TWENTY-FOUR Akala ko’y tulog na ito dahil ang braso niyang nakayakap sa akin ay abala pala sa ibabaw ng dibdib ko. Pinaglalaruan ang dungot kong nabubuhay na dahil sa ginagawa niyang paglalaro dito. Tiningnan ko ang oras sa may dingding. Ala-una na pala ng madaling-araw kaya ang magaling kong asawa’y gising pa. Mahaba rin pala ang naitulog ko kanina. Hindi na ako nakakain dahil sa pag-iinarte ko. Hinampas ko ang kamay niyang hindi pa rin tinitigilan ang dibdib ko. Ngunit hindi niya pa rin iyon inihinto bagkus umungol lamang siya at lalo akong hinapit sa katawan niya. “Hon, wala na ba tayong sexy time? Nami-miss na kita. Pagbigyan mo naman ako kahit minsan lang,” ungot niya habang nakasubsob na ang mukha sa leeg ko. Kaya tumatama ang mabibigat niyang paghinga dito na nagbibigay naman sa

