous number isang kuha ni Elio habang hinahawakan ang mukha ni Serena. "Game on," sabi niya. --- Tahimik ang paligid ng resort habang unti-unting lumulubog ang araw sa likod ng mga ulap. May kaunting malamig na simoy mula sa dagat, at ang liwanag ng orange na langit ay tumatama sa balat ni Elio habang nakatayo siya sa may gilid ng pool, nakasuot ng manipis na puting sando at gray na short na muli na namang bakat sa bawat galaw. Sa di kalayuan, pinagmamasdan siya ni Sabrina, nakasandal sa haligi habang nakasuot ng maluwag na silk robe, hawak-hawak ang isang wine glass. Kinagat niya ang kanyang labi. “Kung hindi ka lang house boy...” mahinang bulong niya sa sarili. “Akin ka na sana.” Pumihit si Elio at halos hindi naitago ni Sabrina ang pagkatitig sa basang bahagi ng kanyang suot na short. Dahil sa basa ito mula sa pool cleaning, mas lalo pang bumakat ang kanyang malaki at nangingibabaw na pagkatao. Para itong sumasayaw sa bawat hakbang. “Hoy, mare! Bakit para kang nakakita ng diyos na may hawak na mop?” sabat ni Gello, na kararating lang mula sa resort bar, dala ang dalawang cocktail. Sabrina, nataranta, agad na iniwas ang tingin. “Excuse me, hindi ako cheap.” “Hindi cheap? Eh halos malaglag na yung wine mo sa bibig mo sa pagkakatitig sa harapan ng kuya mong house boy!” sabay tawa ni Gello. “Nakakahiya ka, mare!” Sa gilid ng cottage, si Serena ay bagong labas mula sa shower. Nakasuot siya ng puting dress na bumabagay sa kanyang kulay at postura. Napansin niyang nagtatawanan sina Gello at Sabrina, pero ang paningin niya ay mabilis na napadako kay Elio. Nagkatitigan sila. Mabilis na bumaba ang tingin ni Elio, para bang may gustong itago. Pero hindi rin niya napigilan ang muling pag-angat ng mata. Bumalik ang kanilang tinginan, at sa katahimikan ng sandaling iyon, para bang silang dalawa lang ang naroroon. “Hoy, Serena! Mag-aayos na ba tayo? Dinner with the royal in-laws, right?” sigaw ni Gello habang tumatakbo palapit. “Oo. Ayoko namang mapahiya si Mommy Olivia.” “Girl, kung ako ang isasama sa dinner na ‘yan, ako ang star of the night. Pero ikaw, baka ikaw ang... dish of the night!” sabay turo kay Elio. “Lalo na kung ganyan ang tinititigan mo.” Napangiti si Serena, pero mabilis ding inalis ang ngiti at ngumiti ng kunwari. “Wala ‘yon. Let’s go.” Ngunit hindi pa sila nakakalayo ay biglang lumapit si Sabrina kay Elio. “Uy, Elio. Bakit parang basang-basa ka? Gusto mong pautuyuin kita?” Sabay ngiti na may halong landi. Hindi sumagot si Elio. Umiling lamang siya at tahimik na lumakad papasok ng utility room. “Hmm, suplado. Mas lalo akong nae-excite,” bulong ni Sabrina. Samantalang si Serena, bagama’t walang imik, ay ramdam ang muling pagbangon ng selos. Hindi na niya maintindihan ang sarili. Hindi naman sila ni Elio. Pero bakit ba kasi gano'n ang pakiramdam tuwing may ibang babae sa paligid nito? --- Pagdating ng gabi, nagtipon-tipon ang buong grupo sa eleganteng open-air dining area ng resort. May mahabang mesa sa gitna, napaliligiran ng mga kandila, fairy lights, at mga bouquet ng white roses. Present sina Serena, Lucio, Olivia, Ramon, Sabrina, Gello, at siyempre, Elio—na ngayon ay naka-unipormeng puting polo at slacks bilang parte ng staff. "Anak," bulong ni Olivia kay Serena habang inaayos ang strand ng buhok nito. "Make sure Lucio is impressed tonight. Hindi na tayo makakaulit kapag umatras pa ‘yan." Ngumiti si Serena nang pilit. "Yes, Mommy." Sa kabilang dulo ng mesa, naupo si Lucio—seryoso ang mukha, tila may iniisip. Inalok siya ni Gello ng wine, pero umiling lang ito. “Hindi mo ba ako namimiss, Lucio?” biro ni Gello. “Alam mo naman, I bring the flavor!” “Sapat na ang alat mo,” sabat ni Sabrina sabay hikab. Tahimik ang naging simula ng hapunan, ngunit sa ilalim ng mesa, may tensyon na agad. Sa bawat paglapit ni Elio para magsalin ng wine o mag-serve ng pagkain, ramdam ni Serena ang presensya niya—ang bahagyang pagdikit ng kamay, ang pagtama ng siko, o ang mahinang boses nito na tila bulong lang sa hangin. "Excuse me po," sabi ni Elio habang pinupunasan ang basang bahagi ng mesa malapit kay Serena. Ngunit sa pagyuko niya, bahagyang dumampi ang braso niya sa hita ng dalaga. Mabilis ang t***k ng puso ni Serena. Nakatingin si Lucio sa kanya. Pigil ang kanyang hininga. "Okay ka lang ba?" tanong ni Lucio. "Yes! Yes, of course," mabilis niyang sagot. "Mainit lang siguro... ang panahon." "Oo nga. Ang init," sabay sulyap ni Sabrina kay Elio. "Baka dahil sa... house boy." Sumingit si Gello. “Hoy, grabe ka mare! Para kang gutom na gutom sa longganisa. Bigyan ka kaya ng tuwalya ni Elio?” Napatawa si Serena kahit pilit, habang si Olivia ay siniko si Gello. “Can we act proper for once?” Pagkatapos ng dinner, nagsuggest si Ramon ng bonfire night by the shore. "Masarap siguro mag-coffee doon. Nakakarelax," aniya. Maya-maya’y abala na ang lahat sa paglipat sa beachside. Habang nag-aayos ng mga upuan, napansin ni Serena na walang ibang tao sa paligid kundi si Elio. “Can you help me with this?” tanong niya kay Elio habang bitbit ang isang unan. “Of course, Ma’am.” Ngunit sa paglapit ni Elio, nadulas si Serena sa buhangin. Bago pa siya tumumba, mabilis siyang nasalo ni Elio—at dahil sa bigat at gulat, pareho silang natumba… si Serena sa ibabaw niya. Nagkatitigan. Parang huminto ang mundo. "Are you alright?" tanong ni Elio, halos pabulong. "Yes... sorry," sagot niya, ngunit hindi pa rin tumatayo. Ang kanilang mga labi, halos magdikit. “Serena!” sigaw ni Sabrina mula sa likod. “Baka gusto mong ipangregalo na rin katawan mo sa house boy!” Mabilis na tumayo si Serena, pulang-pula ang mukha. Si Elio naman ay hindi na nagsalita, basta tahimik na inayos ang pagkakadapa. “Wala ‘yon,” aniya. Pero hindi iyon wala. Hindi iyon simpleng aksidente lang. May naramdaman silang dalawa. --- Ang bonfire ay nagsimula na. Sa gitna ng malamig na hangin at malambot na buhangin, nagningning ang apoy na parang nakikibagay sa init ng tensyon sa paligid. Nasa tabi ng apoy sina Serena, Lucio, Sabrina, Gello, at ang ilang staff. Si Elio ay nasa gilid, tila nagmamasid lang. May hawak siyang tray ng marshmallows at wine, tila nagsisilbing tagapagsilbi, ngunit ang bawat galaw niya ay umaalingawngaw sa pandinig ni Serena. Ang bawat hakbang, bawat sulyap, may dalang lihim. "Alam mo," bulong ni Gello kay Serena, habang inaabot ang isang stick ng marshmallow, "kung mas titigan pa ako ni Elio, matutunaw ako bago pa itong marshmallow." "Gello," saway ni Serena ngunit natatawa. Ngunit hindi siya makatanggi. Kahit ang simpleng pagsulyap ni Elio sa kanya ay parang may kuryenteng dumadaloy sa balat niya. Habang ang iba ay abala sa kwentuhan, nagpaalam si Serena na maglalakad-lakad lang muna sa tabing dagat. Isang saglit lang, at napansin niyang may humabol. "Ma’am Serena," sabi ni Elio. "Inutusan po akong sundan ka, baka raw kasi mapaano ka." "Talaga bang may nag-utos, o... gusto mo lang akong sundan?" pabirong tanong niya, may halong kilig at hamon. Ngumiti si Elio, isang ngiting bihira niyang gawin, pero kapag lumilitaw, parang binubura nito ang lahat ng ibang mukha sa paligid. "Pwede bang parehong dahilan?" Natigilan si Serena. Hindi niya inaasahang sasagot si Elio ng ganoon. Sa unang pagkakataon, parang may bitak sa malamig na maskara ng lalaki. At doon, sa ilalim ng buwan, sa tabi ng alon, biglang naging tahimik ang lahat. "Hindi mo kailangang tawagin akong 'ma'am' kapag tayong dalawa lang," bulong ni Serena. "Anong gusto mong itawag ko?" "Serena." Tahimik. "Serena," ulit ni Elio, parang pinakikiramdaman ang bigat at lambot ng pangalan niya sa dila nito. Nagpatuloy sila sa paglalakad. Ang hangin ay malamig ngunit ang mga kamay nilang magkalapit ay tila nilulukob ng init. Minsan ay nagkakabanggaan ang mga daliri. Hindi sinasadya. O baka sinasadya. Hindi rin nila alam. "Bakit parang... palagi kang lumalapit pero sabay iwas?" tanong ni Serena, diretsahan. "Ano ba talaga, Elio?" Tumingin si Elio sa kanya. Malalim. Matalim. Ngunit puno ng emosyon. "Dahil kapag lumapit ako ng tuluyan, baka hindi na ako makaalis." Napalunok si Serena. Hindi niya alam kung dahil sa salita o sa paraan ng pagkakabitaw nito. Gusto niyang sabihin, 'huwag ka nang umalis.' Pero hindi niya kaya. Hindi pa ngayon. Bumalik sila sa bonfire na tahimik. Ngunit pareho nilang alam—may nabago. May nagising. --- Pagkatapos ng bonfire, nagkayayaan ang buong grupo na mag-night swimming. Si Olivia ay agad na tumutol, ngunit dahil kay Sabrina, pumayag din siya. "Maka-bikini lang ako, Mommy, hindi naman ako magpapakasal," sabay irap niya. "Siguraduhin mong walang iskandalong mangyayari!" sigaw ni Olivia habang paalis. Habang nagbibihis si Serena sa cabana, bigla niyang narinig ang boses ni Sabrina sa labas. "Baka gusto mong iwan mo na si Serena. Ako naman talaga ang bagay sayo, Elio. Hindi ba halata?" Nanlaki ang mata ni Serena. Dahan-dahan siyang sumilip. Nasa likod ng mga palm trees sina Sabrina at Elio. Nakasandal si Sabrina, hawak ang braso ni Elio, at parang sinasadya ang paglapit. "Kung ako lang ang papipiliin, alam ko kung paano kita pasasayahin. Hindi tulad ng ate ko na puro arte." "Sabrina," mahina ngunit matatag ang boses ni Elio, "wag mo na akong idamay sa kompetensya ninyong magkapatid." Nagulat si Serena. Hindi niya inasahan ang sagot ni Elio. Ngunit mas nagulat siya nang lumapit pa si Sabrina at biglang hinawakan ang mukha ng lalaki. "Subukan mo lang ako, Elio. Baka mas magustuhan mo." Napaatras si Elio. "I’m sorry." Sabay lakad nito palayo. Hindi na napigilan ni Serena ang sarili. Lumabas siya mula sa cabana at agad tinungo ang beachfront. Nang makita siyang paparating, parang lalong nagmamadaling umalis si Elio. "Elio!" Huminto ito. Bumaling. Nagkatitigan sila sa dilim. "Huwag mong layuan si Sabrina nang ganyan," seryosong sabi ni Serena. "Ayokong mapalapit sa kanya, Serena. Hindi siya ikaw." At bago pa siya makasagot, tumalikod na si Elio. Muling nabitin ang puso niya. Muling naiwan sa hangin ang dapat ay sinabi na. --- Kinagabihan, habang lahat ay tahimik na sa kani-kanilang kwarto, hindi pa rin mapakali si Serena. Lumbas siya ng villa para maglakad-lakad, ngunit sa may hallway ng resort, may narinig siyang tahimik na pag-uusap. "Tinitiyak ko, Don Ramon. Hindi tayo puwedeng malugi sa deal na ito. Kaya siguraduhing matutuloy ang kasal nina Serena at Lucio." Boses iyon ni Don Feliciano. At ang ama niya, tahimik lang. "Kapag hindi natuloy ang kasal, mawawala ang share n’yo sa Monteverde Holdings. At hindi ko kayang patawarin ang sarili ko kung mawawala uli ang anak ko." Napatigil si Serena. Anak niya? Napaatras siya at natapilok. Nahulog ang suot niyang tsinelas. "Sino ‘yan?" sigaw ni Don Feliciano. Hindi na siya naghintay. Mabilis siyang tumakbo pabalik sa kwarto. --- Sa loob ng kwarto, parang gusto na lang niyang sumigaw. Sa bawat hakbang niya, lalong nabibigatan ang dibdib niya. Parang unti-unti siyang nilalamon ng mga lihim ng pamilyang ito. Pagtingin niya sa salamin, nakita niya ang sarili—hindi na ang masayang dalagang ikakasal. Kundi isang babaeng naguguluhan, nagmamahal ng bawal, at puno ng tanong. At bakit ganoon? Bakit sa bawat titig ni Elio, parang alam niya ang mga kasagutan? Ngunit sa kabilang banda, naroroon din si Lucio. Tahimik, responsable, at walang kamalay-malay sa lahat ng gulo. At si Sabrina. Na tila handang sirain ang lahat, mapa-amin lang ang lalaking gusto niya. --- Kinabukasan, isang hindi inaasahang eksena ang sumalubong sa kanila sa restaurant. Nasa mesa sina Don Feliciano, Olivia, Ramon, at Lucio. Nasa gitna ang isang papel. "Bakit may... DNA test result sa gitna ng mesa?" tanong ni Gello habang umuupo. Walang sumagot. Pero ang mga mata ni Serena, agad tumingin kay Elio. At ang puso niya, muling kumabog nang mabilis. --- Ang huling liwanag ng araw ay lumulubog na sa gilid ng dagat, gumuguhit ng ginintuang anino sa balat ni Elio habang pinupunasan niya ang kanyang katawan gamit ang tuwalya. Katatapos lang nilang lumangoy sa dagat matapos ang isang tensyonado ngunit masayang hapon. Sa di kalayuan, si Serena ay tahimik na nakaupo sa lilim ng gazebo, pinagmamasdan si Elio na para bang ito lang ang mundo niya. "Grabe 'no, kahit anong gawin niya, ang lakas pa rin ng dating," bulong ni Gello na biglang sumulpot sa likod ni Serena, may bitbit na baso ng mocktail at naka-shades pa kahit palubog na ang araw. "Tumigil ka nga," pabulong na sagot ni Serena, pero hindi maitago ang ngiti sa labi. "Huy, huwag mo akong sabayan. Kita mo 'yan? Umaalog-alog pa habang naglalakad. Parang may sariling buhay, bakla!" bulalas ni Gello habang hawak ang dibdib na parang kinakapos ng hininga. Biglang lumapit si Sabrina, basang-basa ang buhok at nakasuot ng manipis na beach robe. Napansin niyang may tingin-tingin si Serena kay Elio, kaya agad itong nagsalita. "Ikaw ha, Ate. Kung makatitig ka kay Elio parang gusto mong himurin buong pagkatao niya. Pahinga ka naman minsan," pang-aasar ni Sabrina. "Ano ka ba, ang arte mo talaga," sabay irap ni Serena. "Bakit? Hindi ba totoo? Tingnan mo nga, pati si Gello nanginginig na sa gilid," sabay turo sa kaibigan nilang ngayon ay parang may mini-fan sa mukha habang pinapaypayan ang sarili gamit ang menu card. "Hoy! Hindi ako nanginginig! Nalulunod lang ako sa testosterone," depensa ni Gello habang tumatawa. Habang nagtatawanan ang tatlo, lumapit si Elio sa kanila, may hawak na bote ng tubig at bahagyang pawisan. "May kailangan po kayo, Ma'am Serena?" tanong ni Elio, pero nakatitig ito kay Sabrina. "Tubig. I need water. Lots of water," sabat ni Gello, sabay kuha ng bote at halatang sinadya pang hawakan ang kamay ni Elio ng matagal. "Baka matunaw ka n'yan, Gello," sabay tawa ni Sabrina. Ngumiti lang si Elio, ngunit hindi nito napansin ang titig ni Serena sa likod ng mga mata niya. Tila may bumabagabag sa kanya, isang pag-aalinlangan na hindi maipaliwanag. Biglang dumating si Lucio, nakasuot ng formal linen shirt at may dalang mamahaling wine. "Serena, ready ka na ba for dinner with my family?" tanong niya, diretso ang tono at halatang hindi sanay sa ganitong kasayahan. "Almost. Just drying off," sagot ni Serena, pero hindi niya maiwasang mapansin ang panlalamig ng boses niya habang pinapanood si Elio. Habang nagbibihis sa dressing cabana, lumapit si Sabrina kay Elio. "Bakit hindi ka pa nag-aapply sa modeling agency ko? Seryoso ako. Tignan mo 'tong katawan mo, Elio. Isang click lang, bida ka na sa billboard." Ngumiti si Elio. "Mas gusto ko pong tahimik lang. Hindi po ako sanay sa maraming mata." "Sayang ka. Kung ako ang tatanungin, dapat hindi ka houseboy. Dapat ikaw ang boss," sabay kindat ni Sabrina. Biglang dumating si Serena, kita sa mukha ang iritasyon. "Sabrina, Lucio’s waiting. Hindi ka ba magbibihis pa?" "Relax lang, Ate. Hindi naman ako ang ikakasal," sagot ni Sabrina na may halong ngisi. Tahimik na naglakad si Serena papalayo, pero naramdaman niyang may sumunod sa kanya. Si Elio. "Serena... kung pwede lang... huwag mo akong tingnan na parang may mali sa akin." Huminto siya. "Wala akong sinabing mali ka. Pero... hindi ko rin kayang magsinungaling. Naiinis ako kapag nakikita kitang kinakausap si Sabrina nang ganun." "Ginagawa ko lang ang trabaho ko. Wala akong balak makasakit." Nagkatinginan sila. Walang salita, pero ang damdamin ay sumisigaw. Bago pa man sila matukso na muling mapalapit sa isa’t isa, dumaan si Lucio. "Serena. Let’s go." Agad na nagbalik si Serena sa realidad. Iniwan niya si Elio na parang may isang bagay na naiwan sa kanyang puso—hindi malinaw, pero matindi. Sa dinner table, habang masayang nagkukuwentuhan ang pamilya nina Lucio at Villanueva, tahimik lang si Serena. Si Sabrina ay patuloy sa pamumuna sa pagkain at pagpapatawa. Pero ang isip ni Serena ay lumilipad. Sa ilalim ng mesa, hindi niya napansin na bahagyang nagkatinginan sina Elio at Sabrina mula sa likod ng halaman. At doon, nagsimula ang sunod-sunod na tanong sa isipan ni Serena. Kanino ba talaga ang puso ni Elio? At kailan ba matatapos ang nararamdamang panggigipit sa pagitan ng tungkulin, pamilya... at pag-ibig?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD