CHAPTER 25 Sa matagal na panahon, ngayon lang nanuyo ang aking lalamunan. Yung kaba ko, sobra hindi dahil sa takot akong masukol kundi ayaw kong manakit ng taong wala naman kinalaman sa aking ipinaglalaban at pinaghihigantian. “Dito tayo ma’am.” Itinuro niya ang gilid ng pintuan para kapkapan ako. Bago makalapit sa akin ang guard ay mabilis kong binunot sa bulsa ko ang dala kong susi ng sasakyan. Ipinakita koi yon sa guard. “Sorry, tumunog yata ang scanner dahil dito.” Ayaw kong makasakit ng guard ngunit kung kinakailangan ay gagawin ko. “Ah okey, sige ho Ma’am,” umatras ang tamad na guard. “Pwede na akong pumasok?” paninigurado ko. Tumango lang siya. Umupo. Ipinagpatuloy niya ang kanyang paglalaro. Ngumiti ako. Lumuwang ang aking paghinga. Iniadya ng Diyos na hindi ako makasakit

