Chapter #4: You Saw Nothing

1886 Words
IV: You Saw Nothing Thursday 3:15 pm "How are you? And, what do you feel?" A familiar man asked him after he finally made to open his eyes. Jon cannot believe that he is still alive. He thought that it might be the last moment of his life while he was inside of that gloomy tunnel. But he can totally move his hands, and even his toes and heep. He breathed deeply, trying to focus his mind on the reality. "I'm fine! I just can't—" Jon paused for a minute. He stopped when he remembered the things that had happened to him. Everything comes back to his mind, all the gunshot he heard and the screams of the man after that. He started to feel uneasy, he can’t normally close his eyes. "You can't believe that you're still alive? Yeah! Actually, me too..." He tenderly smiled at him. "Thank you, kuya!" Jon replied softly. The man besides him was his elder brother, Hyun Andrey Copper. Napuno ng maraming tanong ang isipan ni Jon, lalo na kapag naaalala niya ang nangyari sa loob at labas ng basement. Ayaw niyang itanong ang mga iyon sa kanyang kapatid, sapagkat baka isipin nitong guni- guni niya lamang ang mga nangyari. Sa katunayan, napapaisip siya kung talaga bang nangyari ang mga 'yun. Malakas ang kanyang kutob na totoo at malinaw ang lahat, kahit hindi niya maalala ang mga sumunod na nangyari matapos lumabo ang kanyang paningin. Tumingin siya sa kanyang kapatid, lubos siyang pinagmamasdan nito. Nakangiti, kalmado at mukhang wala namang masamang nangyari sa paligid. "Kuya..." Panimula niya. Yumuko siya at muling tumingin sa kapatid. "Maybe, I know what I saw but– I can't remember everything." Nakatingin lamang at magpasahanggang ngayon ay nakangiti pa rin sa kanya si Hyun, hindi makikita sa bakas ng mukha nito ang pag- aalala. He looks calm and innocent, and he acted like nothing has happened. "I guess you're tired and hungry." Napabuntong hininga siya. "Listen to me, Jon. When you came here, you walked through the garden. And then, you entered the house. You've visited the living room and even the kitchen. You sat on a chair. And after that, you truly— slept!" Mahabang paliwanag ni Hyun sa nakababatang kapatid. “Truly slept? But—why does his word seems strange to believe?” bulong ni Jon sa sarili. Hindi niya pinagdududahan ang kapatid, napapaisip lamang siya sapagkat kakaiba ang mga ginagamit niyang salita. Maging ang kinikilos nito’y kakaiba sa kanyang paningin. Isa siyang private investigator, alam niya kung ang tao ay nagsisinungaling o hindi. "I s-slept?!" Mariin na sambit niya. Nagtaka naman ang nakatatanda niyang kapatid, parang nabigla sa itinanong niya. Subalit ngumiti lamang ito at tumango sa kanya bilang pagsang-ayon. Hindi na malaman ni Jon kung ano ang totoo, kung talaga bang nakatulog at nanaginip lamang siya ng mga oras na iyon. Sinusubukan niyang alalahanin ang bawat nangyari, pero mas nais niyang paniwalaan ang sinabi ng kanyang kapatid. Wala dahilan upang magsinungaling ito sa kanya, at isa pa ay magkapatid sila. Dapat walang itinatago ang isa’t isa, ito ang pumapasok sa isipan ni Jon. "Y-yeah! I think you're right, b-but..." He realized something. "Why did you ask me if I'm okay? And, what do I feel?" Napatingin sa kanya ang nakatatandang kapatid, at tila napahinto ng mga sandaling iyon. Hindi naliliwanagan sa nais niyang iparating, bagkus ay hinahawakan nito ang sariling buhok. "Nothing! I'm just worried about you, a-and I know that you are sick kaya naman tinanong kita kaagad..." Umiiling- iling ang ulo’t mukha nito habang pinaglalaruan ang kanyang paningin. Patuloy lamang sa pag-ngiti ang kanyang kapatid habang siya'y pinagmamasdan. Inayos ni Jon ang pagkakaupo sa malaki't malambot na kama. Tiningnan niya si Hyun, at agad din niyang binigyan ito ng masaya at mainit na yakap. Pinilit niyang maniwala sa kapatid, subalit hindi pa rin maalis ang kanyang pagtataka na parang maraming mga bagay na itinatago sa kanya ang mahal niyang kuya. "Nothing happened, Jon!" Sambit ni Hyun. Agad siyang humiwalay sa pagkakayakap at kaagad na hinawakan ang braso ng kapatid. Tinitigan niya si Jon ng nakangiti, subalit makikita sa mga mata nito ang tunay na nararamdaman. Seryoso at may kasamang pagbabanta ang ekspresyon ng mga mata nito. "Forget all of it. You saw nothing, right?" Seryoso na bulong nito sa nakababatang kapatid. Napayuko siya matapos marinig ang sinabi ng kapatid. Hindi makapaniwala si Jon sa nasasaksihan, at hindi naman ganun kabagal ang pag- unawa niya upang di' maintindihan ang ibig sabihin ng kanyang kuya. Ibig sabihin nito ay totoo ang kanyang mga nakita’t naaalala, nais na niya sanang maniwala na walang nangyari subalit biglang nag-iba ang takbo ng pangyayari. "Y-yes. I t-think—it was just a d-dream..." Mahinang tugon niya. Sumang-ayon siya kahit alam niya ang buong katutuhanan, ayaw niya lamang na magkaroon sila ng hindi pagkakaunawaan. “Good, just behave yourself and I swear that you’ll be fine.” Mariing sambit nito sa kanya. May itinatago ito at posibleng ayaw niyang maging parte ng kanyang sekreto ang may sakit na kapatid. Iniisip ni Jon na baka malaking krimen ang itinatago ni Hyun, lalo na't nakarinig siya ng mga putukan noong unang araw pa lamang niya sa Villa. Malinaw na sa kanya ang lahat, at totoong nangyari ang nasaksihan niya sa basement. Napakaraming nagpapagulo sa kanyang isipan. "I know you, Jon! Huwag mo ng pilitin ang sarili mong alamin ang lahat, ayaw kong madamay ka..." Napalunok ang binata, naninibago siya sa kinikilos ng kanyang kapatid. Ang laki ng pinagbago nito matapos ang huling pagkikita nila noong nakaraang dalawang buwan. Possible bang magbago ang tao sa loob ng maiksing panahon? Hindi na ganun kaiksi ang dalawang buwan. Sa katunayan ay parang taon na ang katumbas noon, lalo na kung alalahanin pa niya ang mga nangyari sa kanya sa loob lamang ng dalawang buwan. Nawala ang ngiti nito nang hindi sumagot ang nakayukong kapatid, kaagad siyang tumayo't dahan- dahang tumungo sa pinto ng silid. Jon cannot say any words. For him, it seems like his brother had changed. He's actually different from before, and Jon wondered, why? "And by the way, you want a vacation, right?" Hyun had turned to glance at him. "I'm busy right now and I don't know if I can manage to spend such fun days with you. But don't worry, I'll call someone to take good care of you while you enjoy every single days of your life..." Masayang sambit pa niya. Napatulala si Jon nang marinig ang sinabi niya, at naguguluhan sa nais niyang iparating. Ngumiti siya bago tuluyang lumabas ng kwarto. Napahiga na lamang sa malaking higaan ang nagtatakang binata. Tinitigan niya ang kisame ng silid, napapaisip kung tama bang magbakasyon at manatili pa siya sa Villa ng kapatid. Nawala ang excitement at lahat ng kanyang saya. Nalulungkot na siya sapagkat nagawa siyang pagbantaan ng dating malapit sa kanya. At higit sa lahat, parang hindi na kapatid ang turing nito sa kanya. Naalala niya ang minsang hindi pagkakaunawaan ng kanyang ama at kuya, nagsisigawan at pinag-uusapan ang tungkol sa negosyo. Ipinikit niya ang kanyang mga mata at huminga na lamang siya ng malalim. Inaalala niya ang mga panahong nagkukulong siya sa kanyang silid sa tuwing nag-aaway ang kanyang ama’t kapatid. … “Really? You think I’m using the money for my own good? Hell no, you old man!” Sigaw ng kanyang nakatatandang kapatid sa sarili niyang ama, habang pareho silang nasa opisina ng kanilang bahay. “How dare you! You called me old man, I’m your father.” “Who cares about you anyway? You’re all the same, you always judging me because I am not your favorite son.” “What?! Naririnig mo ba ang mga sinasabi mo? Parehas ko kayong anak, I even gave to you the whole business budget. You know why? Because I trusted you, I know you can handle such great responsibility lalo na’t Business Ad. naman ang natapos mo.” Paliwanag ng ama. “Huh! ‘Yun ay dahil business ang gusto niyo para sakin, natanong niyo ba kung gusto kong maging Pilot? Hindi, di’ba? Bakit hindi niyo pinilit ang magaling at matalino niyong anak para siya na lang ang mag-handle ng business?” Galit na tugon naman ni Hyun. “Y-you don’t understand, we can talk about that later. Just not right here, your brother is in his room. He will heard everything if you keep shouting at me.” Mahinang saad ng kanyang ama, habang itinuturo ang silid ni Jon. Napatigil si Hyun, nagbabaga pa din ang paningin nito lalo na’t magpasahanggang ngayon ay ang kapatid pa rin niya ang parating nababanggit ng kanyang ama. Hindi siya sumagot, kinikimkim niya ang galit na namumuo sa kanyang dibdib. “I know you’re better than this, Hyun. Just continue the business with your own hands. We can’t afford to lose a single penny, we need it. Your brother might need it if he wants to stay, I know it will come someday…” “W-what are you talking about?” Nagtatakang tanong niya. “Y-your brother—he is…..” … At hindi na narinig ni Jon ang mga kasunod na salitang nabanggit ng kanyang ama. Maski siya ay naguguluhan nung mga araw na ‘yun, pero naisip niyang mahal lang talaga siya ng kanyang ama kaya hinayaan siyang kuhanin ang gustong kurso nito sa kolehiyo. Kung siya ang tatanungin, sana mas pinili na lamang niyang mag-business kung nalaman niya ng maaga ang tunay na nais ng kanyang kuya. Dahan-dahan niyang inabot sa katabing lamesa ang kanyang pitaka. Binuksan niya ito at inilabas ang maliit na larawan nilang magkapatid. Pareho silang masaya at nagkakasundo lalo na nung nasa kolehiyo pa lamang ang kanyang kuya, samantalang siya naman ay nag-aaral pa ng Senior High. Napangiti siya, gustong-gusto niya ang kanyang Highschool life. Bata pa siya noon at wala pang inaalala na katulad sa nangyayari ngayon. Napapatulala na lang din siya matapos maalala ang kanyang sakit. Baka ni’ hindi na niya mararanasang tumanda pa. Hinding- hindi niya makalimutan ang kapatid, napapabuntong hininga siya sa tuwing maalala ang banta nito sa kanya. “My brother is not a bad man. He’s just mad—to me. Maybe I am the reason of his indicent behavior. I love him, but why he had to change after that day? I didn’t do anything to upset him…” Maybe his father did something that’s why his brother had change, he thought. “Ugh! I can’t blame that to my father, he’s too kind and lovable.” Napakaraming mga tanong ang lalong nagpagulo sa kanyang isipan. Dapat pa ba siyang makampante? Natural lang ba ang mga nangyari kanina? Magagawa ba niyang saktan siya, lalo na kung susubukan niyang alamin ang lahat? Huminga siya ng malalim. Alam niya sa sarili na hindi siya mapapakali lalo na't involved siya at maging ang kanyang kuya. Mas nais niyang nasusulusyonan ang lahat. Nakasanayan na rin niyang gawin kung ano ang nararapat sundin. Paunti- unti, alam niya sa sariling malaman niya rin ang katotohanan sa kabila ng itinatago ng kanyang nakatatandang kapatid. "Kuya, what happened? Why did you choose the wrong path? Why do you have to put yourself on these terrible situations?" He closed his eyes, trying to understand his brother. He never judges him, and he's just seeking for an answer. He wants to know the whole truth... "Is it too much to ask for that?" He thought.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD